6

2.3K 65 0
                                    

Nakisabay ako sa mga kaibigan ko, papicture dito, papicture doon. Posing dito, posing doon.

Naghubad narin ako ng shorts nang maligo na kami sa pool. Maliwanag kasi ang pool sa baba dahil may ilaw kaya underwater narin ang trip namin.

Maroon emily bikini pair ang suot ko. Lumiliwanag ang kaputian ko sa suot ko at alam ko yun, sa tagal kong inalagaan ang kutis ko ngayon ko pa ba itatago? Pinaghandaan ko na to, talagang nagdiet ako para lang maging sexy. May plano kasi kami ni Joselle dati pa, kaya todo kami diet para makasuot ng bikini. Unang besis ko tong  gagawin, ilalantad ang sarili kong katawan sa harap ng ibang tao.

Nasa jacuzzi kami at nagpaparelax ng dumating ang grupo nina kuya Josh. Pares-pares silang lahat maliban sa kanya na solong naglalakad at may tuwalya sa leeg at nakasando. Hurmado ang mga braso nya at nakashorts.

"Gwapo oh!" si Tiny. Bigla syang nagpagitna para maagaw ang atensyon namin.

Napangiti ako, ang lakas talaga ng dating ng mukong to.

"Huwag kanang mag-attemp boyfriend yan ni Abby" si Bianca.

Napatingin silang lahat sa akin at nagulat.

"Talaga?" si May.

"Sinundan ka ba dito?" si Shiela.

Umiling ako, mas nauna silang magplano kaso nagkasabay lang kaya sa inyo ako sumama.

"Ang swerte mo" nakangusong sabi ni Princess, ang gwapo nya talaga.

Ngumiti ako, "nakajackpot lang" kumindat ako.

Nilingon ko ang kinaroroonan nya. Nakaupo sya sa bakanteng sun lounger sa kabilang dulo at kausap ang mga kaibigan nya.

"Pakilala mo naman sa amin" si Breece.

"Mamaya na, nahihiya pa ako" sabi ko. "Hindi ako masyadong close sa mga kaibigan nya"

"Mamaya ha?" si Tiny.

Tumango at nilingon sya ulit. Nasa pool ang mga mata nya at pinagmamasdan nila ang malinis na tubig.

Nagpatuloy ang pag-uusap nang biglang dumating sina Anton at JC. Tinabihan nila ang mga girlfriend nila. Tumayo si May para lumuwag, lumipat sya sa malaking pool. Sumunod si Bianca sa kanya.

Napatingin ulit ako sa kinaroroonan nya, nasa pool na ang ilang mga kasama nya habang sya nakaupo parin. Sexy ding nagsihubaran ang mga babae nilang kasama. Nakayuko lang sya at halatang umiiwas.

Napangiti ako.

"Ang boring nitong mga couples! Paiinggit naman eh!" si Tiny. Inis syang umalis at lumipat sa pool. Nagtawanan kami, naagaw namin ang atensyon ng mga nasa pool dahil sa ingay ni Tiny.

"Brian, halika dito naghahanap ng kapares si Tiny" sigaw ni Breece.

"Si Abby ang hinihintay naming maghanap ng kapares" sigaw ni Brian.

"Ha ha ha! Asa pa kayo!" sigaw ni Bianca.

Tumayo kami ni May sa hagdan habang nakikitawa. Ramdam ko ang mga titig nila sa amin, sa akin. Lalo na sya.

"Danny, iwanan mo na yang dalawang sawi dyan" sigaw ni May. "Halika dito, sayang yang abs mo kung hindi namin makita!"

Napatawa kaming lahat. Tumayo si Nancy at pumunta sa sun lounger kung saan kami kanina umupo. May tatlong upuan ang agwat mula sa kinaroroonan nya.

"Abby, may tawag ka!" Tinaas nya ang phone ko sa ere.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni kuya Josh, hawak nya ang phone nya at alam kong sya ang tumatawag. Nakaupo sya sa dulo at kausap ang kaibigan nyang nakaupo sa gutter.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now