[58] Let's Fall in Love

619 35 3
                                    

Chapter [58] Let's Fall in Love


"Sige." Matipid kong sagot saka pumasok sa loob ng sarili kong kwarto. Tatlong araw na ang lumipas simula ng mangyari ang bangungot na iyon, Dumalang ang pag-uusap naming dalawa. Kapag mag-kasama naman kami parang may malaking pader na naka harang sa pagitan naming dalawa. Kinabukasan ng mangyari 'yon. Para kaming nawalan ng dila parehas dahil hindi namin kayang tignan ang isa't isa na ganoon ang bumungad. Kahit hirap at masakit ang katawan ko non, Pinilit ko paring umalis pagkakayakap niya. At buong lakas akong bumangon para makalipat sa kabilang kwarto.

Buong araw lang akong nag-kulong sa kwarto 'non. Kahit kinakatok na ako ng Chef namin dito sa bahay hindi parin ako lumalabas. Wala akong ibang natatandaan noon dahil ang alam ko lang naka tulog na ako kakahintay sa kanya mula sa trabaho niya bilang CEO ng Company namin.

Kapag nasa iisang lugar naman siya o ako. Ako na mismo ang lumalayo at umiiwas dahil hindi ko kaya siyang makasama sa iisang lugar dahil naiilang ako. Hindi ko naman masabi sa kaibigan ko at sa kapatid ko ang sitwasyon ngayon, kase alam kong pang mag asawa lang 'yon. Pero bakit nga ba ako naiilang? Hindi ba't mag-asawa na nga kaming dalawa.

Napa balik ako sa reyalidad ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Dahan dahan ko siyang tinignan. Nakita ko siyang meron dala dalang tray na may lamang pagkain. Lumapit siya sa akin at inilapag ang pagkain sa side table. Tinapik tapik niya ang kutson na kung saan naka upo kaming dalawa. Sumenyas siya na dumasog ako papunta sa kanya pero hindi ko siya sinunod kung kaya't siya na mismo ang lumapit sa akin. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Jess.. Can We Talk?" Panimula niya. Tumango tango na lamang ako. Umalis siya sa pwesto niya at pumunta sa harap ko at tumalungko sa harap ko. Nagulat naman ako sa ginawa niyang 'yon bahagya siyang lumapit sa akin kung kaya't mas nakita ko pa ang mapupungay niyang mata. "Why are you avoiding me?" Mahina niyang tanong pero sapat na 'yon para marinig ko.

Hindi agad ako naka sagot ng tanungin niya ako, bakit nga ba ako umiiwas sa kanya? Dahil ba doon sa nangyari sa amin? Yumuko na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Bawat araw na lumilipas. Malaki ang ipinagbabago ni Kris, hindi na kami katulad nung dati na kapag nag usap. Dalawa o Lima lang inaabot.

Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag hawak sa dalawa kong kamay. Doon palang ako nag-angat ng tingin ko sa kanya. "Please say something.. Hindi ako sanay ng hindi mo ako kinakausap kahit ang sungit mo.." Muli niyang sabi. Dahil sa sobrang tahimik ng buong paligid. Palibhasa kase nitong mga nakakaraang araw panay ang asaran namin sa isa't isa bago mangyari 'yon. "Say something.." Muling pakiusap niya pero naka tingin lang ako sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga. "You can contact our family lawyer if you want.. but please don't be like this. Ayoko ng hindi tayo nag-uusap.." Sabi niya.

"Kung inaakala mong wala lang sakin ang nangyaring 'yon. Because we're drunk.. believe me or not. I'm fcking dead serious." Muling sabi niya.


"Because You're my First." "Please.. talk to--" Hindi ko alam pero niyakap ko na lamang siya bigla at napa iyak na lamang ako. Tumugon rin naman agad siya sa yakap at kasunod umupo siya sa tabi ko habang naka yakap parin ako sa kanya. "Gago ka!" Umiiyak na sabi ko. Naramdaman ko ang pag haplos niya sa likod ko pati narin sa ulo ko.


"I'm Sorry.." Sabi niya. At bahagyang hinalikan ang pisngi ko. Mas lalong humigpit ang pagkayakap niya at di kilalaunan humiwalay rin siya. Pinunasan niya ang basang pisngi ko at ikinulong ang magkabila kong pisngi sa mga palad niya.


"I'm dead serious." Sabi niya tumango naman agad ako. Humugot siya ng malalim na hininga. "No matter what happens.." Sabi niya hinihintay ko naman ang kasunod. If You're mine. You are only mine, I don't share." Dagdag niya.





"Let's Fall in Love Jess..." Pagkatapos niyang sabihin 'yon naramdaman ko nalang yung labi niya na nasa labi ko na.






**


Late!!! Sorna!! Hahaha happy 5k reads thank you po!! :)

VOMMENT VOMMENT THANK YOUUU!

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now