[22] Fries and Cokefloat

460 18 0
                                    

                                        🌟Chapter [22] Fries and Cokefloat🌟

"Oh bakit?" Sita ko sa kanya. Huminto kasi bigla ang pag-mamaneho niya. Sinilip ko naman kung nasaang Lugar kami pero alam kong nasa Manila parin kaming dalawa.

Ang mas kinaiinis ko pa, pilit na sinasadya ng Grandparents ko at mga magulang niya na pagsamahan kami laging dalawa. Eh kahit makita ko nga yung lalaki na 'to nasisira na ang araw ko. Makasama ko pa kaya. Ang kapatid ko namang si Krystal manung sinabi sa akin na pupunta palang Batangas. Ugh.

Inis na lamang akong sumandal sa sinasandalan ko kanina. Nag earphone na lamang ako at nag music. Hindi pa naman rin nakaka two minutes ang kanta agad ng may kumakalabit sa akin. Actually parang papel eh.

"Wh--" Nakita ko naman na hawak hawak niya ang dalawang paper bag ng Fastfood. McDo? Ano meron at bumili pa siya. May pagbibigyan siya sigurong mga bata. Kinuha ko 'yon agad at binigay niya na ang bayad. Pagkatapos naman ay pinindot niya na din ang pindutan ng sasakyan para masara na ang window sa tabi niya.

"Ang gagawin mo dito?" Tanong ko at inalis ang isang earphone sa tenga ko. "Eat it," Hindi niya pag sagot sa tanong ko. "Huh?" Naguluhan kong tanong.

Ano ba naman kasi ang sagot niyang 'yon? Tinanong ko kung ano ang gagawin niya sa Mga Fries at dalawang cokefloat ang binili niya. "I know every woman, Gutumin kayo sa Byahe." Deretsahang sagot niya. "Your treat?" Paninigurado ko.

Ayoko naman na kakainin ko na nga tapos may bayad naman pala. "Obviously." Sagot niya habang naka tingin sa dinadaanan namin. Hindi na lamang ako nag salita pa.

Kumuha naman narin ako ng isang piraso ng fries at kinain 'yon. May nagawa naman rin siyang bagay na ikatutuwa ko sa kanya. This past few days kasi ugh. Imbyernang imbyerna ako sa kanya.

Habang patuloy ako sa pagkain ng binili niya. Tiningnan ko naman siya na seryosong seryoso sa pagmamaneho. "Bab-- Kris." Tawag ko.

"Hmm.." Sagot niya habang nag mamaneho. "Salamat." Sabi ko.

"Tss.," Yon na lamang ang sinabi niya.

Pero hindi parin nawawala sa isip ko ang gusto niyang sabihin sa akin. Kapag kasi may nagsasabi sa aking may kailangan silang sabihin o siya. Naku curious agad ako. Kaya hindi ako lulubay hangga't hindi ko nalalaman iyon.

"Ano nga pala ang gusto mong sabihin kanina?" Deretsong sagot ko.

Matagal siya bago sumagot. Hindi ko nga alam kung sasagutin niya pa o binalewala na niya ang tanong ko. Kitang kita ko ang pag bigat niya sa pag hinga.

"About Girlfriend and Bestfriend." Sagot niya. "I mean, Old Friend. No, a stranger." Sagot niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Story ba 'yan? Speak." Sabi ko. At sumubo muli ng fries.

Narinig ko na lamang ang mahinang naiinis niyang tawa. "Yes, Story." Sagot niya pero hindi na ako nag-salita.

"The girl and The Boy, they love each other. They are couple." Simula niya. Kumunot agad ang noo ko.

"Two years relationship." Kwento niya habang patuloy parin sa pagmamaneho. "Then?" Tanong ko. "Can you patiently wait?" Iritado niyang tanong. "Okay... Okay." Sabi ko agad. Ugh.

"Then one day.. Everythings broke up. Because of someone." Kwento niya.

Nakikinig lamang ako sa kanya habang kinakain ko ang Fries. "Sino yung Someone? A third party... Or what?" Tanong ko. Hindi na kasi ako makapag hintay ang tagal niyang mag kwento!

"His bestfriend, the one who ruined the two years relationship." Sagot niya. "It is a Boy or Girl?" Tanong ko. "Boy." Sagot naman niya agad.

Nagulat naman ako dahil sa kwinento niya. Hinihintay ko pa ang susunod niyang sabihin. "Nainlove yung Girlfriend niya sa mismong bestfriend niya while she is in a relationship."

