CHAPTER #5: THE ENGAGEMENT

624 71 33
                                    


KENNETH's POV:

Hanggang ngayon iniisip ko parin yung babaeng nakilala ko kanina sa Park.

She's so beautiful at ito ang unang beses na nakapansin ako sa itsura ng isang babae, iba ang ganda nya kahit sabihing wala akong alam pagdating sa mga ganong bagay... lalo na pagdating sa mga babae.

Habang naka-upo ako sa sofa at nanunuod ng TV may biglang nag-door bell.

Binuksan ko agad, dahil alam kong si daddy na yon.

KENNETH: "Dad bakit ngayon ka lang? Saan ka ba pumunta? Pagdaan ko don sa office mo kanina wala ka."

Tanong ko kay dad.

MR. LEE: "Sa dati 'kong kaibigan, si Victor Kim, may sarili rin kasi syang kompanya dito sa Tokyo."

Sabi nya habang nagtatanggal ng Suit. At diretso upo sa sofa.

Nagulat ako sa mga sumunod pa nyang sinabi.

MR. LEE: "Kenneth, may anak nga pa lang babae si Mr. Kim at napagkasunduan naming ipakasal kayong dalawa. Hindi mo naman ako tatanggihan hindi ba?"

Hindi ko alam ang isasagot kay daddy, dahil kahit kailan ay hindi ko pa sya sinuway.

KENNETH: "P-Pero dad, parang biglaan naman ata yan..."

Nauutal 'kong sabi kay daddy.

MR. LEE: "Talagang biglaan, dahil ngayong taon rin mismo ang engagement ninyo. Sorry anak kung nabigla kita, pero hindi kana talaga pwedeng tumanggi dahil ayokong mapahiya sa kaibigan ko. Wag kang mag-alala dahil sobrang ganda naman ng magiging fiancée mo."

Nakangiting sabi sa'kin ni Dad.

Pero wala naman akong pakialam kung maganda o hindi ang mapapangasawa ko, dahil mas importante para sakin ang nararamdaman ko. Pero anong magagawa ko?! Hindi ko naman pwedeng tanggihan si dad. Kaya kahit hindi ko kilala ang pakakasalan ko ay papayag na lang ako.

ngumiti ako kay dad at sinabing...

KENNETH: "Okay dad, payag na 'ko, hindi naman kita kayang tanggihan dahil lahat ng sabihin mo ay sinusunod ko."

Ngumiti sakin si Dad at hinawakan ako sa balikat.

MR. LEE: "Salamat anak, maaasahan talaga kita, hindi katulad ng isa mong kapatid, puro sakit ng ulo lang ang ibinibigay sa'kin."

Nabanggit na naman nya si Kevin...

Sa bawat pupurihin talaga 'ko ni Dad, lagi nyang ipinapasok sa usapan si Kevin.
At lagi kaming pinagkukumpara.

KENNETH: "Kailan naman po ang kasal?"

Tanong ko kay dad.

MR. LEE: "After 5 years pa naman, dahil 19 years old pa lang ang anak ni Mr. Kim at nag-aaral pa. Kaya ii-engaged muna namin kayo. Bukas nga pala isasama kita sa bahay nila, para magkakilala na rin kayo ng magiging nobya mo."

KENNETH: "Okay po."

Tumayo na 'ko sa'king kinauupuan.

"Sige dad, papasok na ko sa kwarto, inaantok na 'ko eh, bukas na lang po."

MR. LEE: "Sige anak, goodnight."

KENNETH: "Goodnight rin po."

Sabi ko kay daddy, sabay pasok sa kwarto ko.

* * *

VERONICA's POV:

Mga 9pm na rin ako naka-uwi ng bahay dahil sa kakapasyal namin ni Hatomi. Weekend kasi.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now