[19] Stupidity

598 21 0
                                    

🌟Chapter [19] Stupidity🌟

I slowly opened my eyes. Pagkaupo na pagkaupo ko palang napasapo na agad ako sa ulo ko. God! Parang paulit ulit siyang inuumpog sa pader. Ang sakit. Lalo na't ng matingin pa ako sa bintana. Nasilaw ako sa araw kung kaya't iniwas ko agad ang tingin ko dito.

Tumingin ako sa harapan ko at hindi ako makapaniwalang ganito ang itsura ko. Namumugto ang mga mata ko at nangingitim ang ilalim ng mga ito. Gulo gulo ang buhok ko. Tapos... Teka? Ang naalala ko lang na nangyari. Umiyak ako ng sobra sa harapan ni Morgan at pumunta ako ng bar at nagpaka lunod sa matapang na alak.

Sandali akong natigilan ng matanto kong iba ang suot kong damit. Oo, damit ko ito. Pero... Sino ang nagpalit sa akin?! Dali dali akong bumangon mula sa higaan at tinungo ko agad ang hagdan pababa.

Sapo sapo ko ang ulo ko ng maka apak na ako sa baba. Papunta akong kusina para kumuha ako ng maiinom muli sa refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig. Baka kasi makabawas 'yon sa sakit ng ulo ko.

Habang papalapit ako napa pikit ako ng mariin dahil ang sakit sakit nga ng ulo ko. "Oh ano? Sakit ulo mo?" Napa tigila ko sa pagpunta sa ref ng magsalita siya bigla. Tiningnan ko naman siya naka tukod ang dalawa niyang kamay sa counter habang naka awang ang labi niya.

Lasing pa ba ako hanggang ngayon? "Here." Bahagya niyang idinasog ang puting tasa. Dahan dahan ko naman 'yong nilapitan at tiningnan ko kung ano 'yon. "Stupid, hindi mo ba iniisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita ka nilang ganoon ang itsura mo?" Hindi ako nakasagot agad ng sabihin niya 'yon.

He rolled his eyes. Oh wow! Umiirap pala siya? I want to laugh but he's serious. And when he rolled his eyes? Something.... I find it cute? Whatever. "I was on the VIP Room," sagot ko.

Hinigop ko naman ang binigay niya sa akin na nasa itim na cup. Naibaba ko agad ang tasa sa counter na nasa harap ko at napa hawak ako sa bibig ko. Napa tayo naman siya ng maayos dahil sa nagawa ko. "What?" Tanong niya

Hindi ako makapag salita dahil sa pangit na nga ang lasa 'non. Napaso pa ang dila ko. Hay Buhay! Pati ba naman dito masasaktan padin ako? So unfair!

Kahit ayoko sapilitan ko 'tong nilunok. "What?!" Ramdam ko na ang inis sa tanong niya. Bat ba kailangan niya pang sigawan ako? At ang aga aga pa. Sirain niya yung mood ko. Ang sakit na nga ng ulo ko nakikipag sabayan pa siya?! "Napaso ako. Mainit okay na?" Sarcastic na sagot ko sa kanya.

Umiling iling siya at lumapit sa refrigerator. Kinuha niya doon ang ice cube box at dinala sa sink. Kumuha siya ng isang piraso na nasa spoon at inabot 'yon sa akin. Sumenyas naman siyang dapat ko ilagay ko sa bibig ko. Sinunod ko na lamang siya binabad ko nalang ang isang pirasong ice cube sa bibig ko.

Tiningnan ko naman siyang hinihilot ang sintido niya at nagingitim ang ilalim ng mga mata niya. So ano? Parehas kaming lasing kagabe ganon?

Saglit akong natigilan at kinapa kapa ko ang sarili ko? Wala naman akong naramdaman na kahit anong sakit sa katawan ko. Tanging sa ulo lang. "I'm not what you thinking.. I play fair. So stop dreaming." Seryoso niyang sabi at iniwan ako mag-isa dito sa kusina.

Huminga na lamang ako ng malalim at pinagtyagaan kong higupin ng higupin ang tea na tinimpla niya para sa akin. Pagkatapos kong mainom 'to. Nilagay ko ito sa sink at sinabon ko at hinugasan.

Nag tungo ako sa kwarto, at pumasok ng banyo upang makaligo na kahit maagad dahil lagkit na lagkit ako sa katawan ko. Hindi ko naman akalain na makakainom ako ng ganoong katapang at karami.

Hindi ko alam na ganoon pala talaga kalakas makalasing ang alak na inorder ko sa bar. Mabuti nalang at nasa VIP room ako. At kundi panigurado nasa News na ako sa Hilton University, alam ko naman na kating kati makagawang issue sa akin ang mga taong insecure doon.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now