CHAPTER #42: PLAN

268 23 4
                                    


AUTHOR's POV:

(6:00 PM - BAGO GUMISING MULA SA COMATOSE SI KEVIN...)

Isang oras pagkatapos pumunta ng ospital ni Veronica para dalhan ng bulaklak si Kevin ay dumating naman si Mrs. Shana para bantayan ang kanyang anak.

Inabot rin sila ni Mrs. Martha ng dalawang oras sa spa at nang makalabas ay dumiretso na sya agad sa ospital.

Habang naka-upo sa upuan na katabi ng kama na hinihigaan ni Kevin ay napatingin sya sa magagandang bulaklak na naka-display malapit sakanya.

"Sino kayang nag-iwan ng mga bulaklak na 'to? Ang gaganda naman."

Mag-isa at nakangiting sabi ni Mrs. Shana habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nakalagay sa vase.

Pagkatapos nyang obserbahan ang mga bulaklak ay bumalik muli ang tingin nya kay Kevin. Ngunit laking gulat nya na lang ng mapansin ang biglaang paggalaw ng isa nitong daliri sa kaliwang kamay. Dahil sa nangyari ay napatayo sya agad.

"A-anak... Kevin..."

Dahan-dahan nyang hinawakan ang balikat nito para subukang gisingin. Mas lalo pang lumapad ang kanyang ngiti nang gumalaw na rin pati ang mga mata nito.

Dali-dali s’yang tumawag ng doctor para patingnan ang kanyang anak.

Ilang segundo bago dumating ang doctor ay tuluyan na ngang dumilat ang mga mata ni Kevin. Hindi maipaliwanag ni Mrs. Shana ang sobra-sobrang kasiyahan nang makita na nagising na mula sa comatose ang kanyang anak after 3 weeks.

DOCTOR: "Maayos na po ang kalagayan nya ngayon Mrs. Lee, at mga dalawang linggong therapy lang paniguradong babalik na ulit sya sa dati."

MRS. LEE: "Maraming salamat doc."

Tuwang-tuwa na sabi ni Mrs. Shana habang nakahawak ng sobrang higpit sa kamay ni Kevin.

Paglabas ng doctor sa kwarto ay bumalik ulit sa pagkakaupo si Mrs. Shana.

KEVIN: "M-mom... Gaano na ko katagal dito?"

Tanong ni Kevin habang nililibot ng kanyang mata ang buong kwarto.

MRS. LEE: "Tatlong linggo kang comatose anak. Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sayo. Mabuti nagising ka na ngayon. Wag mo nang uulitin yon ha?"

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mrs. Shana na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang kamay ng kanyang anak.

KEVIN: "Ang tagal ko pa lang nawalan ng malay..."

MRS. LEE: "Anak, kailangan mong magpalakas at maka-recover agad para mas maaga kang ma-discharge. Kaya dapat lang na kumain ka ng marami. Anong gusto mong kainin? Ibibili sayo lahat ni Mommy. Sabihin mo lang."

KEVIN: "Ikaw ng bahala."

Matamlay na sagot ni Kevin.

MRS. LEE: "Sige... Lalabas lang ako saglit. Maiwan muna kita dito."

Marahang tumango si Kevin bago sya iwan ng kanyang ina.

* * *

(9:00 PM)

Hanggang gabi ay sinamahan lang ni Mrs. Shana ang kanyang anak sa kwarto.

Sa sobrang busy ni Mr. Lee at Kenneth ay hindi sila nakapunta ng ospital.

"Bukas na lang siguro dadaan dito ang Dad mo pati si Kenneth. Ngayon, ako muna ang magbabantay sayo. Sige na, matulog ka na."

Sabi ni Mrs. Shana habang hinahawakan ang noo ng kanyang anak.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now