CHAPTER #17: THAT GIRL IS MINE

367 33 13
                                    


VERONICA's POV:

Habang natutulog, nanaginip ako... at sa panaginip na yon kasama ko si Kevin...

Tapos hinalikan nya ko sa pisngi, sobrang saya ko, at parang ayoko nang magising dahil sa panaginip ko na lang pwedeng maramdaman ang ganitong klaseng kaligayahan... I know na paggising ko kailangan ko na namang harapin ang reality... Ang reality na hindi ko kayang maging masaya.

Paggising ko, naramdaman kong parang may pumatak na konteng luha mula sa mata ko.

Siguro dahil sa sobrang kalungkutan na nagising pa ko mula sa magandang panaginip na 'yon.

* * *

KINABUKASAN (Opening Day)...

Busy ang lahat ng staff sa restaurant ko, habang ako naman ay nasa kitchen at pinapanood ang mga chefs na magluto ng iba't-iba at masasarap na dishes.

Hindi ko maipalawanag ang excitement at happiness na nararamdaman ko ngayon, dahil finally unti-unti ko nang natutupad ang Childhood Dream ko.

But...

I feel na panlabas lang ang kaligayahan na 'to, dahil inside si Kevin ang iniisip ko.

Ang hirap mag-sinungaling sa sarili.

What if pumunta sya dito mamaya?

What if manggulo sya?

What if hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Napakaraming 'What If' sa utak ko ngayon dahil nangako ako sakanya na gagawin ko syang employee sa restaurant ko. But how?!!!

Ayokong magkita sila ni Kenneth dito, baka kung anong mangyari, at masira pa 'tong opening ko. Aiishhh!

VERONICA: "Doon mo ilagay yang color pink na flower vase sa table malapit sa bintana."

Sabi ko kay Rina Kim habang inuutusan syang ayusin ang pagkaka-display sa flower base.

By the way, Rina Kim is my head staff here, and after 1 month kapag pinakita nya saking responsible sya sakanyang trabaho I will promote her, at gagawin ko syang Assistant Manager ng restaurant.

Kailangan ko rin kasi ng isang hahalili sa'kin kapag naging busy na ko sa paghahanda sa kasal namin ni Kenneth.

Baka may mga out of town schedules ako at hindi ko maaasikaso ng maayos ang restaurant, so kailangan ko nang Assistant Manager na pansamantalang papalit sakin sa tuwing magiging busy ako.

Exactly 9:30AM ang start ng ribbon cutting, and now it's... 8:40AM, malapit-lapit na! Unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga guests, at halos lahat mga kaklase at kaibigan namin ni Zandra sa Elementary at High School.

Isa-isa nila 'kong binati, at yung iba naman niyakap pa 'ko, dahil ito ang first time nila na makita ako ulit after so many years.

JEN: "Veronica, Where's Zandra?"

Tanong ni Jen na katabi namin ni Zandra sa upuan noong nasa Junior High kami.

VERONICA: "Nasa Jeju Island sya ngayon para sa isang business meeting kaya naman hindi sya nakapunta dito."

Medyo malungkot kong sagot.

JEN: "Ahh ganon ba, sayang naman, ito na lang kasi ngayon ang pagkakataon para makapag-reunite tayo ulit pagkatapos ng maraming taon tapos wala pa sya."

Nakasimangot nyang sabi.

VERONICA: "Kaya nga eh, pero okay lang yon *sabay hawak sa balikat ni Jen*, mag-enjoy na lang tayo dito at isipin nating kasama parin natin sya, marami akong pinahandang masasarap na pagkain na paniguradong magugustuhan ninyong lahat."

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now