[2] Morgan Williams

1.1K 31 1
                                    

                                         🌟Chapter [2] Morgan Williams🌟

"Grabe, Ang pogi niya talaga." Isang babaeng nag sabi noon sa kasama niya rin isang babae. "Sinabi mo pa, Haaay. Kung ako lang yung girlfriend ni Morgan. Hindi ko na siya papakawalan pa." Sabi ng isang babae.

Napa lunok na lamang ako ng marinig ko ang mga katagang iyon. Naririnig ko sila mula sa pinag tataguan ko, Mas mainam nalang na hindi niya ako makita. Hinintay ko na lamang silang makalagpas rito at saka palang ako lumabas. Sinundan ko na lamang sila ng tingin,

Nanlabo na lamang ang paningin ko mabilis naman akong tumalikod at pinunasan kaagad ang kamuntikan ng luha na pumatak sa pisngi ko. Sa hindi ko sinasadya may nakabungguan ako pero kaagad naman niya akong nahawakan sa magkabilang braso ko. "Jess." Napa tigil kaagad ako.

Parang nanginginig ang katawan ko ng muli niya akong hawakan muli, Parang may mga kuryente sa mga kamay niya na dumadaloy ngayon sa katawan ko dahil sa hawak hawak niya ako. Nanunuyo ang mga lalamunan ko, pakiramdam ko parang sasabog na ang dibdib ko ngayon. Pakiramdam ko hihimatayin na ako ngayon.

Bahagya akong lumayo at dahan dahan nag angat ng tingin sa kanya. "M-morgan." Pautal utal na sabi ko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa mga mata niya.

Narinig ko ang pag tawa niya. Hinawakan naman niya ako sa balikat, "It's been a while. Kamusta?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

"S-sige Morgan. May gagawin pa kasi ako eh." Paalam ko. Nag simula na akong mag lakad pero hinawakan niya ako sa kamay. Nagulat ako dahil roon, ang pag hawak niya sa kamay ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya at tiningnan kaagad siya. "B-bakit?" Tanong ko.

May inilabas siya mula sa kanyang bulsa at ito ang iPhone niya. Bahagya siyang lumapit sa akin upang ipakita ang nasa Iphone niya. Isang babaeng naka ngiti at naka wallpaper sa kanya, napa tingin naman kaagad ako sa kanya. Sa mga mata niya.

"She's pretty right?" Naka ngiting tanong niya. "Y-yes.. She's pretty." Pag sang ayon ko. Napa ngiti naman kaagad siya habang naka tingin sa wallpaper niya. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at pakunwari nalang tiningnan ang babaeng nasa wallpaper niya ng maramdaman kong titingin na siya sa akin. "She's my Girl." Sabi niya.

Parang may biglang bumagsak na bato sa dibdib ko. Napa lunok kaagad ako parang.. parang nahihirapan akong huminga ng marinig ko ang sinabi niya. "Ang bilis mo naman." Nasabi ko. "What?" Tanong niya kaagad.

Napa tingin naman kaagad ako sa kanya. "Ang bilis mong kumuha ng babae." Palusot ko.

Ang bilis mong kalimutan ako, ang bilis mong palitan kaagad ako. Ang bilis mong makahanap ng iba. "Siyempre naman. Oh by the way. I have to go, may klase pa kasi ako. Nice seeing you again." Paalam niya at tinapik tapik pa ako sa balikat.

Ngumiti na lamang ako sa kanya, Habang nag lalakad siya papalayo. Gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang hawakan.

Hindi ko alam nababasa na pala ng luha ang pisngi ko. Naikuyom ko kaagad ang dalawa kong kamao. Napa kagat ako sa labi ko habang patuloy parin sa pag patak ang luha ko. Sa hindi ko kaya napa sandal na lamang ako sa pader rito at napa hawak. Pakiramdam ko tutumba ako anong oras.

Napaka sakit pala. Para akong inagawan ng isang napaka mahal na candy. Bakit ganon? Hindi ba pweding mawala ang feelings?

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at nag tungo papunta ng powder room. Inayos ko ang sarili ko at inayos ko ang buhok ko.

Nag lalakad na ako sa hallway papunta sa classroom namin. Inaayos ko ang wrist watch ko ng kausapin ako bigla ng Prof ko. "Good Morning Sir." Bati ko rito. Ngumiti naman ito sa akin. "Miss. Jung, Next week may Charity Event tayo and kailangan andoon ka. Ibibigay ko nalang mamaya ang mga bibilin niyo na materials." Sabi nito. "Yes Sir." Sagot ko. Ngumiti na lamang ito sa akin at nag patuloy na sa paglalakad.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum