CHAPTER #37: HEARTACHE

315 21 10
                                    


VERONICA's POV:

“Bakit... bakit ko yon nagawa? bakit ako pumayag? ano bang pumasok sa isip ko at... at... AISHHH!”

Kung hindi ako naging maagap kanina baka kung ano ng nangyari. Aish muntik na yon.

Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa pintuan habang kinakausap ang sarili na parang baliw dahil hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina.

HATOMI: "Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?"

Agad akong napatingin sa mga mata ni Hatomi na halata ang sobrang pag-aalala sakin.

Tumango lang ako sakanya at bumalik ulit sa ginagawa kong pag-untog sa sarili ko.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa lapag malapit sa nakasaradong pintuan at iniisip ang mga kahibangang ginawa ko kanina.

Kahit ako mismo hindi makapaniwala sa mga nangyari.

Wah! Nawala na sa isip ko si Kevin.

Bigla akong napatayo pagkatapos maalala si Kevin. Kanina ko pa pala sya gustong puntahan ang kaso pinipigilan lang ako ni Kenneth.

VERONICA: "Si Kevin?! Kumusta sya? May ginawa ba sakanya si Mr. Lee?! Sumagot ka Hatomi!"

Sunod-sunod at natataranta kong tanong kay Hatomi na halos tulala na lang dahil sa mga ikinikilos ko.

Kanina nya pa siguro napapansing may weird sa mga ikinikilos ko simula pa nang makapasok ako dito sa loob ng room namin.

HATOMI: "Ang totoo kasi nyan..."

VERONICA: "Bakit? m-may nangyari ba sakanya?!"

Lalo akong kinabahan nang mapansing hindi mapakali ang mga mata nya.

HATOMI: "Sapilitang isinama si Kevin ng Daddy at Mommy nya pabalik ng Korea."

VERONICA: "ANO?!"

Napalakas ang boses ko dahil sa gulat.

Sobrang bilis naman kasi ng mga pangyayari. Parang kanina lang magkasama pa kaming umaamin sa harap ng mga parents namin...

HATOMI: "Baka daw kasi mas lalo lang lumala ang sitwasyon kung magsasabay-sabay tayong lahat na bumalik. At tsaka gusto rin nila na makapag-usap pa kayo ni Kenneth ng masinsinan."

Napayuko ako pagkatapos magsalita ni Hatomi.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pinipigilan ako ni Kenneth lumabas kanina ng kwarto.

VERONICA: "Lahat talaga gagawin nila para lang mapaghiwalay kaming dalawa ni Kevin."

HATOMI: "Kasalanan ko tong lahat... Maling paraan yung naisip kong paglapitin pa kayo ni Kevin. Hindi na sana lumala kung nanahimik na lang ako, I'm sorry Veronica."

Lumapit ako kay Hatomi at hinawakan sya sa kaliwang balikat.

VERONICA: "Wala kang kasalanan Hatomi. Desisyon rin namin yon ni Kevin... Wag kang mag-alala dahil pagbalik natin, aayusin ko ang lahat."

Sa totoo lang, pinipilit kong maging kalmado sa sitwasyon na to kahit parang gustong-gusto nang bumagsak ng katawan ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

My One and Only True Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon