[65] Truth Hurts

665 22 4
                                    

                                                                         Chapter [65] Truth Hurts

"Hanggang kelan mo ako pagdududahan, Jessica?" 

Hindi ko nagawang mag-salita matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. Tila ba'y nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Parang mabilisang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon tapos ang makita ko pang nanggigilid ang luha sa mga mata niya. "Bat mo naman kasi sinabi 'yon? Jessica." Napa tingin agad ako sa kaibigan ko matapos niyang sabihin 'yon. 

"Ang laki na ng pinag-bago ni Kris diba? Siyempre, masasaktan talaga 'yon sa sinabi mo na 'yon. Natatakot ka parin ba?" Mas lalo ko siyang tinitigan ng sabihin niya 'yon. 

Oo? Hindi? Ewan. Hindi ko alam! Ugh. Pero sigurado naman na ako sa nararamdaman ko. Si Kris na ang laman nito, Wala ng iba. Siya lang. "Pero inamin mo na sa kanyang gusto mo na siya diba?" Sabi ni Nicole habang nilalapag ang juice sa harap ko. 

Dahan dahan akong tumango. "Pero hindi ko pa sinasabi sa kanyang maha--" "Mahal mo siya?" Hindi niya ako pinatapos. Dahan dahan akong umiling. 

Nakita ko na lamang ang pag-buntong hininga niya. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Bakit ko ba kasi nasabi sabi sa kanya 'yon? Mas mainam siguro na siya nalang dapat ang piang-tanungan ko at hindi si Kai eh. Pero hindi naman ibig sabihin 'non na hindi totoo ang lahat ng detalyeng sinabi ni Kai sa akin. 

"Alam mo babs. Sa tingin ko eh, kailangan mo siyang kausapin. Nasaktan yung tao sa sinabi mo oh. Ikaw naman kasi padalos dalos ka eh." Sabi niya habang iiling iling. 

Inirapan ko na lamang siya. Imbis na palakasin niya ang loob ko tapos ito naman yung mga sinasabi niya sa akin ugh. "Si Krystal hindi ba pupunta dito?" Tanong niya at pumiraso sa cake na nasa tapat namin. Umiling ako. "May piano lesson daw." Sagot ko. 

"Piano Lesson, Makiki-pag date lang 'yan eh." Sabat niya agad. Hindi ko na lamang pinansin 'yon. 

Buong araw. Nag-lalaro lang sa isipan ko si Kris, siya lang yung iniisip ko buong araw. Iniisip ko kung paano ko siyang susuyuin. Ano ang una kong sasabihin? Saan ko siya kakausapin. At paano kapag hindi niya tinanggap ang sorry ko? Ugh. Ito nanaman kung ano ano nanaman ang iniisip ko! 

"Hoy! Ala una na." Pag-gulat sa akin ni Nicole. Napa upo naman agad ako dahil doon. Hindi ko namamalayan ang oras dahil sa kakaisip ko sa kanya. Tumingin ako sa orasan ang Ala una na nga. Wala pa naman siya sa bahay 'non gabi naman 'yon umuuwi lagi. "Nicole pwede ba?!" Inis kong sabi sa kanya at ngumuso. 

Hindi ko na nga alam kung ano ang sasabihin ko kay Kris tapos sumasabay pa siya. Narinig ko na lamang ang pag-halakhak niya. "Matanong ko lang.. Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Morgan?" Tanong niya at tinitigan ako sa mga mata ko. "Na-nagkausap na.." Sagot ko at iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. 

"W-wala daw.. Maalala si Micah tungkol sa kanya.." Mahina kong sagot pero sapat na 'yon para marinig niya. Binalot kami ng katahimikan matapos kong sabihin 'yon. Tinignan ko naman kung ano ang reaksyon niya, Ngangang nganga siya dahil sa gulat. Bumuntong hininga na lamang ako. 

"Hoy! Hindi mo kasalanan 'yon, Nag-iisip ka nanaman eh! I know you, Jess. Tumigil ka." Sabi niya. Hindi na lamang ako nag-salita pa. 

Kilalang kilala niya na talaga ako. Since kinder or nursery. Best friends na kami ni Nicole. Kaya alam na ng bawat isa ang ugali. Kaya eto hindi ako makapag lihim sa kanya. She can read my mind. Duh. 

"Eh totoo naman diba? Ako yung kausap niya kung bakit siya.. Nabangga." Sabi ko. 

"Hindi! Tanga lang siya talaga!" Singhal niya habang may tinatype sa cellphone niya. Binato ko agad siya ng unan dahil sa sinabi niyang 'yon. Kahit kelan talaga napaka prangka niya. Aksidente yung nangyari hindi naman katangahan 'yon. 

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now