CHAPTER #14: BEST DAY EVER!

583 54 19
                                    


AUTHOR's POV:

Pagka-uwi ni Veronica ng bahay, naligo sya agad at nag-ayos ng sarili.

Nang umupo sya sakanyang kama hinawakan nya ang kanyang phone at tinignan kung may nag-message sakanya, at nakita nyang may message from Kevin.

[KEVIN's MESSAGE]

Hi Veronica, di kita matawagan. Please naman wag mo 'kong iwasan, ngayon lang ako naging ganito kaseryoso sa isang babae, kaya bigyan mo ko ng kahit konteng chance lang.”

---------------------------------

VERONICA's POV:

Nakakainis talaga ang lalaki na 'to, bakit ba pilit nyang ginugulo ang buhay ko?!
.
.
.
Pagkatapos kong mabasa ang message nya tinawagan ko sya agad.

[ON THE PHONE]

KEVIN:Wow nakakatuwa namang ikaw pa ang unang tumawag sakin.

Sabi ni Kevin na halatang-halata sa boses na tuwang-tuwa sya.

VERONICA: “Wag ka matuwa dyan... Tinawagan lang kita para sabihing ika-cancel ko na yung membership ko dun sa gym ng friend mo mamaya, sinabi ko 'to sayo para i-inform lang kita na ayaw ko nang magtagpo pa ang landas natin... Kahit kailan... At gusto kong wag mo na ring ituloy ang pagta-trabaho sa restaurant ko. Ayoko ng magkaroon pa tayo ng kahit anong ugnayan sa isa't-isa.
Kevin... Ito lang ang naiisip kong paraan para mapigilan ko ang sarili ko, kaya patawarin mo ko.”

Seryosong sabi ko kay Kevin.

Hindi ko alam kung bakit ako humingi ng tawad sakanya.

KEVIN:Mapigilan ang sarili mo saan??? Diba kung iiwasan mo ko, mas lalo mo lang ipinahalata na malaki nga ang naging epekto ko sayo? Ano ngayon kung engaged kana?! Veronica, I don't care... Mas mahalaga ang nararamdaman ko para sayo.
Please, wag mong iparamdam sakin na wala talaga kong pag-asa sayo kahit konte... Hayaan mo lang ako na lumapit sayo... Don't push me pakiusap.

Pakiusap ni Kevin.

Bigla na namang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis...

Bakit ba masyado akong naaapektuhan sa bawat salitang binibitawan nya?!
Nakakainis.

VERONICA: “Napaka-selfish mo Kevin! Sarili mo lang ang iniisip mo... 
Wala na rin namang mapapala kung makikiusap pa ko sayo, kaya ibababa ko na to.”

At pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag.

Unti-unti ko na ngang nakakalimutan si John na first love ko... Sya naman 'tong pumalit.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? 
Nagkakagusto na ba ko kay Kevin?!

Hindi ako mapakali...

Hindi mapakali ang puso ko...

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now