[11] Revenge

593 26 0
                                    

                                                    🌟Chapter [11] Revenge🌟

[ Jessica ]

Bumaba kaagad ako matapos kong marinig ang pangalan ko, Na paulit ulit na tinatawag ng mga katulong dito sa bahay namin. Inis ko naman silang hinarap lahat, nag crossed arms kaagad ako sa harapan nila.

"Ikaw na ang mag sabi, Mukhang galit si Ma'am." Sabi ng isang katulong at tinapik ang katabi niya.

Mas lalo akong nainis dahil sa ginagawa nila, Kung ano ang sasabihin nila dapat ay sabihin nila kaagad. Hindi yung pinag hihintay pa nila yung tao. "Ikaw na, Natatakot ako." Sabi ng tinapik niya.

"Leave." Tanging lumabas sa bibig ko.

Tumingin naman kaagad sila sa akin na mga nanlalaki ang mga mata. "Ma'am--" "I said, Leave." Sabat ko kaagad.

"Wow, Easy." Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Dahan dahan naman akong lumakad papunta sa likod para makita ko kung sino ang nag salita.

Nakita ko naman ang blonde niyang buhok at ang mga piercing niya. Ugh! Feeling gangster naman lagi siya.

"What are you doing here?" Inis na tanong ko sa kanya.

Kahit tinulungan niya na ako kahapon paalis sa lugar na iyon na puro pambu bully ang ginawa sa akin. Ay naiinis parin ako sa kanya. Wala akong pakielam kahit isumbat niya sa akin na tinulungan niya ako pero mas grabe naman ang nangyari sa akin dahil sa pag pasok ko sa Virginia International University.

Kung ayaw naman niyang lumipat sa Hilton University. Nothing i can do. Hindi ko siya pipilitin. Hindi ko ugali ang pumilit ng isang tao para sa gusto kong mangyari. Hindi ako ganoong tao, Hindi ako katulad ng iba dyan na pipilitin makuha ang gusto kahit nag mumukha ng tanga.

"Ma'am siya po ang gusto namin sa---" "Leave." Sabat ko kaagad. Tiningnan ko naman sila na umiiyak na pala sa likod ko. Kumunot naman kaagad ang noo ko sa kanila.

"Bat kayo umiiyak?" Tanong ko. Nag pahid naman kaagad sila ng luha nila sa pisngi nila. "Eh kasi po ma'am, Sabi niyo po. 'Leave' Hindi pa naman din po nakakapag patapos ang panganay na kapatid ko. Wala na----" Napa irap kaagad ako.

"That's not what i mean, What i mean to say. Pwede na kayong umalis sa HARAPAN ko." Sabat ko kaagad at diniinan ang 'HARAPAN'

Hindi na sila umimik pa at dali dali na sila kaagad umalis sa harapan ko. Napa iling na lamang ako sa mga pinag gagawa nila.

Hinarap ko naman muli ang taong nasa harapan ko. Pagkaharap na pagkaharap ko palang ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila kaagad ako palabas ng bahay.

Hindi kaagad ako nakagalaw ng hawakan niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng bumalot sa katawan ko ng hawakan niya ako. Napa sunod na lamang ako sa kanya habang siya ay hila hila ako.

Wait! What's Happening to me? Ugh. "Get in." Natauhan na lamang ako ng mag salita siya. Tumingin naman kaagad ako sa kanya. "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko kaagad.

Tumaas ang sulok ng labi niya at hinawakan niya ang magkabila kong balikat at sapilitan akong sinakay sa kotse niya. Noong una ay nagmamatigas pa ako pero. Lalaki siya at Babae ako. Mas malakas siya kaya wala na akong nagawa kundi ang magpa ubaya.

Sinundan ko naman siya ng tingin habang siya ay papasakay ng kotse niya. Inayos ko naman narin kaagad ang seatbelt ko.

Ini Start naman niya narin kaagad ang engine ng sasakyan niya at pinaharurot iyon.

Ilang sandali pa, Nakarating na kaagad kami sa pupuntahan. Hindi ako bumaba ng sasakyan dahil hindi ko alam kung ano itsura ng pinag hintuan namin.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now