WAKAS

5K 154 52
                                    

"Handa kana ba?" tanong nya habang inaayos ang coat nya.

Tumango ako at ngumiti. Inayos ko ang suot kong hikaw bago tumayo.

Napataas angbisang daku ng kilay nya habang pinagmamasdan ako. "you look too elegant Mine, house warming lang ang pupuntahan natin"

Napangiti ako at tumalikod. Sinilip ko ang sarili ko sa salamin. Im wearing a nude pink floral printed dress, nakalugay at may headband ang bagong gupit kong buhok na hanggang leeg. May suot akong simpleng necklace at earings.

Napangiti ako at nagkibit balikat. "this is how i dress every day Mine"

Napakunot ang noo nya bago sya yumuko at hinablot nya ang sequin sqaure bag kong kulay rosegold at inabot sa akin.

Sabay kaming bumaba ng hagdan.

"Rafa let's go" tawag nya sa anak nyang nakatitig na naman sa mga alagang isda nito.

Tumayo si Rafa at lumapit sa akin.

Naunang pumasok sa loob ng kotse si Sheryl at Rafa sa second seat bago ako sumunod sa harapan.

Napasilip ako sa salamin para tingnan kung nakasunod ba ang mga bodyguards nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at napangiti sya. "kabado kana naman?"

Napatitig ako sa kanya at umirap.

Malapit na ang eleksyon para sa huling termino nya. May tatakbong kakalaban sa kanya na galing ibang bansa, anak rin ng dating Mayor na pinalitan ng Dad nya noon.

"relax Mine, hindi ganun kasama si Elias" tinukoy nya ang makakalaban nya.

"hindi natin alam" sabi ko at binalik sa daanan ang mga mata ko.

"crush ka non Mine" napailing sya. "natulala yun sayo nong birthday ni tito Archie"

"stop it Josh, nonsense" saway ko.

Napatawa sya. "sinong bang hindi mahuhumaling sayo?" napalingon sya sa akin.

Joselle:
San na kayo?

Ako:
Papunta na kami... Cant wait to see your art craft

Sya ang nagdecorate ng buong bahay nya kaya excited akong makita ito.

Sinilip ko ulit ang nakasunod sa amin.

Napailing si Josh. May pinindot sya sa phone nya para matawagan si Kuya Martin. Ang head of security nya, na dati ring nagtrabaho kay Dad.

(boss) bungad nya.

"si Abby hindi mapalagay" nakangiti nyang sabi.

Napadilat ako ng mga mata ko para sawayin sya.

Napatawa si kuya Martin sa kabilang linya. (wala pong problema maam Abby, mabait po ang pamilyang Sandoval)

Hindi ako umimik.

(kaibigan ko po ang mga body guards nila. Dati rin pong mga kasamahan namin yun) dagdag pa nya.

Tumango ako at umirap. Nong nakaraang eleksyon walang kalaban si Josh kaya hindi ako natakot, ngayon meron. Mabait ang pamilyang Saldoval, paano kung may ilang supporters sila na sira ulo. Hindi natin alam ang takbo ng pag-iisip nila.

Sa loob ng mahigit dalawang oras na byahe namin, hindi parin ako tinakasan ng takot. Napanatag lang ako nang marating namin ang Sentro.

Nakangiti ako nang papasok kami sa gate ng bahay nila. Two story house, 6 bedrooms with pool and basement.

Excited na lumabas si Rafa at tumakbo papasok.

Sabay kaming pumasok ni Josh sa loob. Maingay angbloob ng bahay, sa pintuan palang alam ko na agad kungbsino ang mga nasa loob.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now