[6] The Gangster

668 29 1
                                    

                                              🌟Chapter [6] The Gangster🌟

Hawak hawak niya parin ang kamay ko at patuloy lamang kami sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong nilalang na ito. Bakit ba sa tuwing nag kikita kami? May nangyayaring hindi maganda.

Idinala niya ako sa isang liblib na pweding pag taguan, Umupo na lamang kaming dalawa roon. Pagkaupo pa lang namin ay hingal na hingal ako at pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hangin. Nag tataas at baba ang balikat ko siguro ay dahil sa pagod sa pagtakbo.

"You're so freaking annoying." Hinihingal na sabi ko sa kanya.

Tumingin naman kaagad siya sa akin at may sumilay na ngiti sa labi niya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya. Bakit kasi kailangan ko pang madamay sa away niya. "Thanks." Sabi niya.

At ano naman ang ipinag papasalamat niya? Humarap naman kaagad ako sa kanya at napa tingala ako dahil naka tayo siya sa harapan ko. Nilahad naman niya kaagad ang kamay niya sa akin, Tiningnan ko muna ang kamay niya. Inis na pinalis ko naman iyon.

Tumayo kaagad ako at tinahak na ang daan papalabas nitong pinag taguan namin. Hindi ko na narinig pa kung ano ang sinabi niya. Ramdam ko naman ang pag sunod niya sa akin pero hindi ko siya nililingon.

Sino ba kasi ang humahabol sa kanya? Ano ba yung ginawa niya sa mga lalaking iyon at ganoon nalang silang magalit sa kanya.

"Are you afraid?" Napa hinto ako ng mag salita siya. Inis ko naman siyang nilingon naka pamulsa ito habang naka harap sa akin. "Duwag ka pala." Sarcastic kong sabi sa kanya.

Kumunot naman kaagad ang noo niya habang naka tingin sa mga mata ko. Tumalikod na ako muli at nag simula ng mag lakad. Sumunod naman rin kaagad siya.

"I'm not a coward." Sabi niya. Napa tawa naman kaagad ako dahil roon sa sinabi niya. "Hindi duwag? Are you sure? Eh tinakbuhan mo nga lang sila diba?" Inis na tanong ko sa kanya habang patuloy sa pag-lalakad.

Matagal siya bago naka sagot pero hindi ko na inintindi pa iyon. Tumitingin tingin ako sa paligid dahil hindi ko naman alam kung nasaan na akong lugar. Hindi ko alam kung saan ako dinala nitong nilalang na ito, Dapat pala noong una palang hindi na ako pumayag na sumama sa kanya.

Huminga na lamang ako ng malalim habang nag lalakad. Siguro ay napa hiya siya sa sinabi ko kaya't hindi na siya sumagot o nag salita man lang. Pero mas ayos narin iyon mas naiinis lang ako kapag naririnig ko ang boses niya. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako nandito ngayon. Wala sana ako dito ngayon na nag lalakad. Ugh.

"Natakot ka na, kaya hindi ko na sila pinatulan pa." Napa hinto ako ng mag salita siya. "I said earlier, You will be protected right? So I'm saving you from those disgusting guys." Giit niya.

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niyang iyon. Dahan dahan akong humarap sa kanya na ngayo'y naka tingin rin sa akin. "Hindi ako duwag. Tandaan mo yan, Hindi ko hahayaan na may masaktan habang kasama ako." Sabi niya.

"I'm just saving you." Sabi niya pa.

Para akong napipi sa mga sinabi niyang mga iyon. Kung nililigtas niya man ako? Pero bakit laging nagiging ganito sa tuwing nagkakasama kaming dalawa. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, Wala naman mali sa pangagatawan niya at itsura niya.

"Saving me?" Takang tanong ko.

Ngumiti siya ng nakaka insulto, Lumapit kaagad ito sa akin at hinawakan ang kamay at hinila ako sa likod ng puno. Isinandal niya ako roon habang ang lapit lapit na ng mukha niya sa akin. Teka! Anong gagawin niya?! R-rape ba ito?! Dahan dahan niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu