CHAPTER #22: WEDDING GOWN

338 26 10
                                    


AUTHOR's POV:

[FAST FORWARD]

Natapos na ang tatlong araw na pagbisita ni Veronica at Kenneth sa bahay ni Grandma kaya naman oras na para bumalik sa Seoul.

Ang hindi nila alam, habang nasa Busan sila, pinagpa-planuhan na pala ng kanilang mga magulang ang kasal.

Si Mrs. Lee at Mrs. Kim ay abala na sa paghahanap ng shop kung saan nila ipapagawa ang mga isusuot ni Kenneth at Veronica.
.
.
.
Pagdating ng dalawa sa Seoul, inihatid muna ni Kenneth si Veronica sa bahay nito.

VERONICA: "Thank you sa paghatid."

Nakangiting sabi ni Veronica kay Kenneth pagbaba nila sa kotse.

KENNETH: "Salamat rin. Sobrang nag-enjoy ako sa maikling bakasyon na yon. Sana maulit."

Tumango-tango naman si Veronica bago ulit nagsalita.

VERONICA: "Sana nga--"

Habang nagsasalita, bigla syang napatingin sa gate dahil bigla itong bumukas.

Nanlaki ang mga mata ni Veronica nang makita si Hatomi galing sa loob ng bahay nila.

HATOMI: "Kayong dalawa ha~ di man lang kayo nang i-inform na nagkakamabutihan na pala kayo. Alam nyo bang kanina ko pa kayo sinisilip."

Sa sobrang saya ni Veronica dali-dali syang lumapit kay Hatomi at niyakap ito ng sobrang higpit.

VERONICA: "Hatomi na-miss kita ng sobra! Bakit di mo man lang sinabi na andito kana pala sa korea?!"

Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Veronica habang nakayakap parin ng sobrang higpit kay Hatomi.

HATOMI: "Syempre para... SURPRISE!"

Pagbitaw ng dalawa sa pagyayakapan...

"Kenneth kumusta na?"

Tanong ni Hatomi nang mapansin si Kenneth na kanina pa masayang nakatingin sakanilang dalawa ni Veronica.

KENNETH: "Heto, okay naman at masayang-masaya. Kailan ka pa pala nakarating dito? Bakit di ka man lang tumawag?"

HATOMI: "Kahapon lang ako nakarating, di ko na pinaalam sainyo kasi nabalitaan kong nagbakasyon daw kayo sa Busan, ayoko namang maka-istorbo noh. Si Tita Martha ang nagsundo sakin sa airport."

Pagpapaliwanang ni Hatomi.

"Uhm... Speaking of Tita Martha... Wala sya ngayon dito, pati na rin si Tito Victor, ako lang mag-isa ngayon sa bahay."

VERONICA: "Saan sila pumunta?"

Pagtataka ni Veronica.

HATOMI: "Uhmmm... Si Tito, may inaasikasong business kasama si Mr. Lee pero yung mom mo di ko alam eh."

Bigla namang kumunot ang noo ni Veronica nang mapansing parang hindi nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan.

VERONICA: "Kung pumasok kaya muna tayong tatlo sa loob?"

Maglalakad na sana si Veronica at Kenneth papunta sa gate ng bigla silang harangan ni Hatomi.

HATOMI: "Wait... Pinapasabi nga pala sakin ni Tita na pag-balik nyo daw sa Seoul dumiretso kayo sa mansion ng Lee at hindi dito sa bahay."

KENNETH: "Sa bahay namin?!"

Tumango naman si Hatomi.

VERONICA: "Bakit daw?"

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now