[17] The Broken Hearts

537 24 0
                                    

                                      🌟Chapter [17] The Broken Hearts🌟

Dahan dahan kong binuksan ang malaki kong itim na maleta. Isa isa ko itong kinuha palabas para mailagay ko sa closet na pinasadya ang disenyo. Tahimik lamang ako habang ginagawa ko 'yon. Ang mga sapatos ko naman nakasama din sa closet, parang sa bahay lang din namin. Naka kwarto pa ang mga damit ko at sapatos ko dahil mayroon ng bihisan doon. Dressing room kumbaga. Pero iba to eh. May kasama akong isang taong kinaiinisan ko sa lahat na malapit ko ng pakasalanan.

"Can you make it fast?" Ramdam ko ang inis sa tono ng boses niya. "Can't you see?" Balik tanong ko sa kanya. Nakita ko na lamang ang pag iwas ng tingin nito at inis na sinandal ang balikat sa pader habang naka crossed arms pa ito. Kung si Morgan nga! Hindi ako minamadali eh. Pero siya?! Sus!

Ilang sandali pa ang tinagal, sa wakas. Natapos ko narin ang paglilipat ng mga gamit ko. Lumabas naman narin ako ng closet at nakita ko naman siyang kanina pa naka tayo sa pinto naka ismid naman ito sa akin habang papalapit ako sa pinto para lumabas pa. "Hindi mo ba alam na ngawit na ngawit na ako kanina pa?" Inis na tanong nito.

And what? Problema ko nanaman ba 'yon? Bat hindi siya umupo. "Eh bat hindi ka umupo?" Inis na sagot ko sa kanya saka siya nilagpasan.

"By the way.. One room." Kaagad ko siyang nilingon dahil sa nalaman kong sinabi niya. "The hell! What?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Hindi ako sanay ng natutulog sa sofa, At ayoko siyang katabi.

"Sa sofa ka." Sabay sabi naming dalawa. Kaagad namang kumunot ang noo naming dalawa. "Hindi! Hindi ako sanay sa sofa. Saka babae ako." Depensa ko.

"Can you just shut your mouth up?!" Natahimik ako sa sigaw niyang 'yon. "Wala ka bang natitirang hiya? Remember! You and your fckng father. Ruined my life! My everything!" Kitang kita ko sa kanya ang galit.

"If i had a choice?! Hindi ako matutulog dito. I will not stay this fcking house. With You!" Sigaw niya. At galit na ibinagsak ang maleta niya kung saan. Naramdaman kong tumama ang matigas niyang balikat sa balikat ko. Mabuti nalang at napa hawak ako sa itim na lamesa dito. At kung hindi tyak na tutumba ako.

"Bullshit!" Sigaw ko na lamang at hinawi siya sa pinto. Kinuha ko ang bag ko at  tumakbo akong palabas nitong bagong bahay na bili ng Mommy niya. Pumara agad ako ng taxi at dahil sa hindi nga ako marunong mag drive. Ayokong hintayon ang driver ko dahil hindi naman ako sanay na nag hihintay.

Sumakay agad ako dito at sinabi ko kung saan ko gustong pumunta. Hinilot ko ang sentido ko. Masyado pa yata akong bata para ma stress ng ganito ng sobra.

Akala niya ba?! Hindi ako nahihirapan sa punyetang sitwasyon na to?! Pwes. Oo! Kung sinasabi niyang nasaktan siya dahil nakipag hiwalay sa kanya si Sandy. Pero nagkabalikan naman sila diba!

Sinasabi niyang mahihirapan silang dalawa dahil ikakasal siya sa akin. Pwes! Ang relasyon kahit ano 'man ang dumating na problema basta't magkasama kayong dalawa. Walang mahirap na salita dyan. Walang pero, walang dahil. Kapag mahal mo! Ipaglaban mo.

Kung tutuusin. Mas ako ang mukhang kawawa. Pinipilit kong huwag ng masaktan kay Morgan pero hindi ko mapigilan. At alam ko naman na dadating ang araw na mayroong mahuhulog sa aming dalawa. Pero..

Wag naman sanang ako ang mauna, dahil pagod na pagod na akong masaktan. Hindi ko na kakayanin..

Ilang oras ang lumipas. Huminto ang sinasakyan ko, Dahan dahan kong binuksan ang pinto nitong sasakyan at ibinigay ang bayad ko at bumaba na. Hinawi ko ang buhok kong tumabing sa mukha ko.

Nagdalawa pa akong isip kung papasok ba ako o hindi na. Pero nandito na ako. Ayoko ng pabago bago ang isip. Parang relasyon lang 'yan. Kapag siya na siya lang, wag ng ibahin pa. Baka kasi pagsisihan mo sa huli kapag iniba mo pa.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon