[51] Almost

485 29 1
                                    

"Who are you?" Tanong ng Dalaga sa nag-salita. Hindi niya makita ang itsura nito ang sukat nito. Pero alam niyang babae ang boses ng nag-salita. Naka tago kasi ito sa isang madilim na sulok. "Hindi mo na pala ako natatandaan? Mao mao." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig niya.

"Sino ka ba talaga? Bat mo ako tinatawag na Mao Mao?!" Hindi niya napigilan ang mapa-sigaw.

Dahan dahan niyang narinig ang takong na papalapit sa kanya. Unti unti nakikita niya ang babaeng may katangkaran sa kanya at kulay pula ang kulot nitong buhok. "R-red?" Utal niyang saad.

Nakita naman niya kung paanong tumawa ng mahina ang nasa harapan niya ngayon. "Mabuti naman at tanda mo pa ako. But wait.. Ito? Tanda mo pa?" Tanong nito sa kanya at inalis ang itim na naka balot sa mukha nito. Tumambad agad kay Jessica ang kabilang pisngi nito na may tahi. Simula kilay hanggang bibig.

Hindi siya nakapag salita kung kaya't mas lalong nag-dilim ang mukha ng babaeng nasa harap niya. "Naaalala mo pa ba ginawa niyo dito sa mukha ko?" Tanong nito. "Yung mukha kong sinira niyo!" Sigaw nito.

Napa atras siya sa pag-sigaw nito. 'Yan! Ang bagay sayo masyado ka kasing assuming! Hindi naman ikaw ang gusto ko.'

Muling sumagi sa isip niya ang pangyayaring iyon pero hindi niya matandaan o makilala kung sino ang kasama niya. Tumingin agad siya kay Red na ngayo'y nanggigilid ang luha sa galit. "H-hindi..." Hindi niya alam ang sasabihin niya. Masyado siyang naguguluhan.

"Hindi mo matandaan? Sabagay. Sino nga ba ang gustong umalala sa nakaraan mo." Makahulugang sabi ni Red sa kanya. Kumunot naman ang noo niya dahil doon. Pakiramdam niya si Red lang ang makakasagot lahat ng mga tanong niyang hindi masagot ng iba.

"How's your dearly Husband? Kris." Nag crossed arms si Red na para bang nag-hihintay ng sagot. "Paano mo siyang nakilala? K-kilala mo ba siya?" Sunod sunod niyang tanong.

Napa tawa naman ng mahina at halong inis si Red. "Boba! Kalat sa mga companies ang pagpapakasal niyo." Sabi nito sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at hinaplos haplos ang maliit na baul sa lamesa. Binuksan niya ito at merong kinuhang isang litrato na batang lalaki. Hinawakan niya ito sa dulo at ipinakita sa kanya. "Siya ba? Tanda mo pa?" Tanong nito. Umiling naman agad siya.

Marami pang ipinakita si Red sa kanya pero kahit isa wala siyang natandaan. "Sino ka ba talaga?! Bat mo sila kilala pero ako hindi ko kilala!" Inis na sigaw niya kay Red. Pero tinawanan lang siya nito.

"Boba! Why don't you ask your father?" Suhestyon nito. Pero nag iwas agad siya ng tingin kay Red. "Minsan, matuto kang mag tanong. Hindi puro sarili mo pinapairal mo!" Sigaw nito sa kanya.

Tumingin siya dito. "Hindi sarili ko pinapairal ko." Sabat niya. "Oh really eh ano yan? Ayaw mong tanungin ang mga gusto mong tanungin dahil gusto mong ikaw mismo ang makaalam." Sabi ni Red na nakapag patahimik sa kanya.

Umayos naman ito ng tayo at akmang aalis na pero huminto ito at muli siyang hinarap. "Friendly advice. My Dear Mao mao. Wag ka sanang manghinayang sa chances na sinasayang mo." Makahulugang sabi nito at iniwan na siya. Tanging sara nalang ng pinto ang narinig niya.

Dahil sa sinabi yon ni Red mas lalo siyang naguluhan.

**

"Where have you been?" Kamuntikan na akong mapa talon sa gulat ng buksan niya ang ilaw. Nakita ko siyang madilim na naka tingin sa akin habang naka pamulsa. Hindi ko siya pinansin nag tuloy tuloy lang ako papuntang kusina.

