CHAPTER #47: DISGUISE

158 23 5
                                    


AUTHOR's POV:

"Pansin kong ang laki ng pinagbago ni Kevin, at aaminin kong mas nakakainis pa siya ngayon."

Naka-crossed arm at nakasimangot na sabi ni Sharon habang nagkwe-kwento sa pinsan niyang si Alexa. Kasalukuyan silang nasa living room ngayon at nakaupo ng komportable sa malaking couch.

May mansion, villa, condo, apartment, at mangilan-ngilang hotels na ipinatayo ang parents ni Sharon sa buong bansa pero mas pinili niyang mag-stay sa napakalaking bahay ng kanyang Lola kasama ang pinsan at tita niya. Malapit kasi ang lokasyon nito sa mansion ng pamilya Lee. At kung sa bahay ng kanyang Lola siya mananatili ay mas mapapadali ang pagbisita niya sa bahay nila Kevin, na inaasahan niyang di magtatagal ay magiging fiancé niya na rin.

ALEXA: "Baka naman, wala na talagang feelings para sayo yang ex mo?"

Saad ni Alexa. Agad namang nagsalubong ang mga kilay ni Sharon at seryosong napatingin sa pinsan niya.

SHARON: "That's impossible. Kilala ko si Kevin, sometimes he's really annoying talaga pero alam kong ginagawa niya lang yon para i-test ang pasensya ko. Yes, I know na may babae siya ngayong nagugustuhan, pero nakakasigurado akong until now, may natitira pa rin syang feelings para sakin. I can feel it."

Pagkatapos magsalita, komportable siyang sumandal sa couch at ngumiti na parang may iniisip na masayang bagay.

ALEXA: "Paano mo naman nasabi? Sayo pa nga mismo nanggaling na malaki na ang pinagbago niya, diba?"

Napa-cross ng legs si Sharon habang tumatango sa kanyang pinsan bago sagutin ang tanong nito.

SHARON: "Yes. Kevin changed, pero hindi naman ganon kalaki. Siya pa rin naman yung dating Kevin na childish at sakit sa ulo. Nararamdaman ko ring malakas pa rin ang epekto ko sakanya."

Wika ni Sharon na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Umupo naman ng tuwid ang kanyang pinsan at nag-cross din ng legs.

ALEXA: "Edi maganda! Kasi kung ganon nga, may pag-asa ka pa sakanya. By the way, kumusta naman si Kenneth? Nakita mo na ba yung fiancée niya? Maganda ba?"

Sunod-sunod na tanong ni Alexa.

SHARON: "She's pretty, but of course mas maganda pa rin ako 'no."

Confident na sagot ni Sharon sabay tawa.

"And si Kenneth naman... Kung may sobra mang nagbago sakanilang magkapatid, I think siya 'yon at hindi si Kevin."

Dagdag pa niya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Alexa pagkatapos marinig ang sinabi ng kanyang pinsan.

ALEXA: "Paano mo naman nasabi?"

Tanong ni Alexa na mukhang nacurious.

SHARON: "Because... Wait, bakit parang interested ka ata sa life ni Kenneth? Wag mong sabihing... hanggang ngayon crush mo pa rin siya?"

Agad na umiling si Alexa sa tanong ng pinsan niya.

ALEXA: "Ano ka ba, matagal na 'yon. Naka-move on na ko ngayon."

Depensa nito. Napansin naman ni Sharon na hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata niya na parang nagsisinungaling.

SHARON: "Oh, really?"

Nakangiting saad ni Sharon.

ALEXA: "Of course!"

SHARON: "Liar!"

Napatingin si Alexa kay Sharon dahil bigla na lang itong sumigaw. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

ALEXA: "I already moved on."

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now