CHAPTER #36: BLUNDER

381 28 4
                                    


AUTHOR's POV:

“VERONICAAA!!!”

Kahit nakalabas na sina Veronica at Kenneth, hindi parin tumitigil sa kakasigaw si Kevin.

Sa sobrang lakas ng mga humahawak sakanya, wala syang ibang magawa kundi ang sumigaw na lang nang sumigaw.

MR. LEE: “Dalhin nyo na yan ngayon sa kwarto nya at bantayan nyong maigi. Siguraduhin nyong hindi sya makakalabas hangga't hindi pa tayo nakakabalik ng Korea.”

Utos ni Mr. Lee sa dalawa nyang tauhan na kasalukuyan ngayong hinahawakan sa magkabilaang braso si Kevin.

BOY1/BOY2: Yes sir.”

Pagkatapos sumagot ng dalawang lalaki, lalo pang nagpumiglas si Kevin para makawala.

KEVIN: Gusto kong puntahan ang walang hiyang Kenneth na yon! Pakawalan nyo ko!”

Pagwawala ni Kevin.

Subalit hindi sya pinakinggan ng mga utusan ng kanyang ama at lalo pang ginamitan ng pwersa para sapilitan syang madala sakanyang kwarto at maikulong ng pansamantala.

.

.

.

Pagkatapos ng nangyaring gulo sa loob ng silid ay tsaka lamang nakapag-usap ng masinsinan ang kanilang mga magulang.

At kasama sa usapang 'yon ang plano nilang gawin kay Kevin...

Desididong-desidido si Mr. Lee at Mr. Kim na hindi nila iuurong ang kasal kahit magpumilit pa si Veronica, dahil para sakanilang dalawa, lalong-lalo na kay Mr. Lee... si Kenneth lamang ang matinong lalaki na nababagay para kay Veronica at hindi ang bunso nyang anak.

* * *

“Ano bang meron kay Kevin na wala sakin? Sabihin mo nga, may pagkukulang ba ko?”

Unti-unti ng nakikita ni Veronica ang mga pagbabago sa galaw at pananalita ni Kenneth. At alam nyang sya ang pinakadahilan ng pagbabago na ito.

“Ganon ba talaga ko kahirap mahalin?”

Dagdag pa nito.

Sa bawat pagbigkas ni Kenneth ng isang salita ay humahakbang ito papalapit sakanya hanggang sa mapasandal na lang sya sa pader at hindi na makagalaw dahil sa ginawang pag-corner sakanya ni Kenneth.

VERONICA: "K-kenneth... A-ano bang klaseng mga tanong yan?"

Pagmamaang-maangan ni Veronica na kasalukuyan ngayong hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Kenneth dahil sa pagkailang. Sobrang lapit kasi ng mukha nila sa isa't-isa.

KENNETH: "Sagutin mo ang tanong ko."

Pamimilit nito.

VERONICA: "Minahal ko sya dahil sya si Kevin. 'Yon lang ang alam ko."

Diretsong sagot ni Veronica nang mapatingin ng seryoso sa mga mata ni Kenneth.

Napayuko naman si Kenneth pagkatapos marinig ang sinabi ni Veronica. Halatang nasaktan talaga sya sa sagot nito.

KENNETH: "Bakit sya pa? Bakit ang kapatid ko pa? Bakit hindi na lang ako?! Mas matagal na tayong magkakilala. Ako ang mas nauna mong nakilala! Pero bakit ganon?! Bakit sya parin?!"

Sunod-sunod na tanong ni Kenneth na lalo namang nagpabigat sa nararamdaman ni Veronica.

VERONICA: “Sorry, I'm so sorry. Alam kong kulang ang paghingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko sayo. Pinaasa kita ng ilang taon at pinaghintay sa wala. Kung tutuusin walang kapatawaran ang lahat ng yon.”

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now