CHAPTER #23: HIDDEN LOVE

319 30 15
                                    


HATOMI's POV:

Ngayon papunta na kami sa mansion ng pamilya Lee, si Tita Martha at Tito Victor yung nasa unahan ng kotse tapos kami naman ni Veronica ang nasa likod.

Medyo tahimik dahil kanina pa walang imik si Veronica.

Naka-simangot lang sya na parang ang lalim lalim ng iniisip.

Nakakaboring tuloy.

"Psst!"

Kinalabit ko si Veronica habang namiminta kaya naman bigla syang napaharap sakin.

VERONICA: "Bakit?"

Matamlay nyang tanong.

Lumapit naman ako para bulungan sya.

HATOMI: "Kanina ko pa napapansin na ang lalim ng iniisip mo."

Hininaan ko lang para hindi marinig ng parents nya.

VERONICA: "Wala lang 'to."

Sabi nya pagkatapos ngumiti ng fake sakin.

HATOMI: "Talaga? Eh ba't feeling ko kinakabahan ka?"

Bulong ko ulit sakanya.

VERONICA: "Hindi ah, okay lang talaga ko promise."

Sabi nya sabay ngiti ulit ng papilit.

Napatingin sya ulit sa labas ng kotse at tumalikod sakin.

MRS. KIM: "Ano namang pinagbubulungan nyong dalawa?"

Tanong ni Tita Martha paglingon samin.

HATOMI: "Ah... Wala lang po 'yon tita."

Nakangiti kong sagot sakanya.

MRS. KIM: "Okay" *ngiti*

HATOMI: "Uhmm... Tita, sobrang laki po ba ng mansion nila?"

Dahil di naman namamansin si Veronica, si Tita na lang ang dadaldalin ko.

MRS. KIM: "Hindi lang malaki, kundi sobrang laki. Pwede na ngang maging palasyo eh."

Woah!

Pero di na kataka-taka yon dahil sa pagkakaalam ko, pangatlo ang pamilya nila sa pinakamayaman dito sa South Korea.

HATOMI: "Lalo tuloy akong na-excite makita ang mansion nila."

Medyo nai-excite kong sabi kay tita.

MRS. KIM: "Mabuti naman at napapansin kong nag-eenjoy ka dito."

Nakangiting sabi ni Tita.

HATOMI: "Namiss ko po kasi talaga ang Korea, at tsaka andito kasi ang bestfriend ko kaya mas masaya."

MRS. KIM: "Mukhang kapatid na nga talaga ang turing mo kay Veronica. Nakakatuwa naman."

Napangiti ako sa sinabi ni tita.

Oo, tinuturing ko na ngang kapatid si Veronica.

Dahil sya lang naman ang kaisa-isang kaibigan na nagpahalaga sakin.

HATOMI: "Simula pa lang po nung una naming pagkikita alam kong special na si Veronica, kaya napaka-swerte ko para makilala sya at maging kaibigan."

Bigla namang bumalik ang tingin sakin ni Veronica at napa-ngiti.

MRS. KIM: "Wow, napaka-sweet mo namang kaibigan, bigla ko tuloy naalala yung isa pang kaibigan ni Veronica, si Zandra... Simula pagkabata lagi na silang magkasama, at halos magkapatid na rin ang turingan."

My One and Only True Love (ON-GOING)Where stories live. Discover now