CHAPTER #34: REVELATION (1)

276 26 20
                                    


KENNETH's POV:

Parang kanina lang hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya habang hinahalikan ang labi ni Veronica... at sa isang iglap bigla na lang yon naglaho dahil sa pag-eksena ni Kevin.

Kahit natutulog si Veronica, 'yon parin ang first kiss ko sakanya pero sinira lang ng magaling kong kapatid. Nakakainis talaga.

Kinaya ko pang palagpasin yung unang suntok nya sakin, pero yung pangalawa, hindi ko na natiis kaya ginantihan ko na sya. Sa totoo lang kahit gaano pa kalaki ang galit ko sakanya pinipilit kong pigilan ang sarili ko na hindi sya masaktan dahil hindi naman ganon ang ugali ko simula pa noon.

Pero simula nung umeksena sya sa buhay ng babaeng mahal ko, parang naging ibang tao na ko. Simula nung malaman ko na may namagitan sakanilang dalawa, parang unti-unti ng nagbago ang ugali ko, hindi nga lang siguro yon napapansin ng iba dahil lagi akong nakangiti... Ang hindi nila alam sa likod ng mga ngiti na yon ay may galit at selos na pala kong kinikimkim.

At ang nakakainis, sa dinamirami naman ng pwedeng magkagusto sa fiancée ko, sya pa... sya pa na mismong kapatid at kadugo ko.

Bakit kailangang mangyari 'to sakin?

Simple lang naman ang hiling ko... yon ay ang mahalin rin ako ni Veronica, wala na kong iba pang gustong hilingin bukod don. Sya lang... sya lang ang gusto kong makuha... Pero bakit parang ang hirap hirap abutin nung gusto ko? At bakit kailangang pati si Kevin dumagdag pa sa pagpapahirap sakin?

Hindi ko gustong kalabanin ang kapatid ko, pero kung pilit nya talagang isisiksik ang sarili nya kay Veronica, mapipilitan ako na gawin ang bagay na yon. Wala akong pakialam kahit tumindi pa ang away naming dalawa... kung yon talaga ang gusto nya, pagbibigyan ko sya. Hinding-hindi ko sya aatrasan.

Agawin nya na lahat ng bagay na meron ako, wag lang ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng puso ko.

. . .

Pagkatapos ko syang gantihan ng sobrang lakas na suntok sa kanang pisngi, tatalikod na sana ako sakanya para lumabas ng kwarto nang bigla syang magsalita.

"Kung inaakala mong pagmamay-ari mo si Veronica, nagkakamali ka Kenneth. Maling-mali ka don. Dahil ang totoo nyan... nagkabalikan na kami. At bukas na naming plano umamin sa lahat."

Hindi ako nakagalaw pagkatapos marinig ang sinabi nya. Kahit ang humarap sakanya at makapagsalita hindi ko magawa.

"A-anong sinabi mo?"

Ang tangi kong nasambit pagkatapos humarap sakanya habang nanginginig ang buong katawan ko sa galit.

Nagkakamali lang ako ng dinig. Oo tama, ganon lang yon.

H-hindi to pwedeng gawin sakin ni Veronica.

KEVIN: "Teka nabingi kana ba? o nagbibingi-bingihan lang? Ang sabi ko nagkabalikan na kami. Sa katunayan nga nyan, kanina lang. Sobrang perfect na nga sana ng araw na to kung hindi lang sana kita nakitang ninanakawan sya ng halik. Sinira mo yung saya ko ngayong araw, masyado ka talagang panira."

Kaligayahan nya talaga ang inisin ako ng sobra.

Yung ngiti nya sa mga oras na to napaka-lapad na parang nagdidiwang talaga sya sa sobrang saya.

KENNETH: "Tumigil ka sa mga kalokohan mo Kevin, mahirap na baka may makarinig sayo."

Pagkatapos kong magsalita, ngumiti na naman sya. Ngiti ng nang-iinis.

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now