[15] Unbelievable

497 22 0
                                    


                                                🌟Chapter [15] Unbelievable🌟

[ Jessica ]

"Hindi ako sasama! Hindi din ako magpapa kasal! Naiintindihan mo ba 'yon?!" Inis na sigaw ko kay William. Nandito kami sa opisina niya ngayon. Hindi ko alam kung paano kong masisikmurang ipapakasal niya ako sa iba. Dahil lang sa para makuha niya ang isang malaking investment sa letcheng kumpanya niya!

"Jessica. Can you stop?! Para sayo naman itong ginagawa ko. For your future!" Sigaw din niya.

Inis akong napa harap sa kanya. Naka upo siya sa upuan niya kung kaya't lumapit ako. Tanging ang itim na lamesa niya lamang ang nagiging pagitan namin. Galit kong hinampas ng kamay ko ang itim niyang lamesa. "Anong stop?! Ipapakasal mo ko sa iba eh hindi ko naman maha--"

"Love! Love! Love! That fcking Love! Hindi yan totoo!" Sigaw n niya. "Tot--"

"Kung totoo 'yan babalik ang Mommy mo sa akin. Kung totoo 'yang pag mamahal na 'yan. Babalik sayo si Morgan!" Sigaw niya muli.

Hindi ako nakapag salita ng sigawan niya ako ng mga katagang na 'yon. Pakiramdam ko'y para akong sinadyang ipahiya sa harap ng maraming tao. Parang pinamukha niya sa akin na basta basta na lamang akong iniwan ni Morgan.

Bumalik lahat sa akin yung mga panahon na kaming dalawa ang palaging magkasama. Pumupunta kami sa ibang lugar upang i celebrate ang aming monthsary o anniversary namin.

Lahat ng sakit. Mas lalong sumakit ng sabihin niya sa akin ang mga katagang 'yon. Pati ang pagka matay ni Mommy. Bumalik lahat sa akin.

"B-baby i-i'm sorry. I didn't--" hindi ko namamalayan nababasa na pala ng luha ang pisngi ko. "This is for your own good. Hija." Muli niyang sabi.

Napa tingin ako sa mga mata niya. "Napaka makasarili mo! Sobrang--"

"Jessica," tawag niya. "No! I said no! Hindi kita susundi--"

"Shut up? Or i will kill him," sabi niya na nakapag tahimik sa akin. Hindi ko na nagawang makapag salita ng sabihin niya iyon.

Ganoon na lamang ba siya kadesperado? Masisikmura niyang ipakasal ako sa iba na hindi ko gusto at higit sa lahat, hindi ko naman kilala. At saka bakit kailangan niyang pang idamay ang kaisa isang lalaking gusto ko?

"Desperado," tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam nasa harapan ko na pala siya. Napa tingala ako dahil medyo may pagka mataas siya sa akin. Hinigit niya ang braso ko at napa tingin naman ako doon. "Let. Me. Go." Mabagal na utos ko.

"Susunod ka sa lahat ng utos ko sa ayaw at sa gusto mo." Mahinang sabi niya sa akin at lumabas na ng opisina niya.

Hindi ko na siya nahabol pa. Napako na lamang ako dito sa kinatatayuan ko. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko ay ang kalagayan ni Morgan.

**

[3rd person's POV]

Huminto ang itim na sasakyan sa harap ng isang malaki na building. Bumaba naman agad ang driver nito upag pag buksan ang nasa loob ng itim na sasakyan.

Bumaba agad si Jessica na naka yuko lamang. Lumapit naman agad sa kanya ang ama niya na hinawakan siya nito sa kamay. Habang tumatagal ay pahigpif ito ng pahigpit dahilan para mapa ngiwi siya. Hindi sinama ng ama niya ang bunso niyang kapatid dahil wala naman itong maitutulong doon.

Napapangiwi siya dahil sa hawak ng ama niya sa kamay niya. Hindi naman siya makapalag dahil iniisip niya ang kalagayan ni Morgan. "Umayos ka." Bulong ng ama niya at nag simula na silang mag lakad papasok sa pupuntahan nila.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now