[43] Can we talk?

505 22 1
                                    


"Congratulations to the both of you!" Masayang bati sa kanila ni Tita Bella. Ngumiti nalang sa kanila si Jessica pero si Kris, umiwas lang ng tingin. At sa hindi sinasadya dumako ang tingin niya sa akin.

Wala pang isang segundo ng agaran kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng mag-tama ang mga mata naming dalawa. "Oh Hija! Asan na si Vangie saka Si Leo?" Naka ngiting tanong sa akin ni Tito Edward, ang Daddy ni Kris.

"Papunta na po sila," Naka ngiting sagot ko sa kanya. Hindi na ito sumagot bagkus pinuntahan na niya sila Kris at Jessica. Nakita ko naman kung paano niyang niyakap at hinalikan sa pisngi si Jessica. Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? "Baby.." Taranta akong lumingon sa likod ko. Sinalubong niya agad ako ng ngiti, yakap at halik sa pisngi ko.

Ngumiti na lamang ako sa kanya. Bago kami pumunta sa pwesto namin muli ko silang tinignan na dalawa. Mag-katabi silang dalawa ngayon sa isang round table na para sa pamilya niya at pamilya ni Jessica.

Nag-simula na ang party at marami kaming nalaman at mga ginawa nila. Oo, sinasabi kasi nila kung ano muli ang itatayo nilang business at alam naman ng lahat na mag-cclick muli iyon. Dahil nga sa magaling mag-palago ng kumpanya si Mr. Jung at Mr. Wu.

"I'll go to balcony. I need some air." Paalam ko sa kanya at lumakad ako sa gilid upang hindi ako pag tinginan ng mga tao na nandidito sa event. Itinulak ko ang fiber glass na pinto at dere deretso kong tinahak ang daan papunta sa Balcony.

Umupo ako sa single chair nandodoon. Ipinatong ko ang dala kong pouch sa lamesang nasa harapan ko. Pagkatapos non, isinandal ko ang likod ko sa sandalan nitong upuan. Madilim sa parteng naroroon ako kung kaya't hindi ako masyadong makikita. Tahimik at presko lang ang hangin dito. Pakiramdam ko kasi kanina para akong nasisikipan huminga. Ugh.

"Sht.." Gulat akong napa lingon sa nag-salita. Akmang aalis na siya ng pinigilan ko siya. "Sandali!" Sabi ko. Huminto agad siya pero hindi siya lumililingon. Kung ano parin pala ang porma niya noon hanggang ngayon ay ganoon parin.

Kung gaano siyang katangkad ay ganoon parin pala. "Kris.." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Hindi parin siya lumilingon. Kamuntikan na kasi kaming mag-tabi kanina. Dahil ang bakanteng silya ay malapit sa kinauupuan ko. Kaya nasa harapan ko lang siya.

"C-can we talk?" Nauutal kong saad. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong humingi ng tawad dahil sa nagawa ko. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako pero mas gugustuhin ko ng humingi ng tawad kahit hindi niya 'yon tanggapin.

"What?" Nagulat ako dahil sumagot siya at humarap agad sa akin. Malamig niya akong tinititigan habang naka pamulsa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. Yung mga mata niyang natititigan ko noon, ay parang meron ng nag-bago. Yung mga mata niya na ako lang ang nakikita. Noon

"Kris, I'm Sorry." Pabuga kong sabi at tinakpan ang bibig ko upang hindi niya marinig ang pag hikbi ko. "Sinadya mo, Bat ka nag-sosorry." Muling malamig niyang turan sa akin.

"I'm sorry for everything I've done to you. Kris, I'm really sorry." Muli kong sabi sa kanya at palihim na pinunasan ang luha kong pumatak sa pisngi ko. "Hindi ko sinasa--"

"Don't get me wrong here, Micah. You're a cheater, a user." Tuloy tuloy na sabi niya.

Nagulat ako dahil sa sinabi niya at napa nga nga. Hindi ko akalain na masasabi at masasabi niya sa akin ang mga katagang 'yon. Oo, kilala ko siya. Alam ko na kapag meron siyang gustong sabihin. Sasabihin at sasabihin niya. "You destroy our Fifthteen years friendship. You know how i value my friends. Then, Look what you've done." Malamig na sabi niya. Deretso lang siyang naka tingin sa mga mata ko.

Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. "Ginawa ko lang naman 'yon kasi alam kong ikakasal ka na sa iba." Sabi ko.

Oo, alam ko naman na ikakasal siya sa iba kahit kami pa noon. Pero hindi ko kilala. Oo, hindi ko pa kilala noon si Jessica.

Narinig ko ang parang inis at mahina niyang pag-tawa. "Pero hindi mo 'man lang ba naisip na ipaglaban ako?" Dahan dahan akong napa yuko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Why are you so easy to give up?" Inangat ko ang mga tingin ko sa kanya. Nakita ko kung paanong tumaas ang sulok ng labi niya. "S-sorry--" Iyon na lang ang nasabi ko.

"Look.. The way i see him looking Jessica..." Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Hindi parin nawawala." Mahinang sabi niya.

Parang meron naman isang patalim na sumaksak sa dibdib ko. Iba talaga kapag meron ng nag-sabi sa napapansin mo noon pa 'man diba? Ang sakit.

"Serves you right."

Napa yuko na lamang ako at napa upo dito sa bakanteng silya at napa iyak na lamang. Narinig ko na lamang ang mga yabag ng paa niya papaalis dito kung nasaan ako.

Napa takip ako sa bibig ko upang pigilan ang pag hikbi ko.

Totoo naman eh..

Alam ko..

Nakikita ko..

Napapansin ko..

Mahal niya parin si Jessica..

**

Short update. Busy sa school. Sorry Late update. Hehez. Vote and Comment thank you so much! :*

Mrs-Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now