CHAPTER #13: MY BESTFRIEND ZANDRA

467 58 16
                                    


AUTHOR's POV:

Sobrang pula ng mga mata ni Zandra dahil sa kakaiyak.

Pagkalabas nya ng restaurant dumiretso sya agad sa bahay ni Veronica.

Pagkapasok na pagkapasok ni Zandra sa bahay ni Veronica, niyakap nya agad ang kanyang kaibigan habang umiiyak.

Nagulat naman si Veronica sa ikinilos ng kanyang kaibigan.

VERONICA: “Zandra... Anong nangyari??? Bakit ka umiiyak???”

Pagtataka ni Veronica habang hinihimas ang likod ni Zandra.

ZANDRA: “Veronica, hiniwalayan na ko ng boyfriend ko”

Sabi ni Zandra habang umiiyak.

VERONICA: “Ang kapal naman ng mukha ng lalaking yon! Anong karapatan nya para saktan ka?!!!”

Pasigaw na sabi ni Veronica.

At pagkatapos ay bumitaw na si Zandra sa pagkakayakap kay Veronica.

ZANDRA: “Ano bang masama sa mag-mahal ng sobra?! Ano bang masama kung kainin ko yung pride ko?!!
Bakit ganon na lang kung itrato nya ko?! Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko para sakanya, ito lang ang isusukli nya.”

Iyak ng iyak si Zandra na parang wala ng bukas.

Hinawakan naman ni Veronica ang balikat nya.

VERONICA: “Tahan na Zandra, hindi tamang iyakan ang ganong klaseng lalaki.”

Pagpapatahan ni Veronica sakanyang kaibigan.

ZANDRA: “Ano bang nagawa kong mali?! Bakit kailangang masaktan ako ng sobra?! Tinanggap ko naman lahat eh!! Tinanggap ko lahat ng kamalian nya, nagtiis ako kasi mahal ko sya, tapos ito lang ang matatanggap ko mula sakanya? Napaka-unfair talaga.”

Iyak parin ng iyak si Zandra.
Habang si Veronica naman awang-awa na sa kaibigan nya.

VERONICA: “Sinabi ko naman kasi sayo, sa umpisa pa lang na mag-ingat ka sa ganong lalaki, tignan mo tuloy ang nangyari.”

Mas lalo pa tuloy lumakas ang pag-iyak ni Zandra nang marinig ang sinabi ni Veronica.

“Uy Zandra anuba!!! Tumahan kana please!!! Hindi sya deserving sa pagmamahal mo kaya mag-hanap kana lang ng iba... Kalimutan mo na yung walang kwentang lalaki na yon.”

Pagpapatahan ni Veronica kay Zandra.

ZANDRA: “Hindi ko kaya Veronica!! Mahal na mahal ko talaga sya at sya lang ang gugustuhin kong lalaki habambuhay wala ng iba pa.”

Pagmamatigas ni Zandra.

VERONICA: “Hindi ko alam na ganito ka pala mag-mahal Zandra. Nakakagulat... So ano na ngayong gagawin mo???
Ipagpipilitan mo parin ba ang sarili mo, kahit alam mong hindi kana nya mahal?”

Hindi akalain ni Veronica na sobrang tindi pala kung magmahal ng kaibigan nya.

Kaya habang tinitignan nya tuloy si Zandra lalo syang naaawa.

ZANDRA: “Ganon na nga Veronica, 
Sabihin na ng iba na baliw ako sa pag-ibig, pero sya parin ang mamahalin ko, sya lang at wala ng iba,... Luluhod ako sakanya kung kinakailangan, magkabalikan lang kami ulit.”

Sobra-sobra talaga ang pagmamahal ni Zandra para kay Kevin.

VERONICA: “Bahala ka Zandra, pero sana naman isipin mo rin yang sarili mo.”

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now