[23] Family Tradition

470 23 0
                                    

                                            🌟Chapter [23] Family Tradition🌟

"Ate! Ate! Wake up." Ang lakas lakas ng yugyog ng kapatid kong si Krystal sa akin kung kaya't inis akong bumangon at tinitigan siya. "Ano ba?! Pagod ako sa byahe Krystal. Ta--"

"Whatever, napag utusan lang naman kasi ako." Putol niya agad sa sasabihin ko.

Inirapan ko na lamang siya, inis na lamang akong umalis sa higaan. Tiningnan ko naman ang kabilang side wala na pala siya. Umiling iling na lamang ako at tinahak ko na ang daan papunta sa banyo dito.

Nag hilamos at nag toothbrush ako, pati buhok ko sinuklay ko narin ang gulo gulo kaya. Lumabas naman na ako at nakita ko naman siyang naghihintay doon ang kapatid ko. "Ang tagal mo." Reklamo niya, "Sinabi ko ba kasing hintayin mo ko?" Tanong ko sa kanya.

Umirap na lamang ito sa akin. Ginulo ko na lamang ang buhok niya habang papalabas kami ng kwarto, wala naman kasing second floor o third floor itong Rest House. Pahaba lang ang ginawa sa kanya.

Nakita naman agad namin ang mga Lola namin na nasa Garden at kasalukuyan kumakain na ng umagahan. "Come, let's eat." Pag aaya nila sa amin. Umupo naman narin ako sa tapat ni Kris dahil iyon lang naman ang bakanteng upuan para sa akin, katabi ko ang kapatid kong si Krystal.

Nag simula na kaming kumain, puro pang breakfast ang inihanda nila. "So.. Malapit na ang kasal." Kamuntikan na akong mapa buga ng biglang isingit nila 'yon.

"Okay ka lang?" Tanong ng kapatid ko. Tumango na lamang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Ano ba naman kasing kailangan pa nilang ipa mukha na ikakasal na ako kay Kris.

Oo, ikakasal na nga. Wala na nga akong magawa diba? Kundi ang sumunod nalang ng sumunod sa gusto nila kahit ayaw ko. Ginawa na nilang Robot ang buhay ko. Tss!

"Beach Wedding, ang gusto ko. Hon." Sabi ng Mommy ni Kris.

Palihim ko naman tiningnan ang katapat ko pero walang nagbago sa ginagawa niya kanina. Tahimik lamang siya ni hindi niya nga ginagalaw ang pagkain na nasa plato niya. Puro Hot Chocolate lang ang iniinom niya.

Umiling iling na lamang ako. Kakaiba talaga itong mga magulang namin. Pati sa lahat, sila lagi ang masusunod. Mabuti nga't sa pag-aayos ko sa sarili ko, hindi nila pinakikielamanan eh.

Natapos ang agahan namin, niligpit naman narin ng mga katulong dito sa Rest House ang mga pinagkainan namin. Ngayon naman, Mag-isa lang ako dito sa may Pool area.

Naka lublob ang mga paa ko sa tubig. Habang pinaglalaruan ko ang tubig sa pool gamit ang mga paa ko. Nakikita ko rin ang sarili ko sa tubig dahil sa reflection nito.

Mas maganda pala sa lugar na ito.

Tahimik... Preskong hangin.. Sana dito nalang ako palagi. Sana dito nalang ako habang buhay.

"Alone?" Napa igtad ako ng may mag-salita. Lumingon naman agad ako sa kanya at nginitian siya para pagbibigay galang sa kanya. Sinamahan naman ako nito dito sa pool area at tumabi pa sa akin.

Inilublob niya rin ang mga paa niya sa swimming pool at nilaro laro rin ang tubig. "Hija.." Tawag nito sa akin. "B-bakit po?" Tanong ko habang naka tingin ako sa tubig.

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim. "I'm sorry.." Dahilan para mapalingon ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan, naguguluhan ako. Bakit siya nagsosorry sa akin? Dahil ba sa sapilitang ipinagkasundo nila ako sa anak niya?

"Ikakasal ka na agad sa ganyan mong edad, Ang gusto lang naman namin ang magandang kinabukasan ninyo." Sabi niya.

Ngumiti na lamang ako ng mapakla at hindi ako sumagot. "I'm sorry Hija, but it's a Family Tradition. Ganoon din ang nangyari sa akin pati narin ang mga magulang ko at magulang ng Daddy mo." Kunot noo akong napa lingon sa kanya.

Ito ba yung sinasabi ng Lola ni Kris na sa mga Lolo't Lola niya ako mag-tanong kung ano ang nangyari sa mga minahal nila noon? Sabagay. Tradition nga nila diba.

"Ang Lolo mo, at ang Ina ko. Dati silang magkasintahan, At ang Lola mo naman at Ama ko. Dati din silang magkasintahan." Nabigla ako sa nalaman ko.

Hindi ako makapaniwala. Pero hindi ba sila nakakaramdam ng pagka ilang kapag magkakasama sila? Hindi ko na magawang makapag salita dahil sa nalaman ko. "Don't worry, Hiwalay na sila lahat noon. Ng ipagkasundo sila." Natatawa niya pang dagdag.

Nagpeke na lamang din ako ng tawa. "Hindi naman sila nahirapan mahalin noon ang isa't isa. Siguro.. Baka sila talaga ang itinaghana para sa isa't isa. They're found their true love." Naka ngiti niyang sabi.

"Hindi po ba sila nagalit noong ipinagkasundo sila?" Tanong ko.

"Sa una, pero habang tumatagal. Nahuhulog na pala sila. Hindi lang nila masabi dahil natatakot silang baka hindi pareho ang nararamdaman nila." Sagot niya.

Tumango tango na lamang ako. "Pero bilib ako sa Daddy mo," Tumingin agad ako sa kanya.

Ano naman ang nakakabilib sa lalaking 'yon? "Hindi siya sumunod sa Family Tradition." Dugtong niya.

"Mas pinili niya ang Mommy mo, kesa sa babaeng ipinagkasundo na sa kanya." Hindi ako nakapag salita ng sabihin niya pa iyon.

"Engaged na sila noon, Tapos napagalamanan na buntis na pala ang Mommy noon. At ikaw yon. Jessica. Ang ipinagbubuntis niya." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Sabi niya, kahit maghirap siya. Hindi ibigay sa kanya ang company niyo. Hinding hindi niya ipagpapalit ang Mommy niyo doon. Ayaw niya, Hindi siya pumayag dahil ang sabi niya. True love is difficult to find." Naka ngiting sabi niya.

"Difficult to wait, hindi mo alam kung nandyan na sa tabi mo o kailangan mo pang masaktan para malaman mong siya na ang True Love." Dagdag niya.

"Paano niyong nalaman po ang Lahat?" Tanong ko.

Matagal siya bago sumagot. Tumingin siya sa akin. Tiningnan ko rin naman siya at hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Nakakapag taka naman kasi diba? Paano niyang nalaman ang lahat?


"Dahil ako ang babaeng ikakasal dapat sa kanya." Sagot niya.

What...

**

Vomment and Lomment po. Thank you po! :]

Godbless!
Xx.

Mrs-Lee

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن