CHAPTER #20: FAMILY DINNER

347 32 24
                                    


AUTHOR's POV:

Sabay-sabay na dumating sa South Korea sina Mr. Victor & Mrs. Martha (Veronica's Parents) at Mr. Ken & Mrs. Shana (Kevin and Kenneth's Parents).

Sinalubong sila ni Kenneth at Veronica sa airport.

Nang makalapit na sakanilang dalawa ang mga magulang nila ay dali-daling yumakap si Veronica sakanyang mommy at daddy.

MRS. KIM: “Kumusta ang prinsesa namin? Hindi ka ba masyadong nahihirapan sa pagma-manage sa restaurant?”

Tanong ni Mrs. Kim habang nakahawak sa magkabilaang pisngi ni Veronica

VERONICA: “Thanks to Kenneth, dahil hindi ako masyadong nahihirapan sa pag-hawak sa restaurant. Nagiging mas madali ang lahat kasi andyan sya.”

Naka-ngiting sabi ni Veronica

MRS. KIM: “Buti naman.”

Sabi ni Mrs. Kim sabay bitaw sa mukha ng anak.

MRS. LEE: “Buti na lang dahil mas nagkakaroon sila ng oras na magkasama sa iisang lugar.”

Sabi ng mommy ni Kenneth.

MRS. KIM: “Oo nga, pero kumusta naman ang relasyon nyong dalawa?”

Sabi ni Mrs. Kim sabay tingin kay Kenneth.

KENNETH: “Mas seryoso na po ang relasyon namin ngayon kung ikukumpara dati.”

Labis naman ang kasiyahan ng kanilang mga magulang nang marinig ang sinabi ni Kenneth.

Nagkwentuhan pa ang dalawang pamilya habang nakasakay sa sasakyan.

Dumiretso muna sila sa bahay nina Veronica at nag-kwentuhan.

(Kim's House...)

Si Mrs. Shana, Mrs. Martha at Veronica ay nasa kusina at naghahanda ng makakain.

Habang si Mr. Ken, Mr. Victor at Kenneth naman ay nasa sala.

MR. LEE: “Napaka-lawak rin pala ng bahay nyo dito sa Seoul.”

Naka-ngiting sabi ni Mr. Lee habang tinitignan ang buong palagid ng bahay.

MR. KIM: “Ilang taon rin ako naghirap bago mabuo ang bahay na 'to. Bago ipanganak si Veronica ay pinilit ko talaga na maitayo ito.”

MR. LEE: “Ang ibig sabihin pala dito na lumaki at nagka-isip si Veronica. Pero paano naman kapag kinasal na sila ni Kenneth? Saan mo sila gustong tumira? kailangan ko ring malaman ang opinyon mo, dahil kung sanay si Veronica sa bahay na 'to ay mas maganda sigurong dito na sila tumira ni Kenneth, pero kung ayos lang naman sa inyo ay ibibigay ko na lang sakanila yung isa sa tatlong mansion namin dito sa Seoul at doon sila bubuo ng pamilya.”

Bigla namang sumingit sa usapan si Kenneth.

KENNETH: “Siguro dad mas magandang si Veronica ang tanungin nyo sa bagay na yan.”

Bigla namang tumango si Mr. Kim.

MR. KIM: “Tama si Kenneth, mas maganda kung opinyon ni Veronica ang marinig natin dahil kung sakin lang... Walang problema kahit saan sila tumira, basta kung saan sila komportable don ako.”

MR. LEE: “Oh sakto! Andito na si Veronica.”

Naka-ngiting sabi ni Mr. Lee habang nakatingin kay Veronica na may dala-dalang cake at juice para ilapag sa maliit na mesa na kaharap ng mga nagku-kwentuhan.

VERONICA: “Bakit ano po yon?”

Tanong ni Veronica sabay upo sa tabi ni Kenneth.

MR. KIM: “Gusto sana naming malaman kung saan nyo balak tumira ni Kenneth kapag ikinasal na kayo.”

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now