Simula

10.4K 142 3
                                    

JOSHUA POV

Tahimik kami sa loob ng kotse, para bang nakikiramdaman kami kung sino ang unang hihinga at magsasalita. Were not used to talk here sa University, pero we known each other and were very close.

"Tangina casual!" sigaw ko sa kotseng nasa harapan namin, mabagal ito at nasa gitna pa.

Napayuko sya sa pagsigaw ko. Umiling nalang ako at napangiti. Yeah minus pogi points!

Sa sobrang lakas ng ulan. Halos hindi na makita ang daan. Baha narin ang ilang kalsada kaya maraming mabagal ang takbo.

"Oh-uh!" Napahinto ako bigla nang makita ang baha na humarang sa  daan papunta sa dorm nila. Maraming lumulusong at marami ring nakahinto. "Bakit baha dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi kuya, inaayos yung drainage sa kabilang banda kaya dito lahat ang tubig ngayon" nakayuko nyang sabi.

"Ok--"

"Dito nalang ako kuya, maglalakad nalang ako" tinanggal nya ang seatbelt nyang suot pero nilock ko ang pintuan.

"Malakas ang ulan By, lampas tuhod ang tubig ano sa palagay mo ang mangyayari sayo kung lulusong ka dyan?" napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Nauna akong umiwas sabay kagat ang ibabang parte ng labi ko. Tangina, bakit ba ang lakas ng kamandag mo!

Nanatili syang nakaupo. Inatras ko ang kotse at nagmaneho papunta sa pad ko.

Ginarahe ko ang kotse. "Magpasilong ka muna, mamaya kung hindi na malakas ang ulan, ihahatid kita" sabi ko na kinatango nya. Inosenteng bata!

Bumaba sya at umupo sa mga nakahilerang bench. Yakap nya ang mga braso nya. Giniginaw sya sa ambon ng malakas na hangin, paano naman kasi nakasleeveless na nga, nakaminiskirt pa.

"Don ka muna sa taas, dont worry matutulog lang naman ako kaya wala ka dapat ikabahala" pagod kong sabi. Sana, kung makatulog agad ako sa presensya nya.

Sumunod sya pero may pagitan kaming dalawa. Ito ang unang besis nyang pag-apak sa pad ko.

Pagbukas ko ng pad, sinalubong ako ng malakas na hangin mula sa nakabukas na pintuan ng terasa.

Mabilis ko itong sinara, "upo ka muna by" nilahad ko ang sofa sa kanya. "Pasensya kana kung medyo magulo" napangiti ako.

Tamango sya at umupo. Halatang kabado sya dahil nasa paa nya ang mga mata nya at mahigpit parin ang pagkasalikop ng mga kamay nya.

Napangiti ako at napahinto. "Hey, Abby relax!" Napatawa ako nang magulat sya sa pagtawag ko ng pangalan nya.

Tipid syang ngumiti sa akin at ngumuso. I miss her so much.

Tumayo ako at pina-on ang water dispenser ko. Alam kong wala pang kain ang batang to, sa higpit ng pagkasalikop nya sa mga daliri nya at pagod sa mukha nya, siguradong kumakalam narin ang sikmura nito.

Nang uminit na ang tubig, kumuha ako ng dalawang cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. "Halika dito, kain tayo" sabi ko.

"kuya salamat, mamaya nalang po ako" nahihiya nyang sabi.

Napailing ako. Nilapitan ko sya at hinila patayo. "Tayo lang nandito Abby, alam kong gutom kana" pinaupo ko sya at umupo narin sa harapang upuan nya. "Please drop the shyness babe, nasa ibang lugar lang tayo pero tayo parin naman to ah"

"Kuy--"

"Sssshh!" Sumenyas ako at sinilip ang noodles kung pwede nang kainin.

Tumayo ako at kumuha ng kanin sa rice cooker. Nilagyan ko ng kanin ang cup noodles ko na kinabigla nya.

YESTERDAY'S DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon