CHAPTER #27: CRAZY LOVE

328 21 15
                                    


VERONICA's POV:

(11:30PM)

Kasalukuyan na kami ngayong nasa kwarto ni Hatomi.

Di ko alam kung natutulog na sya kasi nakatagilid at nakatalikod sya sakin.

Ilang araw na ata akong ganito, hindi makatulog ng maayos at laging puyat. Minsan kakailanganin ko pang uminom ng sleeping pills para lang pilitin ang sarili kong makatulog.

Tapos ngayon mas nadagdagan pa yung mga iniisip ko dahil sa ginawa ni Zandra kanina.

HATOMI: “Tulog kana ba?”

Mahinang tanong ni Hatomi habang nakatalikod parin sakin.

Gising pa pala sya... akala ko tulog na.

VERONICA: “Hindi pa.”

Mahina at matipid kong sagot.

Humarap naman sya sakin pagkatapos kong magsalita.

HATOMI: “Nung nagda-drive ka kanina habang pauwi tayo, napakatahimik mo. Hanggang pagdating natin dito sa bahay wala ka pa ring imik. Bakit kasi di mo ko hinayaang maka-ganti sa demonyitang babae na yon?! Aissshhh! Ang kapal talaga ng mukha nyang manampal.”

Nang-gigigil na sabi ni Hatomi.

Ngumiti naman ako ng papilit.

“Ano? Masakit ba yung sampal?”

Seryoso nyang tanong.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong nya.

VERONICA: “Hindi yung mismong sampal ang masakit kundi yung mga sinabi nya. Ang sakit-sakit marinig mula sakanya na mas mahalaga pa yung lalaking walang pakialam sa nararamdaman nya kesa sakin na ilan taon na nyang kaibigan.”

Sa totoo lang ayoko nang mag-kwento dahil baka maiyak na naman ako, pero mas maganda na rin siguro ang ganito para mailabas ko tong hinanakit sa dibdib ko.

HATOMI: “Grabe rin naman ang pagka-martir ng ex-bestfriend mong yon. Sa totoo lang hindi ko alam na may mga ganon pa lang tao in real life, na kayang magpaka-baliw ng sobra-sobra sa pag-ibig kahit alam naman nilang yung taong kinababaliwan nila, walang pakialam.”

Simula noon, alam kong kakaiba na mag-mahal si Zandra, kaya nga naisip ko dati na swerte ang lalaking pipiliin nya kasi panigurado akong ibibigay nya talaga ang lahat. Pero di ko inasahan na hindi na pala sya magtitira para sa sarili nya.

Sobra-sobra ang pagmamahal kay Kevin to the point na hindi na sya nag-tira para sa sarili nya. At yon ang pinaka-masakit para sakin, hindi ko sya kayang makita na nagpapakabaliw sa isang taong hindi naman sya binibigyan ng halaga.

AUTHOR's POV:

(11:50PM - Hotel)

Pagpasok sa loob ng room...

Dali-daling itinulak ni Kate si Kevin pahiga sa kama at dahil sa kalasingan ay wala ng ibang nagawa si Kevin.

KATE: “Wait lang babe, magtatanggal lang ako ng heels.”

Naaatat na sabi ni Kate habang madaling-madali sa pagtanggal ng sandals sa paa.

Pero bago pa man sya maka-akyat sa kama ay tulog na tulog na pala si Kevin.

“b-babe... BABE!”

Paglapit ni Kate kay Kevin ay tinulak-tulak nya ito para gisingin pero wala na syang nagawa dahil nasa kalagitnaan na talaga ng mahimbing na tulog si Kevin.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now