Hanggang sa matapos niya na ang kwento. Kawawa naman pala yung lalaki. Kasi siya yung nawalan, yung Girlfriend naman niya? Ayon. Na fall sa kaibigan ng lalaki. Matalik na kaibigan pero hindi naman siya nasalo dahil mayroong Girlfriend ang matalik na kaibigan ng lalaki.

Pero dumating ang isang araw. Tila nagbago ang ihip ng hangin. Nakipag hiwalay yung Girlfriend ng matalik na kaibigan ng lalaki dahil sa Family Reasons nito. Kaya nagkaroon ng pagkakataon na maging magka relasyon sila.

Ngayon naman daw yung lalaking iniwan ng Girlfriend. Nagmahal muli, Six years relationship pero ngayon daw naging komplikado dahil din sa Family Reasons. Sa Family Tradition daw.

"Saklap." Iyon na lamang ang nasabi ko. Nakita ko naman ang pag iling iling niya. Hindi ko na lamang siya pinansin pa.

Tiningnan ko naman ang Fries na hawak hawak ko naubos ko na pala ang mga laman nito. Gaano ba katagal ang byahe namin at naubos ko na? Tiningnan ko naman ang dalawang cokefloat na nasa harapan ko.

Sinilip ko naman si Kris na kanina pa nagmamaneho. Teka? Hindi ba siya nagugutom. "Hey.. Hindi mo pa ba ito iinumin? The ice cream is melting." Tanong ko.

"I'm driving Commonsense," Sagot niya. I frowned.

Dahan dahan ko na lamang inayos ang cokefloat niya upang hindi matapon sa akin dahil mauga sa byahe. May tape kasi ito sa pinaka takip upang hindi matapon. Isa isa ko 'yong tinanggal. Pagkatapos naman nilagyan ko na ito ng straw.

Itinapat ko iyon sa bibig niya kung kaya't bumagal ang takbo niya. Hindi naman sa mabilis ang pag takbo niya. Pero katamtaman lang ngayon. "What are you doing?" Tanong niya at bahagya akong nilingon.

Ugh. Idiot!

"You're driving, Commonsense." Parang binalik ko lang din sa kanya ang sinabi niya sa akin kanina. Umiling iling na lamang siya at sinubo niya na nga ng kaunti ang straw at sumipsip ito.

Ganoon lang ang ginawa namin. Ako ang taga hawak ng inumin niya samantalang ako umiinom din pero mas mahirap ang ginagawa niya nagda drive siya. Kung kaya't hindi pwedi na matulog siya. Mwohahaha. Poor Kris. Kidding!

"Wala na." Sabi ko ng tumunog na dahil simot niya na. Tumango na lamang siya. Inilagay ko na lamang sa paper bag yung pinag inuman naming dalawa. Ilang oras nalang pala makakarating na kami ng Batanggas.

Tinitingnan ko na lamang ang daan, madilim na ang buong paligid dahil ilang oras na kaming bumabyahe. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa sandalan nitong kinauupuan ko at ipinikit ko na muna ang mga mata ko.

Baka kasi pagka gising ko nandoon na kami.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na may yumugyog na sa akin. Pinilit ko ng idilat ang mga mata ko. "What? Tutulog pa ko eh," Reklamo ko.

"Sa kwarto ka nalang matulog, mangangawit ka pa sa ginagawa mong 'yan." Sermon nito at mas nauna ng bumaba ng sasakyan. Pumunta naman siya sa Likod at nakita ko naman na ibinaba niya ang mga gamit namin.

Bumaba narin ako at kukuhanin ko na dapat sa kanya ang maleta ko pero hindi niya 'yon binigay. Ahh I know, andito kasi ang Grandparents niya pati narin yung akin. So magpapanggap ba kami? Or what. Tsk.

Pumasok naman narin kami sa loob ng Rest House. Bumungad naman agad sa amin si Krystal na tahimik na nagpa piano. Maganda naman ang mga designs. Halatang mamahalin lahat ng gamit.

"Jess.. Sweetie." Napa lingon ako sa Lola ko. Sinalubong naman agad nila kami mayroong dalawang Katulong na lumapit sa amin. Ibinigay naman ni Kris ang mga gamit namin. "Kris, Hijo." Baling naman ng Lola ko sa kanya. Ngumiti sa kanya si Kris at niyakap rin siya nito panandali.

"Food is Ready, Let's eat." Pag aaya nito sa amin. "Krystal. Tama na muna 'yan." Sabi nito. Sumunod na lamang kami sa kanya papuntang Dining Area.

**

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now