[26] I do? I don't?

505 22 0
                                    

                                         🌟Chapter [26] I do? I don't?🌟

Naka tayo ako dito sa likod ng bahay na kung saan nakikita ko ang swimming pool at ang puting gazebo. This is it, the nightmare has come. I will be no longer Jessica Jung, Masakit 'man pero wala na akong magagawa. Bakit hindi ko magawang lumaban ngayon? Magalit? Magsisigaw? Tila bigla nalang akong nanghina.

Tiningnan ko ang wrist watch ko, mamaya ay may susundo sa akin. At dadalhin ako sa pag-aayusan ko. Tinitingnan tingnan ko ang mga bagay sa paligid ko, lumakad ako papunta sa pool at umupo sa puting bench doon.

Tumunog ang iPhone ko kung kaya't tiningnan ko naman agad iyon. Hindi ko alam kung maiiyak ako sa text na nabasa ko galing mula sa kanya. Napa takip ako sa bibig ko upang pigilan ko ang pag hikbi.

Bakit kahit sa simpleng 'Congrats, I'm Happy for you Jess.' Mula sa kanya isang tarak sa puso ko 'yon. Ano ba? Hindi 'man lang niya ba ako pipigilan? Naging girlfriend naman niya ako ah? Naging parte naman ako ng buhay niya noon?

Gusto ko siyang tawagan, gusto ko siyang maka-usap. Gusto ko siyang makausap dahil alam kong ito na ang huli sa papaging Jessica Jung ko. Mapapalitan na ang aplido ko sa hindi ko naman na gustong aplido.

Huminga ako ng malalim at lumunok ng laway, pagkatapos 'non ay pinahid ko ang basa kong pisngi. Lakas loob ko siyang tinawagan.

"Hello, Jess. Napatawag ka?" Masigla niyang sabi. Masaya na ako dahil masaya na siya, Oo. Yun lang naman ang gusto ko ang maging masaya siya kahit ako ang unang nang iwan. Oo, kahit pag-sisihan ko 'man ang ginawa kong 'yon. Wala na akong magagawa, Sinayang ko lahat. Sinayang ko ang limang taon na relasyon naming dalawa. Sinayang ko lahat ang tanga tanga ko lang.

"Wala lang, Gusto ko lang may maka-usap." Pagsisinungaling ko. Narinig ko ang mahina niyang pag-tawa napa pikit ako ng mariin.

Noong hiniwalayan ko na siya, wala siyang ginawa. Kundi niyakap lang ako at iniwan na lamang ako basta. Marahil siguro'y ayaw niyang makita ko siyang nasasaktan. Ginawa ko lang naman 'yon dahil kailangan. Ayaw ko 'man pero kailangan.

Simula ng araw na 'yon wala na akong nalaman sa kanya. Tanging naging balita ko lang pumunta sila ng Canada. At doon ko nalaman, mayroon na siyang girlfriend. Noong una hindi pa ako naniniwala pero hanggang siya na mismo ang nag-sabi noong naka salubong ko siya sa Hilton University.

"Where's your soon to be Husband? Wala ba sa dyan?" Tanong niya.

Hindi ko alam kung nasaan siya. "Hindi ko alam eh." Suminghot ako sa pag-sagot sa tanong niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto kong pigilan niya ako kung kailangan kong lumuhod sa harap niya gagawin ko. "Jess? Are you crying?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

Napa takip ako sa bibig ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag sunod sunod na hikbi at tulo ng luha sa pisngi ko. "Morgan, do you still love me?" Umiiyak na tanong ko.

Wala akong narinig na kahit anong sagot mula sa kabilang linya. Bang!

Sakit.

Ito naman ang gusto kong mangyari diba? Sobrang sakit lang. Oo 'lang' Ibaba ko na dapat ang tawag pero nag-salita siya, bumuntong hininga siya.

"I love my Main." Napa ngiti ako ng mapakla mismo sa sinabi niyang 'yon.

Iba parin pala talaga pag sa kanya na mismo nanggaling. Dahan dahan ko na lamang inilayo ang iPhone mula sa tenga ko. Inilapag ko 'yon sa tabi ko. At napa hilamos ako sa mukha ko.

Ginusto ko 'to panindigan nalang.

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang sarili ko. "Ma'am, Okay na po?" Napa lingon ako sa nag-salita mula sa likod ko. "Kanina ka pa ba nandyan?!" Inis na tanong ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now