CHAPTER #32: SECRET DATE

308 32 36
                                    


KEVIN's POV:

Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan naming tatlo hanggang sa makarating nga kami sa Pastry Shop.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong pumunta sa shop na 'to, kaya kabisadong-kabisado ko na rin ang halos lahat ng mga ipinagmamalaki nila ditong pastries. Pero gusto ko lang ipaalam sainyo na hindi ako mahilig sa sweets... si mom lang talaga ang dahilan kung bakit lagi akong napapadpad sa lugar na to nung bata pa ko -_-

Halatang takam na takam na yung itsura ni Veronica habang tinititigan yung mga naka-display na pagkain sa harap namin. Di ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa pag-tingin sakanya.

"Ito tikman mo, Vanilla Éclair."

Alok ko kay Veronica habang inaabot sakanya ang Vanilla Éclair.

Alam kong favorite nya ang Vanilla Flavor kaya ito ang napili kong ipatikim sakanya.

"Say ah..."

Balak ko sanang isubo sakanya yung Éclair ang kaso bigla na lang nya kong tinignan ng masama, wala tuloy akong ibang nagawa kundi ibaba na lang yung kamay ko. Nahiya siguro sa kaibigan nya.

Hays, satingin ko maling ideya na isinama pa namin si Hatomi... pero,

kung hindi dahil sakanya, hindi kami magkakaayos ni Veronica. Malaki ang utang na loob ko sakanya kaya dapat lang na suklian ko yon.

HATOMI: "Sus nahiya pa..."

Pang-aasar ni Hatomi sa kaibigan nya. Napa-ngiti naman ako ng palihim.

VERONICA: "May kamay naman kasi ako kaya hindi na ko kailangang subuan."

Sabi nya sabay agaw sa hawak kong Vanilla Éclair.

"Mmmhh sobrang sarap nung cream."

Nakaka-aliw talaga syang tignan kapag kumakain.

KEVIN: "Itong Cannelés naman ang tikman mo, may Vanilla rin yan."

Sabi ko habang itinuturo sakanya yung kinalalagyan ng Cannelés.

Dumampot sya ng isa at kumagat.

VERONICA: "Lasang-lasa ko yung combination ng vanilla sa loob tsaka yung nakabalot na caramelized sugar sa labas, grabe hindi ko alam na ganito pala to kasarap."

Tuwang-tuwa na sabi nya habang tuloy parin sa pag-nguya.

"Wag mo kong tignan, kumain ka rin dyan."

Utos nya nang mapansing kanina ko pa sya tinitignang kumain.

KEVIN: "I-ito na nga kakain na."

Dali-dali akong dumampot ng Chocolate Éclair at tsaka isinubo.

Kahit tignan ko lang syang kumain, nabubusog na ko.

HATOMI: "Veronica mag-uwi tayo ng maraming Macaroons ha? Hindi kasi ako maka-move on sa lasa nya. Iba talaga kapag gawa mismo sa original na bansa. Ilang beses na kong nakakatikim ng ganito sa Japan pero hindi naman kasing sarap nito."

Sabi ni Hatomi sabay kagat na naman ng Macaroon.

VERONICA: "No problem. Favorite ko rin kaya ang Macaroon."

Sagot ni Veronica sa kaibigan nya tsaka dumampot ng color purple na Macaroon.

KEVIN: "Kumuha lang kayo ng kahit anong gusto nyo. Ako nang bahala sa bayad."

HATOMI: "Talaga?! Waahhh thank you."

Tuwang-tuwa na sabi ni Hatomi habang nakatayo sa harap ng mga macaroons at pumipili ng box na kukunin nya.

My One and Only True Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon