12

2.1K 70 6
                                    

Tanghali nang dumating si Lani. Kumain kami sa labas at nagkwentuhan.

"Hay naku, babalik din yan sayo lalo na't anong trip mo at ang ganda mo!"

"Alam mo naman yung beshie girl ko, ang hilig non magpaganda" kumindat ako.

"Ganda mo talaga, hakot awards kana naman nyan sa mga regards sa paligid" nakanguso nyang sabi.

"Paganda ka rin kasi" saway ko. "Mali magnew look kana!"

Tamango sya, "sige!" Excited syang napapalakpak ng mga kamay nya.

"After nito, mall tayo?" sabi ko.

Ngumuso sya at umiling. "Pwede after exam ko nalang"

"Sige! Para pagdating ni Hans new look kana" nakangiti kong sabi.

Kinilig sya lalo sa sinabi ko.

"Alam mo yang Mine mong yan babalikan ka nyan sa ganda mong yan!" - ani nya.

Napailing ako ng wala sa oras. "Hindi na ako umaasa" sumubo ako, "masaya na yun at hindi ako bitter"

Nagtaas sya ng kamay sa ere bilang pagsaludo sa akin. "Martyr ka teh! Ikaw na!"

"Hoy ano kaba, dont talk when your mouth is full" saway ko.

Napatawa sya.

Hanggang sa pag-uwi namin, hindi parin nawala ang mga pagbuo nya ng karma para kay Joshua.

Pagdating namin sa gate. Napahinto ako nang maabutan ko syang nakatayo sa labas ng kotse nya at pinaglalaruan ang susi nya.

Nagtama ang mga mata namin. Hininto nya ang paglalaro sa susi nya at tumayo sya ng tuwid.

"Sabi ko na nga ba, dahil mas gumanda ka makikipagbalikan na sayo" umirap si Lani at naunang pumasok.

"May hinihintay ka?" ngumiti ako.

Napatitig lang sya sa akin at ngumiti.

"Makisuyo ka? Anong room?" Napakapit ako sa sling ng bag ko.

Pagod syang lumapit sa akin at niyakap ako. "I miss you" bulong nya.

Hindi ako gumalaw. "Kung namimiss mo lang ako, pwede wala nang yakap?" umiwas ako. "Akala ko ba may gusto kanang iba?" nagtaas ako ng kilay.

Napangiti sya. "Badtrip lang ako that time, nahuli mo ako!"

"Yeah!" nagtaas ako ng kilay. "So nakita mo na ako, pwede na ba akong pumasok?"

Umiling sya. Hinila nya ako papasok sa kotse nya. "I miss us" pinapasok nya ako at sinara ang pintuan.

Nagmaneho sya papunta sa pad nya. Hindi na ako umangal pa. Hawak nya ang kamay ko habang papasok kami ng pad nya. Pagkapasok namin, niyakap nya agad ako.

"Josh!" saway ko kaagad.

"Wala pa akong tulog, simula kagabi Im waiting for you to accept my friend request, maaga pa akong bumyahe mine" antok nyang sabi.

"Diba sabi mo cool off muna tayo?" Napakunot ang noo ko.

"Cool-off no more!" ngumuso sya. Hinila nya ako papunta sa bed nya. Nahiga sya habang yakap ako.

"Sorry mine, I dont mean to say anything to hurt you" nakadikit ang labi nya sa pisngi ko.

Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa ginawa nyang paghalik sa akin.

"What about her?" bigla kong binuksan ang usapan.

"Ill fix everything mine. Just give me time" sabi nya.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now