CHAPTER #33: JEALOUSY

298 29 35
                                    


AUTHOR's POV:

(7:00 P.M.)

Hindi pa man nakakalabas ng taxi sina Veronica at Hatomi, tanaw na tanaw na nila mula sa malayo ang nag-aalalang sina Mrs. Martha at Kenneth na halatang kanina pa sila inaabangan sa harap ng Le Bristol Hotel.

"My god! Veronica, saan ba kayo nagpunta? Alam nyo bang kanina pa kami alalang-alala sainyo? Bakit hindi man lang kayo nag-paalam samin bago kayo umalis?"

Pambungad ni Mrs. Martha na halata ang sobrang pag-aalala sa anak.

VERONICA: "S-sorry mom..."

Nakatungong sabi ni Veronica sa ina dahil sa sobrang hiya.

HATOMI: "Pasensya na po tita kung pinag-alala namin kayo. Masyado lang po talaga kami na-excite ni Veronica kaya naisipan naming lumabas at mag ikot-ikot... Sa sobrang pagkalibang, nakalimutan na namin yung oras."

Pagpapaliwanag ni Hatomi na hindi gaanong makatingin ng maayos sa mata ni Mrs. Martha.

MRS. KIM: "Sa susunod wag nyo ng uulitin yon ha? Magpapaalam kayo para hindi kami nag-aalala."

Tumango naman si Veronica at Hatomi sabay palitan ng tingin.

KENNETH: "Buti na lang walang masamang nangyari sainyo."

Napatingin si Veronica sa mga mata ni Kenneth pagkatapos nitong mag-salita. Dahil sa hiya hindi na sya umimik at papilit na lang na ngumiti bilang tugon.

MRS. KIM: "Tsaka dapat isinama nyo man lang si Kenneth para hindi kami masyadong nag-alala. First time nyo lang dito sa Paris kaya paano kung nawala kayo? Haaayyy Veronica ano ba talagang pumasok dyan sa isip mo at--"

KENNETH: "Ayos lang yon tita, ang mahalaga safe silang nakabalik. Pasalamat na lang tayo at walang masamang nangyari."

Dahil sa mga sinabi ni Kenneth, mas gumaan ang pakiramdam ni Mrs. Martha.

MRS. KIM: "Haaayyy siguro mas maganda kung umakyat na lang tayo sa taas."

KENNETH: "Mas mabuti pa nga po, para makapagpahinga na rin sila."

.

.

.

Pag-akyat sa floor kung nasan ang kanilang mga kwarto...

"Uhm... mamaya nga pala magkakaroon tayo ng dinner sa baba, kaya sangayon mag-pahinga muna kayo. May dalawang oras pa naman na natitira. Susunduin ko na lang kayo dito mamaya."

Pagkatapos magsalita ni Kenneth, tatalikod na sana sya nang biglang magsalita si Veronica.

At dahil ayaw namang makinig ni Hatomi sa usapan... nauna na lang itong pumasok sa loob ng room at iniwan ang dalawa sa labas.

VERONICA: "May usapan tayo na ikaw ang sasama sakin para libutin ang Paris, pero hindi ako tumupad sa napag-usapan. I'm so sorry."

Hindi kayang tumingin ni Veronica sa mga mata ni Kenneth kaya nakayuko ito habang nagsasalita.

KENNETH: "Ayos lang yon, kasalanan ko rin naman dahil nakatulog ako kanina. Wag mo ng isipin yon okay? At tsaka meron pa namang bukas, kaya doon kana lang bumawi. Ayos lang ba?"

Pagkatapos magsalita ni Kenneth, napahawak sya sa balikat ni Veronica.

Walang ibang nagawa si Veronica kundi ang tumango kahit bukas na ang plano nilang pag-amin ni Kevin. Hindi nya kasi magawang tumanggi sa fiancé dahil ang lapad ng ngiti nito sa labi habang hinihintay ang sagot nya.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now