CHAPTER #40: NIGHTMARE

292 27 21
                                    


VERONICA's POV:

Pagdating namin sa ospital, halos mangatog ang buo kong katawan habang papalapit sa kinaroroonan nila Kenneth.

Nakaupo sila sa waiting area na kaharap ng Operating Room at tahimik na naghihintay na lumabas ang doctor para malaman ang lagay ni Kevin.

Iyak nang iyak si Tita Shana habang yakap-yakap ng asawa nya. Si Kenneth naman ay nakayuko at taimtim na nagdadasal. Kahit nasa malayo ako, ramdam ko ang sobra-sobra nyang pag-aalala sa kapatid nya.

Kahit nakalapit na sina Mom sa kinaroroonan nila, hindi ko magawang lumapit. Nahihiya ako.

Walang ibang pwedeng sisihin dito kundi ako lang. Kung hindi sana ako nakipagkita kanina kay Kevin, hindi sana sya maaaksidente. Hindi sana 'to mangyayari lahat. This is all my fault!

Hindi ko alam kung may mukha pa 'kong maihaharap kina Tita Shana...

“Veronica, anong tinatayo mo dyan? Bakit hindi ka lumapit dito?”

Nagising ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang boses ni Tita Shana.

Biglang napatayo si Kenneth nang makita akong nakatayo di-kalayuan sa kinauupuan nila.

Mukhang hindi nya inaasahang isasama ako nila Dad dito sa ospital.

Dahan-dahan akong naglakad sa kinaroroonan nila kahit kabadong-kabado ako.

KENNETH: “Veronica, mabuti sumama ka.”

Kahit alalang-alala sya kay Kevin, nagawa nya pa ring ngumiti sa harap ko.

Isang linggo rin kaming hindi nagkita... Pero hanggang ngayon ginugulo pa rin ng pangyayaring 'yon ang isip ko. Yung kamuntik-muntikan nang mangyari sa'ming dalawa sa Paris.

Naiilang man akong tumingin sa mga mata nya, pinilit ko pa ring ngumiti para gantihan ang ngiti nya.

MRS. LEE: “Nabalitaan kong nagkasakit ka daw, ayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?”

Tanong sakin ni Tita Shana habang pinupunasan ang luha nya gamit ang hawak na puting panyo.

VERONICA: “Magaling na po ako Tita.”

Sagot ko sabay upo sa bakanteng upuan. Tinabihan naman agad ako ni Kenneth na hanggang ngayon ay malagkit pa rin ang mga tingin sakin. Nakakailang.

KENNETH: “Dahil sa dami ng ginagawa sa company hindi ko tuloy nagawang makabisita sa bahay ninyo. I'm sorry, hindi ko alam na nagkasakit ka pala.”

Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nya kasabay nang paghawak nya sa kamay ko.

VERONICA: “Hindi mo kailangang mag-sorry. Pinili ko rin namang hindi ka tawagan o i-message.”

Gusto ko sanang umiwas sa kamay nya pero nakatingin ang mga parents namin kaya hinayaan ko na lang. Ayoko namang ipahalata sakanilang naiilang ako kay Kenneth.

KENNETH: “Salamat naman at ayos ka na ngayon.”

Hawak-hawak nya pa rin ang kamay ko na para bang ayaw nya nang bitawan. Sobrang lamig ng kamay nya, halatang kinakabahan talaga sya sa pwedeng mangyari kay Kevin habang nasa gitna ng operasyon.

Ganon rin ako, nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa takot.

Naghahalo ang lamig ng kamay naming dalawa.

VERONICA: “K-kenneth... Patawad.”

Naramdaman ko na lang na may pumapatak na pa lang luha sa pisngi ko.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now