CHAPTER #58: LOVE AND MISUNDERSTANDING (1)

57 11 3
                                    


VERONICA' s POV:

“I want to marry you, Veronica. Kung papayag ka nga lang, kahit bukas na bukas pakakasalan kita.”

Napalunok ako sa sarili kong laway habang nakatitig sa malawak at kulay asul na langit. Nag-iisip kung ano nga bang pwedeng sabihin sa kanya. To be honest, I don't know.

VERONICA: “Hindi pwede.”

Agad s’yang tumagilid ng higa at humarap sa ’kin pagkatapos ko ’yong sabihin. Kunot ang noo niya.

Tinitigan ko siya ng seryoso sa mga mata bago ako ulit magpatuloy sa pagsasalita.

“Hintayin muna natin na maging maayos ang lahat, tapos tsaka tayo magplano ng kasal. ’Di naman natin kailangang magmadali dahil mga bata pa naman tayo. I'm just 24, at ikaw naman 25. Mahihirapan lang tayo kung mamadaliin natin ang bagay na ’yon.”

Sa laki ng problema na kailangan naming ayusin, hindi maganda kung uunahin pa namin ang kasal. Baka lalo lang gumulo.

Bumuntong-hininga siya at bumalik ulit sa posisyon ng higa niya kanina.

KEVIN: “Ayaw mo bang magpakasal sa ’kin dahil wala pa ’kong napapatunayan na kahit ano sa buhay?”

Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya kaya naman dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga at pagkatapos ay tumingin sa kanya ng seryoso.

VERONICA: “Hindi sa gano’n, Kevin. Ayoko lang na madaliin ang mga bagay-bagay, lalo na kung kasal ang pag-uusapan. Intindihin mo naman ’yung pinupunto ko... Please, hintayin muna natin ’yung araw na hindi na natin kailangang magtago sa lahat, tapos tsaka tayo magplano.”

Nang matapos kong sabihin ang mga salitang ’yon, dahan-dahan s’yang bumangon at tumango sa akin. Parang napilitan lang.

KEVIN: “Okay, sige. Hindi naman kita pwedeng pilitin kung ayaw mo talaga. Pero ’yung sinasabi mong hintayin muna natin na maging maayos ang lahat, sa tingin mo posible ’yon? Sa tingin mo ba may pag-asa talagang matanggap nila ang relasyon natin?”

Tumango ako pagkatapos n’yang magsalita. Kahit alam ko namang imposible ’yon, umaasa pa rin ako. Umaasa ako na balang araw magiging ayos din ang lahat.

VERONICA: “Oo, Kevin. May pag-asa pa. Ang kailangan lang nating gawin sa ngayon ay ang maghintay. Umaasa ako na darating ’yon. ’Wag lang tayong susuko at maging matatag lang palagi, for sure darating din ang araw na matatanggap nila tayo.”

Hindi ako sigurado kung hanggang kailan, o gaano katagal ang kailangan naming hintayin... pero hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa.

KEVIN: “Kung anong gusto mo, sige ’yon ang susundin ko. Siguro nga kailangan pa natin ng mahabang oras na makapag-isip-isip at paghandaan ang lahat. Kaya habang naghihintay tayo, magsusumikap na ako at gagawin ko ang lahat para maipagmalaki mo rin ako sa iba. Kailangan may mapatunayan muna ako sa sarili ko at sa ’yo bago tayo magpakasal.”

Napangiti ako ng malapad dahil sa mga narinig ko sa kanya. Buti naman nakumbinsi ko siya. Buti na lang naisip niya ang mga bagay na ’yon.

VERONICA: “Salamat, Kevin. Salamat dahil palagi mo ’kong iniintindi. Kahit alam kong hindi ka sang-ayon sa ’kin, pinipilit mo pa rin ang sarili mo.”

Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at ngumiti sa akin. Dahil sa ginawa niya ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Ngiti niya talaga ang pinaka-kahinaan ko sa lahat.

KEVIN: “Mahal kita kaya dapat lang na intindihin kita sa lahat ng oras. Kaya kahit gustuhin ko pang gawin ang isang bagay, kung hindi ka naman agree do’n, wala rin akong magagawa. Lalo na kung alam kong ikaw naman talaga ang tama.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One and Only True Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon