CHAPTER #16: SORRY IF I HURT YOU

394 36 14
                                    


AUTHOR's POV:

Pagka-gising ni Kenneth diretso nyang pinuntahan si Kevin sa kwarto nito, ang kaso halos nakaka-10 minutes na sya sa pagkatok pero hindi parin lumalabas si Kevin sa kwarto kaya naman nag-hinala na sya agad na umalis si Kevin ng sobrang aga para lang puntahan si Veronica.

Pero dahil may tiwala naman sya sakanyang fiancée, hindi na nya sinundan pa si Kevin, at kumain na lang sya ng breakfast.

. . .

Pagkauwi ni Kevin nadatnan nyang kumakain si Kenneth ng breakfast.

At sa sobrang galit sinigawan nya ang kanyang kuya.

KEVIN: “Hoy Kenneth! Anong mga sinabi mo kay Veronica?!!!”

Pero kahit sumisigaw na si Kevin ay nagbingi-bingihan lang si Kenneth na parang walang narinig at tuloy lang sa pagkain ng breakfast.

Kaya naman dali-daling lumapit si Kevin sakanyang kapatid at inagaw ang hawak-hawak na sandwich na isusubo pa lang sana ni Kenneth at nang maagaw ni Kevin ang tinapay, ibinato nya ito sa sahig.

KEVIN: “Gusto mo ng bastusan huh?!!! Sige pagbibigyan kita!!!”

Sigaw ni Kevin habang galit na galit na nakatingin kay Kenneth.

Bigla namang napatayo si Kenneth sakanyang kinauupuan at sinipa ng sobrang lakas ang upuan...

KENNETH: “Doon tayo sa kwarto mo mag-usap, wag dito, baka marinig ng mga maids, at kung ano pa ang sabihin nila sa parents natin pagbalik dito sa Korea.”

Dire-diretsong pumunta ang magkapatid sa kwarto...

“Tigilan mo ang fiancée ko hangga't nakakapag-timpi pa ko sayo, pakiusap lang Kevin wag mo kong sagarin.”

Pagbabanta ni Kenneth.

Habang si Kevin naman ay galit na galit parin na nakatingin kay Kenneth.

KEVIN: “At bakit ko naman gagawin yon?! Bakit ko naman titigilan ang babaeng mahal ko?! Ikaw ang dapat tumigil Kenneth, hindi ako! Hindi ko alam kung anong mga ka-demonyohan ang sinabi mo kay Veronica pero wag kang umasa na titigilan ko na sya, pagkatapos nyang sabihin sakin na ayaw na nya, at suko na sya... Dahil sya lang ang babaeng mamahalin ko, wala ng iba pa.”

KENNETH: “Napaka-tigas talaga ng ulo mo Kevin, akala mo ba talaga may pag-asa ka kay Veronica?! Magising ka nga sa katotohanan! Masyado nyang mahal ang parents nya para suwayin ng dahil lang sa isang tulad mo, kilalang-kilala ko si Veronica at alam ko kung gaano sya kabuting anak, kaya kung ako sayo sumuko kana lang.”

Bigla namang napa-evil smile si Kevin.

KEVIN: “Mga parents naman ngayon ni Veronica ang gagamitin mo para takutin ako. Nakakaawa ka talaga Kenneth, wala akong pakialam kahit sino pa ang humadlang samin ni Veronica, at mas lalong wala akong pakialam kahit talikuran pa ko ni Veronica, dahil ako lang ang pwedeng magdikta sa sarili kong nararamdaman, at susundin ko kung anong gusto ng puso ko, alam ko namang napilitan lang si Veronica na tapusin na ang lahat sa amin dahil ginamit mo ang parents nya at parents natin para takutin sya, pero Kenneth ramdam ko, simula nung pumayag syang makipag-date sakin na mahal na mahal nya ko, lalo na nung aminin nyang may nararamdaman rin sya sakin. Siguro nakumbinsi mo nga sya na ikaw ang pillin pero hindi mo kailanman makukumbinsi ang puso nya dahil alam kong ako lang ang nilalaman non.”

Halata sa mga tingin ni Kenneth na nag-aapoy na sya sa sobrang galit.

KENNETH: “Masyado ka naman atang confident! Kevin tandaan mo na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo, may mga bagay rin na kailangan mong i-giveup, minsan kailangan mo ring isipin ang nararamdaman ng ibang tao, wag ka laging maging makasarili, satingin mo makakabuti para kay Veronica kung ipagpapatuloy mo 'to?! Hindi Kevin, dahil kung may tao mang sobrang masasaktan at mahihirapan dito si Veronica yon.”

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now