[63] Class Picture

562 27 0
                                    

Chapter [63] Class Picture


Higit isang linggo na ang lumipas simula ng maka-uwi na kami dito sa Manila mula sa Maldives. Parehas naman naming napag pasyahan na ni Kris na umuwi na dito. Dahil tinatawagan narin siya ng Lola niya at Daddy niya. Ang dami niya na kasing namimissed na meeting sa kompanya dahil nag bakasyon kaming dalawa. Heto nga't naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo dahil naliligo na siya. Ako na mismo ang nag-handa ng susuotin niya.

Dinampot ko naman ang puting t-shirt niya na nakakalat sa sahig nitong kwarto namin. Inamoy amoy ko muna ito bago isuot sa aking sarili. Ang luwang!

Matapos ko 'yong isuot, napag pasyahan ko ng bumaba upang makapag luto na ng agahan namin. Ewan ko ba, kung saan nag punta yung Chef namin dito sa bahay. Siyempre wala naman ibang mag-luluto eh. Kung hindi ako kung kaya't naririto na ako sa kitchen. And one more thing, Walang nangyari sa amin gusto ko lang isuot ang t-shirt niya dahil nanunuot yung amoy niya dito. Ang bango kaya!

Binuksan ko ang ref at nag hanap ng pweding lulutuin doon. Puro pang breakfast ang inihanda ko. Nag timpla ako ng Hot Choco sa dalawang tasa sa harap ko. Natapos akong mag-hain ay saktong natapos na din siya. Inaayos ayos niya ang puting neck tie niya habang pababa sa hagdan.

"Alis na 'ko." Natigilan agad ako dahil sa sinabi niya. Paano naman 'tong mga hinanda ko para sa kanya? Sayang naman.. "S-sige.. Mag-Ingat ka.." Sabi ko ng hindi humaharap sa kanya.

Matapos ko 'yong sabihin naramdaman ko ang dalawang braso niyang pumalupot sa beywang ko. Kamuntikan na akong mapa talon sa gulat dahil sa ginawa niya. "Kris!" Sita ko sa kanya na nakapag pahalakhak sa kanya. Inamoy amoy niya ang leeg ko kung kaya't humarap agad ako sa kanya. Hindi ko alam napa ngisi na lamang ako sa kanya. "Thank you, Baby." Sabi niya at binigyan ng halik ang noo ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya na 'yon. "Lika na." Pag-aaya niya at sabay na kaming umupo sa upuan. Ibinigay ko sa kanya ang Hot Choco niya. "Thanks.." Malumanay na sabi niya.

"Gusto mo bang malaman ang tungkol kay Red?" Napa tigil ako sa pag-kain at tumingin sa kanya. Pilit siyang ngumiti sa akin ng humarap ako sa kanya.

Ewan.. Hindi ko alam.. Gusto niya ba? "I will tell you later, Alam ko naman na.. Hindi ka nakakatulog dahil sa kakaisip mo." Sabi niya. Nag-init ang pisngi ko at kumalabog ung puso ko dahil sa sinabi niya. Bakit niya nasabi? Marahil siguro'y nagigising siya sa pabiling biling ako sa tuwig hating gabi na. Oo, totoo naman hindi naman kasi talaga ako maka-tulog.

Dahil nga sa kakaisip kay Red. "A-alam mo?" Nahihiya kong tanong. "Don't be shy, Baby. It's okay." Ngumiti siya matapos niyang sabihin. Pilit na lamang akong ngumiti sa kanya. Itinuon na lamang namin sa pag-kain ang atensyon namin. Natapos siyang kumain kung kaya't pumanik muli siya upang makapag ayos muli ng sarili.

Natapos ko rin naman nilisin ang pinag-gawaan ko. "I'm going.." Paalam niya ng nasa sasakyan na siya. Bukas ang bintana niya kung kaya't nakikita ko ang mapuputi niyang ipin. "Take care.." Sabi ko. Kumaway na lamang siya sa akin at nag-simula na siyang mag maneho. Hindi kilalaunan nawala rin sa paningin ko ang sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Napa tingin na lamang ako sa kabuuan ng buong bahay. Ano naman ang gagawin ko dito? Wala yung katulong namin dito pati narin ang Chef namin sa bahay. Kung aalis 'man ako.. Tama! Aalis nalang ako ng bahay at yayain ko ang kaibigan kong si Nicole at ang kapatid kong si Krystal. Matagal tagal narin kasi kaming hindi nakakalabas simula noong nalipat kami dito ngayon.

Tinext ko agad sila na gusto kong umalis at mag-puntang mall. Hindi ko naman na hinintay pa yung mga reply nila dahil alam ko naman na papayag agad ang mga 'yon. Ni-lock ko muna ang pinto at saka ako pumanik sa kwarto upang makapag handa ng maisusuot ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now