[37] Answers

505 26 6
                                    

                                           🌟Chapter [37] Answers🌟

[JESSICA]

(Day 19)

"H-hello?" Naramdaman ko agad ang awkward sa aming dalawa. Ngumiti naman akong tipid sa kanya, Ito kasi ang pangalawang unang pagkikita namin. Ang huling kita ko kasi sa kanya ay noong nasa Photoshoot kaming dalawa ni Kris.

Bakit ba siya ganito? Bakit nakakaya niya parin ngumiti at mag-mukhang masaya sa kabila ng sakit na nadarama niya? Alam kong hindi madali ang sitwasyon ngayon para sa kanya. Pakiramdam ko'y ninakaw namin ang kaligayan niya, ngiti niya. Pakiramdam ko ninakaw ko sa kanya si Kris ng basta basta ng walang paalam. "Bat mo nga pala ako pinapunta?" Tanong niya at bahagyang ngumiti.

Ito yung gusto kong maging ugali ko ang maging pala ngiti sa mga kausap ko at kinakausap ko. Pero bakit hindi ko magawa? Bakit pakiramdam ko hindi ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin sa sarili ko. "I really want to ask you something." Sabi ko.

Dahan dahan naman siyang tumango. "A-ano yon?" Tanong niya. Humugot naman ako ng malalim na hininga at tiningann ko siya ng mabuti.

Hindi na ako mag-tataka kung bakit siya nagustuhan ni Kris. Dahil unang tingin mo palang sa kanya alam mong sobrang bait at lambing pa. Halata sa mga binibigay niyang reaksyon na nahihirapan siya sa sitwasyon at dahil sa kakapalan ng mukha ko, Nakuha ko pa siyang papuntahin sa isang Coffee Shop na kaming dalawa. "Kilala mo ba yung mga lalaking galit na galit kay Kris?' Tanong ko.

Dahan dahan siyang tumingin sa mga mata ko at dahan dahan tumango. "Sino ba sila?" Tanong ko agad. I want Answers, gusto kong malaman ang sagot sa mga katanungan sa isipan ko. Nakita ko siyang humugot ng malalim na hininga. "Meron kasi siyang Girlfriend dati." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Meron pang nauna sa kanya?

"Binastos kasi nung mga lalaki na yon. Yung Girlfriend niya. Ang ugali kasi ni Riri ayaw niyang nababastos ang kahit sinong babae, kahit inis o galit pa siya dito." Sabi niya. Riri?

"He said that girls should be respected." Sabi niya pa. Pero ang mas gusto kong sagot ay naunang girlfriend niya? Teka. Ang buong akala ko siya lang ang Girlfriend at wala ng iba pa. Who is she? "Gusto kasi ng isang lalaki doon ang dati niyang Girlfriend kaya ayon. Nag-aaway sila." Sabi niya pa.

Tumango tango na lamang ako sa kanya. Ngumiti naman agad siya sa akin at iniwas din ang tingin. Kahit sabihin natin na simple lang siya, walang ayos sa katawan. Tanging itim na tshirt at ripped jeans lang at rubber shoes ang suot niya. Masasabi ko parin na ang ganda ganda niya. Lalo na ang mga mata niya, ang bibig niya sa tuwing ngingiti siya ay mapapa-ngiti ka rin. At kahit ngayon ko palang siya nakita at nakasama ng matagal masasabi kong napaka bait bait niya talaga. "Hindi ka ba nag-seselos? Paano mong naikwento lahat yon?" Tanong ko.

Napa tawa siya ng mahina. "That was two years ago? I think." Sagot niya. "Kapag ang nakaraan, hindi na dapat inuulit ulit. Kaya ayon, parang wala nalang samin ni Riri yon." Sabi niya.

Dahan dahan kong kinuha ang kanang kamay niya at lumapit ng bahagya sa kanya. Alam kong ikinagulat niya ang ginawa ko dahil sa kumunot niyang noo. "Slap me." Utos ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. "Slap me, Sandy. Saktan mo ako hangga't gusto mo." Pag-pupumilit ko.

"A-ano bang nangyayari sayo?" Sabi niya habang pilit na binabawi ang kamay niya. Inis kong binayaran ang kinain namin at kinuha ang bag ko habang hawak hawak ko parin ang kamay niya. Hinila ko siya papalabas nitong kinainan namin sa labas. Dinala ko siya sa may bandang puno dito. At pagkatapos non muli kong tinapat ang kamay niya sa pisngi ko. "Saktan mo ko. Saktan mo ko hangga't gusto mo, kung kinakailangan mo ng katulong para saktan ako. Sige lang." Sabi ko.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now