[4] Strangers

848 31 0
                                    

                                                  🌟Chapter [4] Strangers🌟

Maagang nag dismiss ang prof namin, kaya maraming natuwang mga students dahil uwian na. Kasalukuyan akong nag lalakad sa kahit saan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko. Ayoko munang umuwi sa amin dahil naroon nanaman ang matandang iyon.

Oo, Sobrang galit ako sa kanya. Hindi ko siya kayang makasama sa iisang lugar o maka usap man lang ng matagal. Ayokong nadidikit sa kanya, ayokong nakikita siya. Dahilan iyon kung bakit maraming naiinis sa akin at sinasabihan nila akong masamang tao o anak.

Ganyan naman yung mga tao eh, mabilis silang mang husga kapag wala sila sa sitwasyon. Malalaman naman nila siguro yung nararamdaman ko kapag nangyayari ito sa kanila. Iniisip ko palang na mag uusap na kaming dalawa. Mas pipiliin ko nalang manahimik nalang at hindi na mag salita.

Nakuha ng atensyon ko ang isang inabandunang playground. Tumakbo naman kaagad ako papunta roon. Tiningnan ko naman ang swing na luma na nga at may mga kalawang pa ito. Pero sa tingin ko naman ay matibay pa naman ito. Dahan dahan muna akong umupo dito para maka sigurado. Kung ayos pa nga.

Minsan kasi may mga bagay talagang dapat munang pinag iisipan sa una. Saka ka nalang mag sisi kapag hindi mo pinag isipan at ginawa mo na.

Wala namang ingit akong narinig, So ayos pa. Huminga na lamang ako ng malalim, dinadama ko ang bawat hangin na tumatama sa balat ko.

Kung nabubuhay lang siguro si Mommy, Hindi magiging ganito kagulo ang buhay ko. Nakakapang hinayang lang. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa hawakan nitong swing.

Dahan dahan ko rin itong inuugoy habang naka pikit ako ay naaalala ko na nakakasama ko pa si Mommy sa Park at ganito ang ginagawa naming. Tinutulak niya ako sa swing. Napa ngiti na lamang ako dito habang naka pikit.

"Who gave you permission to sit here?" Napa dilat kaagad ako ng may mag salita, nasa harapan ko siya ngayon naka tingin lamang siya sa akin. Inis naman akong tumayo sa harapan niya. "And who are you to disturb me?" Balik tanong ko rin sa kanya.

Hinatak naman niya kaagad ako kasama ang bag ko. Inis ko naman binawi sa kanya ang wrist ko. "Ano bang problema mo?!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Ikaw! Ikaw! Ang Problema ko!" Sigaw niya rin sa akin habang dinuduro duro ako.

Inis ko naman hinawi sa kanya ang daliri niyang iyon sa mukha ko. "Teka, Ano ba talagang problema mo? Hindi naman ikaw ang may ari ng lugar na ito diba? So what's the problem kung umupo man o matulog ako dito?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Hindi ko naman kilala ang lalaking ito pero kung umasta naman akala mo kung sino na. Nakakainis siya, ayoko sa lahat ang iniistorbo ako sa pag tulog ko.

Matangkad siya, maputi rin na katulad ko. Malinis ang pananamit niya at mayabang siya. Bastos. Walang modo, at walang galang sa babae. Ano ba talaga problema nitong taong to?

"This is my place!" Sigaw niya. Tiningnan ko naman kaagad ang kabuuan ng paligid, wala nga akong makitang may mga pangalan rito. At saka hindi ako maniniwalang lugar niya ito.

Kung sa kanya man ang Park na ito dapat pinaayos niya na at pinaganda niya. Pinalitan niya narin sana ang mga gamit ritong mga masisira na.

"Oh Really? Wala nga akong nakikitang sa'yo ang park na ito." Pabalang na sabi ko sa kanya.

Hinablot nanaman niya ako muli sa braso ko at iniharap ako sa swing na inuupuan ko kanina. Tinuro naman niya sa akin na may naka sulat nga roon na pangalan. 'Kris Wu' What?! Tumingin naman kaagad ako sa kanya na saktong naka tingin rin pala siya sa akin.

"The hell. What's that name? Kris Wu." Natatawang sabi ko.

Naka limutan kong hawak hawak niya ang braso kung kaya't mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya rito dahilan para mas masaktan pa ako lalo. "Nasasaktan na ako!" Sigaw ko sa kanya.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now