CHAPTER #21: MEET MY GRANDMA

332 30 22
                                    


VERONICA's POV:

Pagkatapos kong magpalit ng damit na pantulog, umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko.

Tatawagan ko si Lola pero sana lang talaga sagutin nya.

Siguro naman di pa sya tulog sa mga oras na 'to.

*ring*

Pagkatapos ng halos isang minuto finally sinagot rin.

[ON THE PHONE]

VERONICA: "L-Lola?"

Halata sa boses kong medyo kinakabahan ako.

GRANDMA: "Oh Veronica... Buti naman at naalala mo pa ang lola mo."

VERONICA: "Sorry lola, iniisip ko kasing hanggang ngayon galit parin kayo sakin."

GRANDMA: "At sino namang nagsabing may galit ako sayo?"

Bigla akong napaisip sa tanong ni Lola.

"Doon lang ako sa daddy mo may galit."

Huh? Totoo ba yon?

VERONICA: "Eh bakit po hindi nyo 'ko kino-contact?"

GRANDMA: "Ikaw kasi ang hinihintay ko. Tinitignan ko kung naaalala mo pa ang lola mo, simula ng ma-engaged ka hindi kana nag-paramdam sakin."

Napayuko ako at napahawak sa noo ko.

Nakaramdam ako ng awa sa mahal kong lola.

Akala ko malaki ang galit nya sakin, yon pala hinihintay nya lang ang tawag ko.

VERONICA: "I'm sorry lola, akala ko kasi dahil galit kayo kay Dad, may galit na rin kayo sakin... I'm sorry kung hindi ako nagparamdam sainyo. I'm sorry talaga."

GRANDMA: "Bakit naman ako magagalit sa pinakamamahal kong apo? Ikaw talagang bata ka kung anu-anong iniisip mo."

Napangiti ako ng halos abot tenga nang marinig ang sinabi ni Lola.

VERONICA: "Thank you po Lola! Miss na miss ko na po talaga kayo. Sa katunayan nga nyan, gustong-gusto ko po kayong bisitahin dyan pagkauwi na pagkauwi ko dito sa Korea ang kaso kinain ako ng takot, akala ko kasi ipagtatabuyan nyo lang ako kapag nagpakita ako sainyo."

GRANDMA: "Di mo man lang iniisip na tumatanda na ang lola mo at nanghihina na. Hindi mo man lang ako nagawang kumustahin kung buhay pa ba ko."

VERONICA: "I'm sorry talaga lola, don't worry dahil babawi ako sayo... Bukas na bukas pupunta ako dyan."

GRANDMA: "Talaga apo?!"

Halatang sumigla ang boses nya.

VERONICA: "Pero la... g-gusto ko po sanang isama yung fiancé ko dyan... o-okay lang po ba?"

GRANDMA: "Oh sya sige, isama mo sya dito para makilala at makilatis ko na rin, gustong-gusto ko malaman kung bagay nga ba talaga ang lalaki na yan sayo o hindi."

Haaayyyy! Buti na lang pumayag sya.

Kala ko bababaan lang ako ng tawag eh.

VERONICA: "Thanks la."

GRANDMA: "Oh sige matulog kana apo, inaantok na rin ako. Wag magpuyat dahil masama yan sa kalusugan."

VERONICA: "Sige po goodnight."

[CALL ENDED]

Hindi nya naman siguro pahihirapan si Kenneth diba?

Haaayyyy~ makatulog na nga lang.

My One and Only True Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon