[18] Missing Jessica

560 24 0
                                    

                                           🌟Chapter [18] Missing Jessica🌟


"Morgan..." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko, ng makita ko siyang naka tayo sa harapan ko ngayon.

Iba parin pala talaga kapag nasa harapan mo na siya. Ang lamig lamig ng pakiramdam ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang pinupukpok ng bato ang ulo ko. Parang gusto ko nalang lamunin na ako ng Lupa ngayon sa kinatatayuan ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko ng Makita niya ako dito. Lumipas ang isang taon na hindi ako nagpupunta dito o kahit ano. Pero ngayon? Nandito ako.

Dito ko lang kasi nailalabas lahat ng sama ng loob ko kasama siya. Pero ngayon? Ako nalang palang mag-isa. Pero bakit siya nandito?

Ang daming pumasok sa isip ko ng Makita ko siya dito kanina habang tinutugtog niya ang piano naming dalawa dito at kumanta pa siya. Ano ba?! Aasa nanaman ba ako?

"W-what are you doing here?" Tanong niya. Hindi ako makasagot. Pirmis lamang akong naka tingin sa kanya. Hindi ko nga magawang ibuka ang bibig ko ngayon.

Hindi parin talaga nagbabago ang itsura niya. Hindi parin nagbabago. Siyang siya parin yung Morgan na nagustuhan at minahal ko ng sobra at hanggang ngayon pa din. Masakit ba? Oo, sobra.

"Are you crying? Jess.. Speak up." Sabi niya pa.

Ano ba ang dapat kong isagot? Baka kasi kapag sasagot na ako. Tumulo na lamang bigla ang luha ko ulit at hindi na ako makapag salita. Baka umiyak na lang ako ng umiyak sa harapan niya. Iyon naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ang ipakita na mahina ako. Na hindi ako matapang, na hindi ko na kaya.

Pero sa lahat ng nararamdaman kong 'yon. Nagagawa ko parin ngumiti. Kasi kahit anong gawin ko? Kahit anong pilit ko..

Alam ko naman na hindi na siya babalik sa akin eh.. At alam kong hinding hindi na mangyayari 'yon. Pinapahirapan ko na nga ang sarili ko pati ba naman siya pahihirapan ko rin? Pati ba naman ang taong mahal ko papahirapan ko rin? Ayoko na.

Kahit saktan o pag selosin ko siya, Saktan ko si Micah ang girl friend niya. Alam kong hindi na siya babalik akin, Ano  'yon? Kailangan ko pa bang pag mukhaing tanga ang sarili ko para bumalik lang siya sa akin?

Pero paano naman? Ang gulo gulo eh. Mahal ko siya.. pero may mahal naman na siyang iba. Why is it so hard to move on? Why I can't move on? I can't move on Morgan... Can't move on.

"Jessica.. May problema ka ba? Come on, Speak up." Hindi ko namamalayan naka lapit na pala siya sa akin at hawak hawak ang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya.

"M-morgan..." Nauutal na tawag ko at iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Ano ba ang sasabihin ko? Hindi mo alam? Hindi ko rin alam kung paanong sasagutin ang mga tanong niya.

"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong muli niya. Hindi ako maka sagot sa mga tinatanong niya. Ugh! Hindi ba pweding lamunin nalang ako bigla ng lupa dito?!

Pirmis lamang akong naka tingin sa kanya. Para tuloy akong isang bata na, Tinatanong kung ano yung ginawang kasalanan at hindi makasagot sagot sa mga tinatanong sa kanya.  "Jessica.. Y-you look pale. Are you alright? Jess. Speak up, Answer me. Jess" Inaalog niya na ako pero hindi parin ako sumasagot sa mga tanong niya.

Hindi ko alam ang nagawa ko pero napa saldak na lamang ako. At napa yuko. Hindi ko alam kung panong humagulgol na lamang ako ng iyak sa harap niya, Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ipamukha sa kanya na nasasaktan ako, na nasasaktan parin ako hanggang ngayon, na hindi ako maka move on sa kanya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now