[53] Possessive Husband

647 34 4
                                    

                                                                        Chapter [53] Possessive Husband

Dahan dahan akong lumublob sa swimming pool. Umupo ako sa hagdanan dito mabilis namang nabasa ang buo kong katawan. Para parin akong wala sa sarili ko dahil sa nangyari kahapon.. Yung mga salita niya ang pilit na ayaw mawala sa isipan ko. Kung ano ang tono ng boses niya pakiramdam ko parang pa ulit ulit parin sa tenga ko. Paulit ulit ko paring naririnig.  

"Something Wrong?" Napa lingon ako sa likod ko. Lumublob rin siya sa pool at tumaba sa akin sa hagdan. Ito nanaman siya.. Iba nanaman ang mood niya, Ngayon naman ay kinakausap niya ako pero kahapon naman kulang nalang ay itulak niya ako palayo sa kanya dahil sa kakaiwas niya. "W-wala." Sagot ko. 

Pagkatapos kong sagutin ang tanong niya tumingin na lamang ako sa kawalan. "Do you still love him?" Napa lunok ako dahil sa tinanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. 70 Days na kaming mag-kasama pero bakit ganoon? Habang tumatagal parang merong nag-babago. "H-hindi ko na alam.." Mahinang sagot ko pero sapat na 'yon para marinig niya. Wala naman na akong narinig na salita mula sa kanya. Hinawakan niya na lamang ang kamay ko. 

"Jessica.. I really want to move on." Dahan dahan akong napa tingin sa kanya. "Me too." Wala sa sarili kong sabi. Kusang lumabas 'yon sa bibig ko. 

Sasagot pa dapat siya pero natigilan siya at umiwas agad dahil narinig niya ang boses ng kapatid ko. "Ate, Kanina pa kayo hinahanap ni Lola saka Lolo." Sabi ng kapatid ko at pilit na hinihila ako. Tumayo naman narin agad ako at sumunod na sa kanya. Inabutan naman niya ako ng puting twalya habang nag-lalakad. Lumingon naman ako sa likod ko pero wala na siya doon. Saan naman kaya siya nag-punta?

"Ano ba yung pinag-uusapan niyo? Looks serious ha." Ngumiti pa siya matapos niyang sabihin 'yon. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay kung kaya't nanahimik nalang siya at umirap pa. Hindi kilalaunan naka balik rin kami kung nasaan sila Lola. Oo, nasa isang beach resort kami. Kakauwi lang kasi ng Lolo't Lola ni Kris mula ibang bansa at napag-isipan nilang mamasyal. At dito nga kami napunta. Ayoko ngang sumama sana pero nakakabastos naman kapag tinanggihan ko ang alok nila. Minsan na nga lang sila umuwi ngayon dahil masyado silang nagiging busy sa pagpapalago ng Business namin. 

"Oh Hija, Nasaan ang asawa mo?" Naka ngiting tanong sa akin ng Lola ni Kris. "Uhm... Hindi ko--" "I'm Here." Napa lingon ako sa likod ko. Lumapit agad siya papunta sa Lola niya at parang merong binulong pero hindi ko naman alam kung ano 'yon. "Okay.. Sa iba natin pag-usapan 'yan." Narinig kong huling sabi ng Lola niya bago ako umupo at mag-simula na kaming kumain. 

Nasa kalagitnaan kami ng kainan pero hindi ako makakain ng maayos dahil pakiramdam ko. Parang merong naka tingin sa akin parati. Ugh! Ang assuming ko naman masyado tsk.

Natapos kaming kumain at bumalik muna ako sa kwarto naming dalawa. Yes, oo kami lang dalawa sa Room nato. Gusto ko ngang sa kapatid nalang ako tumabi pero ayaw naman ng mga magulang niya at ng kapatid ko mismo. Tsk. 

Pagka bukas ko ng pinto siya agad ang sumalubong sa akin. Nakita ko siyang titig na titig sa pulang swim suit ko na nasa ibabaw ng higaan. "What are you doing?" Takang tanong ko at tatangkain kong kuhanin ang swim suit pero pinigilan niya ang kamay ko. 

Tumingin ako sa kanya at nag tama naman agad ang mga mata namin. "You'll wear this?" Ika niya at hinawakan ang two piece na bikini ko. Hindi ko alam pero nahihiya ako ng hawakan niya 'yon at iladlad pa sa akin. 

"A-ano naman masama doon?" Takang tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at nakita ko kung paano siyang matawa na parang naiinis. Ano ba problema niya?! "Ano ba problema mo?" Inis na tanong ko. 

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now