[16] The Other Story

534 25 0
                                    

                                         🌟Chapter [16] The Other Story🌟

[Jessica]

Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ko ang mahaba kong buhok. Napag isip isip ko sa ganito kong edad? Ikakasal na ako? Bakit ba ganito yung buhay ko? Pakiramdam ko lagi nalang akong kinukulong.

"Hoy Babae! Nakikinig ka ba?" Napa balik ako sa kausap ko kanina. Nasa kwarto ko kasi ang kapatid kong si Krystal.

"O-oo." Sagot ko.

"Ate totoo ba kasing ikakasal ka na? Paano na ako dito? Iiwan mo ko?" Parang bata niyang tampo sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at binatukan siya ng mahina. "Alam mo naman na ayoko pang ikasal, at saka. Ayokong umalis sa bahay na 'to kahit andito yung ama mo." Sabi ko.

Naramdaman ko na lamang ang pag sandal ng ulo niya sa balikat ko. Palihim ko na lamang siyang sinilip nakita ko naman na naka kunot ang noo niya. Kahit sabihin niyang hindi siya umiiyak alam kong umiiyak siya. Hindi dahil sa nakikita ko sa salamin dahil naka tabing ang mga buhok niya sa mukha niya. Kundi dahil sa kilay niyang naka kunot at namumula ito.

Pati kapatid ko. Nadadamay sa kalokohan ng ama niya. How selfish bro, masisikmura niyang ikasal ako sa iba. Eh pangalan nga lang ang alam ko sa lalaking 'yon. "Basta.. Kahit makasal ka na. Wag mong pababayaan yung sarili mo don, wag mong hahayaang mabugbog ka." Narinig ko ang pag hikbi niya.

Ibig kong matawa ng malakas dahil sa sinabi niya. O.a nanaman siya. Hindi naman ako masasaktan dahil hindi ko naman mahal yung lalaki na 'yon eh. Dahil si Morgan lang talaga eh.. Kung sanang kay Morgan ako ikakasal. Go lang ng Go! Pero hindi eh. Sa iba eh.

"Wag ka ng umiyak, yung make up. Kapanget na." Sabi ko sa kanya kung kaya't umayos naman agad siya ng upo. "Ikaw ang panget eh. Haba ng baba mo, di naman nagulo." Ika niya at tumayo na. "Sumunod ka nalang." Sabi niya pa at narinig ko na lamang ang pag sara ng pinto nitong kwarto ko.

Tumayo narin ako at tiningnan ko ang sarili ko. Strapless ang suot kong dress at color white ito. Above the knee ang sukat. Tinernuhan ko ito ng pula kong sapatos at nag lagay lang ako ng light na make up.

Pagkatapos ay lumabas narin ako ng kwarto ko. Pababa na ako ng hagdan ng matanaw ko ang medyo gray niyang buhok? Pero parang nag iba ito. Basta iba. Brown ba?

Pero ang ipinagtataka ko, anong ginagawa niya sa pamamahay namin? "Ma'am nauna na si Ma'am Krystal at Sir William." Pagpapaalam sa akin ni Yaya. "Eh sino ang maghahatid sa akin?" May halong inis kong tanong.

"Ako, obviously." Biglang nag salita si Kris. Napa tingin naman ako sa kanya napansin ko naman ang suot niya, ano yon? Terno kami. Naka white rin siya. "Let's go." Sabi niya at nauna ng mag lakad palabas.

I rolled my eyes, sumunod na lamang ako sa kanya. Pagkalabas ko naman. Nakita ko ang sasakyan niya ito yung ginamit niya noong na bully ako sa school nila pahatid dito sa bahay namin.

Alam ko naman na hindi niya ako pag bubuksan kung kaya't ako na mismo nag bukas para sa sarili ko. Nag hintay pa ako bago siya sumakay.

Tahimik lamang kaming dalawa habang papunta kami sa party. May mahinang tumutugtog na music. Pero hindi ko naman gusto ang kanta. Naiinis lang ako.

"My grandparents are there, Umo oo ka nalang sa mga tanong nila." Napa lingon ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"What?" Tanong ko. "Pati grandparents mo, andoon rin. Magpanggap nalang tayong dalawa." Sabi niya pa.

Hindi na lamang ako nag salita pa, hinintay ko na lamang na makarating kami sa venue ng Party. Ilang oras pa ang lumipas. Hininto niya na ang sasakyan at bumaba na.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now