[71] Selfish Decision

538 31 9
                                    

Chapter [71] Selfish Decision

"I want you to stay with me, Kris. Stay with me." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Di siya sumagot, pirmis lang naka baon ang mukha niya sa balikat ko. At alam kong umiiyak rin siya dahil sa mahihina niyang hikbi. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa nangyayari ngayon.

Umiiyak siya dahil sinaktan ko siya. Umiiyak siya dahil nag-lihim ako sa kanya.

Umiiyak siya dahil pakiramdam niya, Ginago siya ng mga taong naka-paligid sa kanya at unang una ako doon.

Totoo naman diba? Masakit naman talaga yung pag-lihiman ka ng taong mahal mo na mahal mo rin. Teka? Sandali lang..

Mahal niya nga ba ako? Hindi parin kasi maalis sa isip ko ang sagot at ang senaryong 'yon, paulit ulit yon sa utak ko na parang isang sirang plaka.

Siguro nga.. baka hindi pa buo ang pag-mamahal niya sa akin. Pero bakit pakiramdam ko? Mahal niya ako. Diba kapag mahal mo ang isang tao kahit.. di mo nagustuhan ang nagawa niya o ginawa niya. Handa mo parin siyang patawarin diba?

Mabigat siguro ang ginawa ko talaga. At alam naman niyang alam ko kung gaano siya naging ka miserable simula ng malaman niya na buntis si Sandy pero hindi siya ang Ama.

Nasaktan ako, nasaktan ko rin siya. Parehas lang kaming nasaktan e. Pero mas nasasaktan ako dahil ako ang nanakit at iiwan rin ako.

Gusto ko siyang tanungin kung babalik ba siya kay Sandy, pero kung 'yon ang gusto niya. Handa naman akong mag-hintay kahit gaano katagal.

Bakit ganito? Akala ko maayos ang lahat, Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag mahal na namin ang isa't isa.

Ang kontrata ngang pinirmahan namin ay hindi ko na alam kung ilang araw na kaming nag-sasama. Basta ang natatandaan ko lang sa loob ng 250 days mag-hihiwalay na kaming dalawa.

Pero kahit Mahal na namin ang isa't isa. Meron parin palang aalis at maiiwan.

At siya 'yong aalis at ako naman ang maiiwan. Ganoon naman palagi e, Ako lagi ang naiiwan.

Siguro ganito ang pakiramdam ni Sandy noon, Takot, Hindi mapakali, nasasaktan at the same time. So bumabalik lang pala sa akin ang lahat.

Ang sakit.

"Jess.. I want to do this, i need to do this." Ika niya.

Dahan dahan akong kumawala sa yakap niya, Siya naman ay nag-iwas ng tingin sa akin.

Hindi niya na ba ako kayang tignan sa mga mata? Kahit ganito siya kalapit sa akin.

Namimiss ko parin siya. Dahil kahit naman ganito siya kalapit sa akin ngayon, kasama ko siya ngayon. Pakiramdam ko parang wala akong Kris Wu na kasama.

"Babalikan mo na ba si Sandy kaya iiwan mo na ako?" Napapaos kong tanong sa kanya.

Iyon ang ikinalingon niyq sa akin na nakapag payuko naman sa akin. Tahimik akong umiiyak dito habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Dahan dahan niyang hinaplos ang basa kong pisngi at bahagyang inangat yon para magka kitaan kami. "I still love you.. Even you break me." Papahina niyang sabi.

"I trust you, Jess. But.. look what you've done.." Ika niya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Can't believe that I'm fool again." Sinaksak ako ng mga salitang binitiwan niya.

Mahina siyang napa tawa at muli akong niyakap. Bakit niya pa ako niyayakap kung iiwan niya rin ako?

Hindi ako tumugon sa yakap niya. Ibinaon ko na lamang ang mukha ko sa mabango niyang dibdib.

"Alam kong ang kapal na ng mukha ko para humingi pa sayo ng pabor.." Mahinang sabi ko habang naka baon ang mukha ko sa dibdib niya.

Damang dama ko ang pag-haplos ng kamay niya sa buhok ko. Bagay na mas lalong nakakapag palungkot sa akin. "Ano yung gusto mong pabor?" Napapaos niyang tanong.

Dahan dahan akong umatras para tingnan ang mga mata niya.

Isa isa kong tinitigan ang bawat parte ng mukha niya. Dahil hindi ko alam kung kelan siya babalik.

Ang makapal ngunit ayos niyang mga kilay. Ang mahaba at malalantik na pilik mata niya, bagay na nakakapag paganda lalo sa mga mata niyang malalim kung tumitig.

Mga mata niyang hindi ko na mabasa kung ano ang nararamdaman ngayon. Ang matangos niyang ilong na gustong gusto kong dumadampi sa balikat ko.

Ang manipis at mapula niyang labi na. Gustong gusto kong dumadampi sa labi ko upang mahalikan siya.

Hindi pa 'man rin siya umaalis. Umiiyak na ako, paano pa kaya kapag wala na siya? Kakayanin ko ba?

Mararamdaman ko na ba kung paanong iwan? Dahil noon, ako lagi ang nang iiwan diba.

"Just give me three days, Para lang makasama ka." Lakas loob kong hingi ng pabor sa kanya.

Yumuko ako at nag-tutubig nanaman ang mga mata ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "Baby.." Haplos niya sa buhok ko.

Pati ang pag tawag niya sa akin na 'Baby' 'Babe' 'Wife' sobra kong mamimiss lahat 'yon.

"Mahal kita.. alam mo 'yon. I just want to find the man, I lost." Mahina niyang sabi na tumango naman agad ako.

Sa mga salita niyang 'yon alam kong papayag siya sa gusto kong mangyari. It just a three days, kumpara naman kung kelan siya babalik.

Alam kong matatagalan 'yon pero kakayanin ko. Kung hintayan lang ang usapan, Kayang kaya kong mag-hintay basta ba siya yung hinihintay ko at siya yung babalik sa akin.

"I'm sorry, Kris.. I'm really sorry." Nahihiya kong sabi at hinigpitan ang yakap niya. Di siya sumagot, yakap yakap niya lang ako.

Kinabukasan, ay nagising nalang ako dahil sa naka-dagan na braso niya sa akin. Sumalubong agad sa akin ang mapayapa niyang mukha habang mahimbing na natutulog.

Di ko namalayan na hindi na pala kami nakapag palit ng damit kagabi. Pinag-masdan ko ang kabuuan ng mukha niya, para sa akin. Napaka perpekto na niya, Tingin ko nga nasa kanya na ang lahat lahat e.

Hinaplos ko ang pisngi niya habang natutulog pa siya. Pero habang ginagawa ko 'yon, pinipiga ang puso ko dahil sa nararamdaman ko. Unang araw nga pala ito sa hiniling ko sa kanyang tatlong araw na makasama ko siya bago siya umalis.

Gaano ba siya katagal mawawala? Basta ang alam ko lang kaya kong mag-hintay sa kanya pero natatakot ako. Alam kong hindi dapat, pero natatakot ako.

"Kung sakaling ako ang aalis.." Mahina kong sabi.

"Will you wait for me?" Duktong ko.

**

Short ud. Sorry

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now