The One With Bataan (part 2)

Start from the beginning
                                    

At nang bitawan ko iyun, siya naman ang humawak. Nahihiya ako sa aking katigasan. Pero nawala ang hiya ko, kasabay nang pagkawala ko sa aking sarili nang bumalik sa pagkilos ang kanyang dila. Sinundan ito nang mga halik. Hanggang sa kahit wala na ang kanyang kamay ay nararamdaman ko pa ring may bumabalot sa akin. Sa mga sandaling madidilat ako ay nakikita ko si Gabriel na nakatitig sa akin, pinapanood ang aking kabaliwan habang nagtataas-baba ang kanyang ulo sa aking harapan.

Ilang sandal pa, naramdaman ko na.

"Gab," sabi ko. "Malapit na ako."

Hindi tumigil si Gab. Hindi rin siya bumilis. Itinuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Hanggang sa hindi ko na mapigil ang aking sarili.

"Ahhhhhhhhhhh"

Hindi pa rin tumigil si Gabriel kahit naramdaman kong may makalima o anim na beses akong napaigtad. At nang natapos na. Bumagsak sa sofa ang aking katawan. Hingal pa rin ako. At nang dumilat ako. Tumayo si Gabriel hindi nagsasalita, pumunta sa CR.

Bumalik si Gabriel. Tanging ang pants lang niya ang suot. Ang kanyang tiyan na kanina ay flat lang, may mga bumabakat ng abs. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang napakagwapong lalaking ito, hindi ako makapaniwalang kanina lang, minamahal niya ako.

Nakahiga pa rin ako sa sofa. Lumuhod siya malapit sa akin, sa may ulunan. Muli niya akong hinalikan. Napapikit ako sa halik niyang iyun. Sa unang pagkakataon, nalasahan ko ang sarili ko sa kanya. At gusto ko iyun.

Bumitiw siya nang halik.

"For starters," sabi niya. "That's what boyfriends do."

Ngumiti lang ako. Oo nga. Ang lalaking ito. Ang napakagwapong lalaking ito. Siya ang aking boyfriend.

"I love you, Gabriel."

Humalik muli siya.

"I love you, too."

Matagal kaming nakahiga. Dinadama ang init nang isa't-isa. Hanggang sa mangalay na kami. Ganito pala yun. Hindi pwedeng umaga agad, tapos nakatapis kami pareho. Yung parang sa pelikula. Iba pala. May dead air din pala after ng ganap.

"I'll just take a shower," paalam ni Gabriel.

Tumayo si Gabreil at naglakad. Kasabay nun, ang lakas ng loob kong maging hubad sa harap ni Gabriel ay nawala na. Kinuha ko ang throw at ipinatong sa aking harapan. Naiwan akong nakahiga sa sofa. Nagpapahinga. Ninanamnam ang bagong karanasan. Mula sa aming mga halikan, patungo sa pagbaba niya sa akin, hanggang sa maramdaman ko ang langit sa piling ni Gabriel.

Narinig kong lumagaslas ang tubig sa banyo. Nagsimula nang maligo si Gabriel. Bumangon akong hawak pa rin ang unan. Humarap ako sa TV at nakita ko ang aking repleksyon. Lumalaki na ang katawan ko, hindi napambata, pero hindi pa rin pangmatanda. Malayo pa sa katawan ni Gabriel. Sa totoo, hindi ko gusto ang katawan ko, malayo sa mga artistang nakikita ko sa TV, walang laban sa mga nakahubad na lalaki sa mga magasin. Pero nagawa ni Gabriel na halikan ang bawat kong bahagi.

TInanggal ko ang unan na tumatakip sa akin. Tiningnan ko ang aking kabuuan. Mahal ni Gabriel ang bawat kong bahagi. Napangiti ako.

Nawala ang ingay ng shower. Marahil, tapos na si Gabriel. Agad akong pumunta sa banyo. Hinawakan ang knob. Bukas. Pumasok ako. Nagulat si Gabriel, napatingin sa akin habang ibinabalot sa kanyang bewang ang twalya. Napahinto siya sa aking kahubdan.

"You wanna take a shower?" sabi niya matapos ang sandaling katahimikan.

Umiling ako. Nakangiti. Kinakabisado ko ang bawat kapintugan ng katawan ni Gabriel. Napangiti na rin siya. Alam na niya ang aking iniisip. Alam kong alam niya dahil gumalaw ang twalya kahit wala siyang ginagawa. Lumalaki ang bukol sa kanyang harapan.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now