CHAPTER #50: SIGN OF FORGIVENESS?

93 14 0
                                    


AUTHOR's POV:

“See? Sabi ko na nga ba, siya 'yung Veronica na lumandi sa Kevin ko. Sa bibig niya na mismo nanggaling. Ang kapal ng mukha.”

Naka-cross arm na sabi ni Kate habang nakatingin kay Sharon, na kasalukuyan ngayong matatalim ang titig kay Veronica.

Hindi makapaniwala si Sharon na si Veronica ang babaeng hinahanap niya. Ang babaeng kinaiinisan niya ng sobra.

Dahil sa pagkabigla, ilang sandali pa s'yang natulala at natahimik bago ulit makapagsalita.

SHARON: “F-Fiancé mo si Kenneth, p-pero nagawa mong akitin ang kapatid niya?!”

Galit na saad ni Sharon habang nakataas ang isang kilay at nakikipagtitigan pa rin kay Veronica.

VERONICA: “Hindi ko inakit si Kevin. Hindi ako ganong klaseng babae.”

Pagtatanggol ni Veronica sa kanyang sarili. Ngumiti naman ng papilit si Sharon dahil sa sinabi niya. Isang ngiti na punong-puno ng galit at poot.

SHARON: “Liar. Now I understand kung bakit ayaw sabihin sa akin ni Kenneth at Tita Shana ang totoo... Dahil ikaw pala 'yon...”

VERONICA: “Balak ko naman talagang sabihin sa'yo ang totoo... ang kaso... ang kaso... n-nawawalan lang ako ng lakas ng loob. I'm sorry kung naglihim ako. I'm sorry kung si Kevin ang lalaking--”

SHARON: “Wag na wag mong babanggitin ang pangalan niya. Wala kang karapatan.”

Sharon clenched her fist. Napayuko naman si Veronica ng saglit at muling iniangat ang kanyang ulo pagkalipas ng ilang segundo.

Nag-smirk si Kate habang tinitignan ang dalawa.

Balak na sanang magsalita ulit ni Veronica nang bigla na lang hatakin ni Kate ang buhok niya nang pagkalakas-lakas. Dahil sa nangyari ay pinagtinginan sila ng mga taong nasa loob ng restaurant. Nag-umpisa na ring magbulungan ang mga ito.

KATE: “Dapat sa mga katulad niya, binibigyan ng leksyon para magtanda. Hindi na kailangan pang magpaligoy-ligoy.”

Dahil sa sakit na nararamdaman ni Veronica sa anit niya dahil sa pagkakahila sa kanyang buhok ay napahawak siya ng mariin sa palapulsuhan ni Kate na parang nagmamakaawa na itigil na ang pagsabunot sa kanya.

Nakangiti lang ang babaeng kasama ni Kate habang tinitignan ang nangyayari.

Si Sharon naman ay hindi maipaliwanag ang reaksyon, titig na titig lang siya sa ginagawang pagsabunot kay Veronica. Halata sa mukha n'yang wala s'yang balak na umawat. Mukhang mas gusto niya pa ngang madagdagan ang ginagawang pagpapahirap dito.

Hindi na matiis ni Veronica ang sakit na nararamdaman kaya naman kahit ayaw n'yang patulan ang babae ay hinila niya na rin ang buhok nito.

Wala na s'yang pakialam kahit maging kahiya-hiya pa siya sa iba.

Ngayon ay parehas na silang naghihilaan ng buhok.

Hila rito, hila roon.

Walang nagpapalamang sa dalawa.

Ngunit mas lalo pang nahirapan si Veronica nang sumali na rin sa away ang babaeng kasama ni Kate. Sinabunutan na rin siya nito, kaya naman ngayon ay dalawang tao na ang sumasabunot sa buhok niya.

Hinayaan lang ni Sharon ang ginagawang pagsabunot ng dalawang babae kay Veronica. Wala s'yang maramdamang awa dito dahil mas nangingibabaw ang galit niya.

HATOMI: “MGA WALANG HIYA! BAKIT NIYO PINAGTUTULUNGAN ANG KAIBIGAN KO?!”

Nang makalabas ng kitchen si Hatomi ay agad na bumungad sa kanya ang nangyayaring gulo malapit sa may glass door ng restaurant, at mas nadagdagan pa ang gulat niya nang makitang pinagtutulungan ng dalawang babae ang kaibigan niya. Dahil sa inis ay hindi na siya nagdalawang-isip pang lumapit sa mga nag-aaway at hilain rin ang buhok ng dalawang babaeng umaaway kay Veronica.

My One and Only True Love (ON-GOING)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα