CHAPTER #48: ACCEPTING THE TRUTH

109 17 3
                                    


VERONICA's POV:

Excited na sana kaming dalawa ni Kevin na makalapit sa bilihan ng tteokbokki ng bigla ko na lang marinig ang boses ni John. Aish! Bakit naman kasi sa dinamirami ng lugar na pwede niyang puntahan, dito pa siya sumulpot. Paano na 'to.

"Long time no see, John."

Nakangiting bati ni Kevin pagkatapos tanggalin yung sunglasses na suot niya. Hindi ko alam kung genuine yung pagbati at pag-smile niya o gusto niya lang talagang inisin si John.

JOHN: "S-sabihin mo nga, bakit mo kasama ang lalaki na 'to?"

Tanong ni John ng mapatingin ulit sa'kin. Wala na kaming dalawa pero kung makapagtanong siya parang may relasyon pa rin kami.

Bago sagutin ang tanong niya, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Kevin. Napansin ko namang bigla siyang napatitig sa kamay naming dalawa.

VERONICA: "Satingin ko... Wala ka na don John."

Maglalakad na sana kami ni Kevin papalayo sakanya ng bigla na naman ulit siyang magsalita.

JOHN: "Siguro nga tapos na tayong dalawa, pero ako pa rin ang naging first love mo. At bukod pa don, kapatid ako ng bestfriend mo, yung bestfriend mong sobra-sobra ang pagmamahal sa lalaki na yan."

Bumitaw ako sa kamay ni Kevin nang marinig ko ang sinabi ni John. Lagi akong nakakaramdam ng matinding konsensya sa tuwing naaalala ko si Zandra, at kung gaano katindi ang pagmamahal niya para kay Kevin. Pakiramdam ko, ako na ata ang pinakamasamang kaibigan sa lahat.

VERONICA: "K-kumusta na nga pala si... Zandra?"

Ang tanging lumabas sa bibig ko.

JOHN: "She's not okay. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siya dahil sa walang hiyang Kevin na yan."

Yumuko ako at pumikit ng saglit pagkatapos marinig ang sagot ni John. Napakawalang-kwenta ko para makaramdam ng saya habang may ibang taong nagdurusa ng dahil sa pagiging masarili ko. I'm sorry Zandra, I'm really really sorry.

Napansin kong bigla na lang nag-smirk si Kevin pagkatapos magsalita ni John.

KEVIN: "Hindi ko na kasalanan kung masyadong nagpapakabaliw sa'kin yang kapatid mo. At tsaka, wala kaming oras para makinig sa mga drama mo kaya makakaalis na kami."

Balak na sana akong hawakan ni Kevin para makapaglakad na ulit kami, nang bigla na lang siyang lapitan ni John at suntukin ng sobrang lakas sa kaliwang pisngi. Agad kong inalalayan si Kevin at mabilis na itinulak palayo si John gamit ang isa kong kamay.

Napahawak si Kevin sa panga niya pagkatapos ng nangyari, mukhang nasaktan talaga siya ng sobra. Hindi na rin siya nakaganti dahil bukod sa hawak ko nang mahigpit ang kaliwang braso niya, itinulak ko rin si John papalayo sa amin.

VERONICA: "Bakit ba bigla ka na lang nananakit?!"

Pasigaw na tanong ko kahit pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.

JOHN: "Hindi pa ba halata kung gaano kagago yang pinagtatanggol mo sa'kin ngayon Veronica?!"

Agad ko siyang inerapan pagkatapos niyang magsalita. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Hanggang ngayon hilig niya pa rin ang manakit ng ibang tao, kahit sa pinakamababang dahilan lang. Simula pagtuntong namin ng high school, hindi na ata mabilang ang mga lalaking nabugbog niya ng dahil sakin. Nang dahil sa personal niyang nararamdaman, wala siyang pakialam kahit makasakit pa siya ng iba.

KEVIN: "Nakakaawa ka John, sa totoo lang."

Saad ni Kevin na hanggang ngayon ay hinahawakan pa rin ang parte ng mukha n'yang nasaktan.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now