[40] Bouquet of Roses

561 21 0
                                    

                                    🌟Chapter [40] Bouquet of Roses🌟

"What do you mean? Hinalikan ka niya talaga?!" Muli tanong ni Nicole. Oo, kasama ko siya ngayon sa isang Coffee shop. Meron naman kasi akong dalawang oras na vacant pati siya. Kung kaya't magkasama nanaman kaming dalawa. Pero hindi niya pa alam kung saan na kami naka-tira ayaw kasi nilang ipasabi pati narin sa kapatid kong si Krystal. Noong una ayoko, paano nalang kapag wala akong makausap sa bahay diba? Pero tingin ko. Mas okay na rin kung kaligtasan ko naman ang kailangan ganoon narin sa kanila.

"Y-yes." Pangalawa kong sagot sa pangalawa niyang tanong. Humigop siya ng kapeng inorder niya habang mariin na pinilig ang ulo niya. Kung hindi rin siya makapaniwala mas lalo naman ako. Alam ko naman na sagaran sa buto ang galit sa akin ng mahaba baba na yon! Pero bat niya ako hinalikan?! What the hell is happening to him?! "Kinilig ka?" Mabilis akong lumingon kay Nicole na ngayo'y natatawa pa sa tinanong niya.

"I really want to slap your  face right now." Nangigil na sabi ko habang malamig na naka tingin sa kanya. Pero inirapan niya lang ako na parang wala lang sa kanya, duh. Sanay naman narin siya sa akin kapag ginaganoon ko siya. Umiling iling na lamang ako at sumipsip ng lemonade juice ko. "Pero sa buong buhay mo. Pumasok ka talaga sa Detention Room?!" Sabi niya pa. "Tsk." Dagdag niya.

Oo, kwinento ko rin kasi sa kanya ang ginawa pa sa akin ng lalaking yon. Yes! Sa buong buhay ko kahit minsan hindi ako napasok sa Detention Room. Ngayon lang! As in, ngayon lang! At siya pa yung nag-dala sa akin doon. He's really nice huh. Tss.

"Naiinis parin ako sa kanya ugh." Inis na sabi ko at padabog na sumubo ng cheese cake na inorder ko. "Forget it, He kissed you naman." Natatawang sabi niya kung kaya't inis akong napa lingon sa kanya.

"Ha-ha-ha." Inis na tawa kong peke. Umirap na lang siya sa akin. "Sino ba kasi si Cherry?" Kunot noo niyang tanong.

"Morgan's cousin." Sagot ko. Narinig ko siyang nasama kaya simple akong lumingon sa kanya. "Tissue?" Alok ko. "Obviously." Mabilis niyang sagot. Natawa nalang ako ng mahina at kabod na binigay yon sa kanya.

"Oh my God. Is that really true?! Eh ibang iba sa ugali ni Morgan." Sabi niya habang nag-pupunas ng tissue. Tumango tango na lamang ako sa sinabi niya, Oo. Ibang iba nga sa ugali ni Morgan ang ugali na mayroon si Cherry. Pero masisi ko ba siya? Pinsan niya ang sinaktan ko diba. Pero hindi niya ba alam na mas nasasaktan ako ngayon? "Eh wala ka naman masamang ginawa sa kanya ya? Sabagay. Kapag ako rin yung ginaganon at umagang umaga pa naman maiinis rin ako." Sabi niya.

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga. At inubos na ang cheese cake ko. Siya naman pasta ang inorder niya, tinetext namin si Krystal pero hindi naman 'to sumasagot kung kaya't kami nalang ang natuloy na dalawa. Next week na pala ang Graduation namin grabe. Ang bilis ng araw ha. Noon ako pa yung kasama niya lagi pero ngayon iba na. Wala na ako sa tabi niya. Tsk.

"Eh.. Y-yung Girlfriend ni Kris? Yung S-sandy. Ano naman lagay mo don? Inaaway ka rin niya?" Tanong niya.

Dahan dahan ko siyang nilingon sa tinanong niya. Hindi agad ako naka-sagot. Ano ba lagay ko don? Diba nasasaktan ko siya kahit alam niya na pero mabuti parin ang pakikitungo at pakikipag-usap niya sa akin sa kabila ng ginawa namin sa kanya. Alam kong masakit lahat sa kanya. Totoo naman eh. Kaming mga Jung ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan ngayon.

"Pero sino ba yung kasama ni Kris noong kumakain tayo? Yung nakita natin siya sa Mall non na meron kasamang babae." Sabi niya.

"Who's that girl? Yon si Sandy." Sagot ko.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin na mistulang gulat na gulat. "Seryoso? Noong nakita ko sila. Mukhang... Alam mo na, gustong gusto nila yung isa't isa." Sabi niya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now