[29] Changed

490 21 2
                                    

                                          🌟Chapter [29] Changed🌟

Naka-upo kami sa isang mahabang table at salo salo kaming kakain ngayon. Hindi parin ako makapaniwalang kinasal na ako sa taong hindi ko naman gusto. Kumuha ako ng green salad at nilagay ko 'yon sa plato ko. "Good Morning, Everyone." Bati ni Micah. Ngumiti naman agad sa kanya ang lahat. Kahit pala, ang simple simple lang ng ayos niya pero ang ganda ganda niya parin.

Ano ba nangyayari sa sarili ko? Dati naman hindi ako ganito. Hindi ko ugaling pansinin ang pag-aayos ng iba. Sinalubong niya ang tingin ko at nginitian naman niya agad ako. "Morning, Jess." Bat niya. Ngumiti na lamang ako sa kanya. Alam kaya niya ang tungkol sa amin ni Morgan? Pero sa tingin ko. Hindi na kailangan pa, dahil masaya naman na siya at si Morgan. 'Yon lang naman ang gusto ko maging masaya si Morgan. I want him to be happy, even that happiness no longer includes me.

"Gosh! Like duh, bukas na tayo uuwi pero gusto ko pang mag stay dito." Sabi ni Nicole habang kumukuha ng kakainin niya. Hindi na lang ako nag-sasalita hanggang sa makatapos na kami ng breakfast. Yung mga lolo't lola naman namin, Mas nauna ng umuwi sa Manila dahil may meeting pa daw.

"Alone?" Lumingon ako sa likod ko. Ngumiti naman agad siya sa akin habang papalapit sa tabi ko. "Drink?" Alok niya sa akin sa basong hawak niya. Tiningnan ko muna 'yon. "Don't worry, Hindi 'to alak. Saka ang aga pa." Natatawang sabi nito.

Ngumiti na lamang ako sa kanya at tinanggap ko 'yon. Hinawakan ko lang siya pero hindi ko naman ininom, sabay naman kaming dalawa na humarap sa dagat. Parehas na nadadampian ng hangin ang balat naming dalawa. "Kamusta yung buhay may asawa?" Tanong niya.

Kamusta nga ba? It's been, five days since we married. Kung gaano siya kalamig makipag usap mas lumamig pa doon. Pero okay lang, I don't like talking to him either. "A-ayos naman. Bat mo natanong?" Tanong ko.

Umiling siya agad. "Wala naman, Gusto ko na kasing malaman kung paano ang may buhay asawa dahil malapit naman narin kaming ikasal." Naka ngiting sagot niya.

WOW! Naramdaman ko agad ang kirot sa dibdib ko. "Napaka bait niya, maalaga. Tingin ko.. Nasa kanya na ang lahat." Naka ngiting sabi niya.

Halata naman sa kanya na mahal na mahal niya si Morgan at kitang kita ko 'yon sa mga mata niya. Oo, tama nga. Dapat talaga itigil ko na ang pag-aasaha kong magkakabalikan kaming dalawa ni Morgan, Nasaktan ko na si Sandy. Pati rin ba si Micah, sasaktan ko rin? Parang sinaktan ko narin si Morgan 'non.

"But.." Humarap siya sa akin.

"Bakit mo siya iniwan? Bakit hindi mo siya pinag-laban?." Hindi ko nagawang mag-salita ng lumabas ang mga katagang yon sa bibig niya. "I knew everything. His your first boyfriend right?" Muli niyang tanong.

Hindi ko parin magawang mag-salita. Paano niyang nalaman ang lahat? "Jess.. Bat mo siya iniwan sa ere? You really don't know what happened to him when you dumped him." Sabi niya.

"Paano mong nalaman ang lahat?" Sa wakas ay nag-lakas loob na akong nag-salita.

Humugot siya ng malalim na hininga. "On his sketch pad, sa mga drawing niya." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo alam diba? Issurprise ka niya dapat. He will propose you that day, but you broke him up." Sabi niya pa. "Ikaw si Maomao, siya si Momo." Sabi niya.

"Habang tinitingnan ko yung mga 'yon pakiramdam ko parang ginugupit ang buong pagkatao ko. Totoong, minahal ka niya." Ngumiti siya ng mapakla.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now