11

2.1K 70 9
                                    

Maaga kaming nagising ni Joselle para sa date namin sa kabilang city.

Excited kami pareho, plano naming magpasalon at mamili ng mga damit. Magpalinis ng kuko at magpaayos ng kilay.

"May problema ba kayo ni kuya? Napapansin ko kasing iba na sya ngayon" napanguso sya.

Ngumiti ako. "Wala na kami Besh, I want to be honest to you"

"What? Bago lang kayo diba?" Nagulat sya sa sinabi ko.

"May mahal na syang iba, ayaw ko naman makisawsaw besh" yumuko ako.

"Kaya pala kahapon parang may gap kayo pareho" napailing sya. "Hindi na sya tulad ng dati na lagi tayong kinukulit makasama kalang"

Napangiti ako. "Akala ko nga okay na ang lahat, kung saan handa na ako, tsaka ko lang nalaman na matagal na pala syang may girlfriend" biglang tumulo ang ilang patak ng luha ko. "Alam mo naman na mahal ko sya, masakit pala" napatawa ako.

"No besh! Ill make a way!" sabi nya.

Umiling ako. "Ayokong magmukhang pathetic sa harapan nya" ngumiti ako. "Bata pa ako besh, bata pa tayo, bata pa kami, mahaba pa ang kwento" nilipat ko sa bintana ang mga mata ko.

"I really hate him for doing this to you" pagod syang huminga at tinap ako sa balikat. "Im sorry, siguro napressure din sya sa mga pangungulit ko."

Ngumiti ako. "Its okay, mas mabuti ngayong nalaman ko kesa magmukha pa akong tanga, diba?"

Tumango sya. "Nakakainis!" Napanguso sya.

Nanatili kaming tahimik. Nang bigla syang napatawa.

"Hindi ko ata kayang mag-imagine ngbibang mukha para maging sister-in-law ko" nakanguso nyan sabi.

Napangiti ako. "Mahaba pa ang kwento Besh, hindi pa natin alam ang mangyayari sa dulo"

Tumango sya.

Nanatili kaming tahimik. Pakiramdam ko, aatakihin sya ng depression nya kung hindi ako titigil sa kakadrama ko.

"Ang dry na ng hair ko noh?" Ngumuso ako. "Ang pangit ko na" pag-iba ko sa usapan.

"Alam ko na. Magpapaganda tayong dalawa!" Kumindat-kindat sya. "Maghahanap nalang tayo ng para sa ating dalawa"

Tumango ako at sumang-ayon.

Pagdating ng mall, nauna kaming pumasok sa mall. Nagparebond kami ng buhok at nagpakulay. Halos naubos ang apat na oras para sa buhok namin. Mabuti nalang at manipis kaya hindi kami nagtagal.

Pagkatapos naming magpaayos ng buhok, sinunod narin namin ang pagpapakurba ng kilay.

Nagpaturo rin kami paano maglagay ng kilay, ng make-up at lipstick. Namili kami ng make up na babagay sa amin. Mga pampaganda para mas gumanda kami.

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng mga bagong damit.

"Nagpapadala parin ba ng mga damit ang tita Johana mo?" Tanong nya habang naglalakad kami.

Tumango ako. "Hindi ko pa nga nasilip yung mga pinadala nya sa akin don sa bagong dating nyang balikbayan" sabi ko.

"Sayang ang tita mo, napakaganda nya pero bakit ayaw nya mag-asawa?"  Napanguso sya.

Tinutukoy nya ang nag-iisang kapatid ni Papay. Nasa Canada ito ngayon at nagtatrabaho sa banko roon bilang accountant.

Sa amin sya umuuwi tuwing nandito sya sa Pilipinas. Tinuturin nya kaming  mga anak. Kaya sa isang taon, dalawang besis syang magpadala ng balikbayan.

YESTERDAY'S DREAMWhere stories live. Discover now