Narinig ko nalang ang malakas na pag-sara ng pinto. Hindi ko na lamang 'yon pinansin pa. Kumuha nalang ako ng pwede kong inomin sa ref at nakakita naman ako ng mga vodka dito at tubig lang. Try ko kayang uminom nito? Tutal hindi naman ako makakatulog dahil iisipin ko ang sinabi sa akin ni Red.

Kinuha ko agad ang isang bote na to at pinihit ko ang takip upang mabuksan. Amoy palang nakakasuka na. Pikit mata ko 'tong ininom. "Aray." Daing ko ng deretsuhin ko itong inumin.

Pero di bale na. Kailangan makatulog na ako. Ayoko munang isipin yon dahil mas iniintindi ko ang pweding mangyari sa amin ni Morgan kapag nalaman niya ako ang dahilan kung bakit nasa hospital ngayon ang Fiancee niya.

Lalagok pa dapat ako pero merong kamay ang pumigil sa akin. Tinignan ko naman agad siya pero bakit ganito? Bat parang nagiging blurd siya at nag-dadalawa? Ganito ba kalakas ang alcohol nito? "Stop it." Pigil niya sa akin pero inagaw ko parin ang bote.

**

"Bakit ba? Gusto kong makalimot." Inis na sabi ni Jessica at tumangka ulit uminom. Pero pinigilan agad siya ni Kris. "Hindi ka naman marunong uminom. Lasing ka na agad." Inis na sabi ni Kris at naagaw na sa kanya ang boteng hawak niya kanina.

"Hindi ka ba naawa sa akin? Ang dami dami kong iniisip. Gusto ko silang makalimutan." Pikit mata nitong sabi habang niyuyugyog siya. Wala naman narin siyang nagawa kundi ang inilapag nalang ang bote sa counter at buhatin ang asawa niya papunta sa kwarto nilang dalawa.

Winagwag niyang mahina ang paa ni Jessica upang matanggal ang doll shoes nito. Pagkatapos ay lumakad na siya papunta sa higaan nila.

Dahan dahan niya itong nilapag sa higaan. Kukuha na dapat siya ng bimpo at tubig pero natigilan siya ng pumalupot ang dalawang braso ni Jessica sa batok niya.

Nakita niya ang dahan dahan nitong pag dilat na mapupungay nitong mga mata. Dahan dahan merong sumilay na ngiti sa labi nitong mapula dahil sa pag inom nito. "Pogi ka pala." Puri sa kanya ni Jessica.

Hindi niya yon pinansin dahil alam naman niyang lasing lang babaeng nasa harap niya ngayon. "Siguro... Kung ikaw nakilala ko noon, lagi tayong magka-away." Sabi ni Jessica na bahagya pa itong natawa. Kumunot naman ang noo ni Kris.

"Ang sungit mo kase." Natatawa sabi ni Jessica.

Tinignan na lamang nila ang isa't isa. Wala naman sabi sabing dinampi ni Jessica ang labi niya sa nakaawang na bibig ni Kris. Hindi rin malaman ni Kris kung bakit siya tumugon sa halik na binigay ni Jessica sa kanya.

Hindi nag tagal. Parehas na nilang sinusuklian ang bawat galaw nila. Bumaba ang halik ni Kris sa leeg ni Jessica. Kadahilan naman yon para mapa liyad ang dalaga.

Tinulungan ni Jessica si Kris sa pag alis ng itim na tshirt nito. Sandali silang tumigil at tinignan ang isa't isa. Mapungay ang mga mata ni Jessica. Hahalik dapat ang dalaga pero umiwas si Kris. "I'm sorry." Sabi nito at umalis sa ibabaw ni Jessica.

Mabilis na lamang niyang pinalitan ng damit si Jessica at kinumutan ito. Dahil nakikita niyang mahimbing na itong natutulog. Pumasok naman agad siya sa banyo at nag-hilamos agad ng nag-hilamos ng mukha.

Tinignan naman niya ang sarili niya sa salim. Nakikita naman niyang tumutulo tulo ang patak ng tubig mula sa pisngi niya. "Gago.. Bat mo ginawa yon Kris." Bulong niya at nag-hilamos muli.

Napa dako ang tingin niya sa mapulang labi niya. Muling sumagi sa isip niya na si Jessica mismo ang humalik sa kanya.

Oo, tama lang naman ang ginawa niya. Tama lang na siya na mismo ang pumigil dahil alam naman niyang lasing ang asawa niya.

"I play fair." Sabi niya at nag hilamos muli.

**

Okayyy Sabaw! Super late update. Sorry po. :( Vote and Comment po thankyyyyy!

Mrs-Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now