[31] Day 10

478 21 0
                                    

                                                 🌟Chapter [31] Day 10🌟

"Ano ba?! Bilis bilisan mo naman!" Sigaw ni Kris. Nasa loob kasi ako ng Dressing room upang mag-bihis na ng Uniform. Wala naman narin akong nagawa kundi bilisan na lamang ang pag-bihis ko. Inis naman akong lumabas ng Dressing Room, sisitahin ko pa dapat siya pero agad na siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Bakit naman kasi ganito ang naging ayos ng bahay na 'to? Iisang kwarto at iisang dressing room lang. Nagpatuyo na lang ako ng buhok at pagkatapos 'non nag sapatos na ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwartong ito. Ginamit ko ang hagdan upang maka-baba ako.

Nakita ko naman ang Driver na susundo sa akin papunta sa school. Pinag-buksan niya ako ng pinto ng sasakyan at sumakay na agad ako doon. Ini-start naman niya ang engine ng sasakyan pero lumingon siya sa akin. "Ma'am, hindi po ba sasabay si Sir?" Tanong nito. "Hindi," Sagot ko.

Wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pag-andar nitong sinasakyan ko. Kinuha ko sa bag ko ang make up kit ko. Actually, eyebrow, liptint at foundation lang naman ang laman 'non. I don't wear heavy make up.

Binuksan ko naman ang foundation at nakita ko naman ang medyo maitim kong eyebags. Nilagyan ko na lamang 'yon ng concealer. Dahil kasi hindi ako naka tulog kagabi, hindi ko kasi makalimutan ang usapan namin ni Morgan na 'yon. Sinampal na ako ng reyalidad. Hindi na talaga kami magkakaroon ng Second Chance. Dahil andyan na si Micah. "Andito na po tayo Ma'am." Sabi sa akin ng Driver. Ibinalik ko na lamang ang ginamit ko kanina sa bag ko at lumabas na ako ng sasakyan.

Pumasok na agad ako sa Entrance Gate. At dahil nga sa LSM University na ako nag-aaral ngayon, Wala akong nakakasama. Si Nicole naman kasi lilipat dapat siya pero hindi ako pumayag. Ang hirap kaya kapag naging irreg ka. Saka, isang sem nalang naman gagraduate na kami. Pero nandito naman ang pinsan kong si Siwon, hindi ko nga lang mahagilap kung nasaan siya.

Habang nag-lalakad ako hindi ako naka-iwas sa mga tingin nila. Parang ang pagpasok ko dito sa School na to parang Virginia International University lang, Lagi akong pinag-bubulungan, pinag-titinginan at kung minsan pa ay umiirap pa sila. The hell i care. Mamatay sila sa kakairap. Wala naman akong ginagawang masama siguro diba?

Tinyaga kong akyati ang 4th floor dahil naroroon ang First subject na klase ko. Hanggang sa makarating ako, pumasok na agad ako sa dulong room. Pagkabukas ko naman ng pinto agad na nag-tinginan sa akin ang lahat. Umupo naman ako sa pinaka dulo na hindi sila pinapansin. Wala naman akong kilala sa kanila eh. "Look who's here." Umangat ang tingin ko sa nag-salita.

Cherry..

"Hi, Jessica. Classmate pala tayo." Ngumiti siya ng nakakaloko pagkatapos niyang sabihin 'yon. Hindi nalang ako kumibo dahil ayoko siyang kausapin at ayokong makipag-usap ngayon. Naka crossed arms siyang papalapit sa akin.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng lamesa. Siya naman ay itinukod niya doon ang dalawa niyang kamay. Kaya naman naka tingala ako sa kanya dahil mas mataas ang lebel niya ngayon. "How's life? Btch." Tumaas ang sulok ng labi niya.

Napa lunok ako ng laway ko. Nararamdaman ko ang pagkaka kuyom ng isa kong kamay dahil sa sinabi niya. Napa iling naman siya at napa tawa ng mahina. Umayos naman siya ng tayo at nag crossed arms muli. "Wag ka ngang pikon. Tawagan talaga dito lahat 'yan. Bitch." Naka ngising turan niya.

Oo, naririnig ko na yon simula ng lumipat ako dito. Pero iba ang dating ng pagkakasabi niya. Alam kong sinasadya niyang sabihin 'yon sa akin, pinapatamaan niya ako, iniinis niya ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero agad naman niyang hinablot ang baba ko at pwersahan akong nilingon sa kanya. "I'm talking to you, Wala ka talagang manners right? Do you?" Tumayo na ako dahil sa sinabi niya. Umayos naman siya ng tayo at pumameywang.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now